Sabado, Hulyo 30, 2011

Labanan sa setro Pt. 30

Nanggagalaiti si Reyna Ferona ng makitang namatay na muli ang kandila ng buhay ng 2 sa kanyang Heneral, si Ravenum at Jugo, hindi naman niya alam kung anong nangyari kay Presumar, ngunit nananatiling buhay ang apoy sa kandila nito. Yumanig ang kastilyo ng Adia sa nadamang galit ni Reyna Ferona, dali dali siyang bumaba ng kastilyo patungong silid ng kaluluwa at doon ay dumalangin sa bathalang si Arde. Humingi siya ng gabay mula rito, Hinabi ng bathalang si Arde ang pinagsamang kapangyarihan ng Adia at nabuo mula rito ang Tiara ng Adia na may kakayahang salagin ang kahit anong kapangyarihan, inutusan siyang pumunta sa lumang kuweba ng Demioral at gisingin ang isang nilalang na pinaniniwalaang katawaang tao ng bathalumang si Ether.



"Ang nilalang na iyon ay kinulong ang kanyang sarili sapagkat mismong siya ay natakot sa kanyang kapangyarihang taglay, gamitin mo ang Tiara upang pigilan ang mala-bathala niyang kapangyarihan" sabi ni Arde


Kinilabutan si Ferona sa narinig, ngayon natitiyak niyang wala ng makatatalo sa kanila. Lingid sa kaalaman ni Ferona ay may isang tengang nakikinig, isang tengang pagmamay-ari ng nilalang na hindi na makagalaw dahil sa takot sa narinig.


---------


Sa kabilang dako.........


Hindi pa rin makapaniwala sila Adwayan na nanalo sila sa laban, pero hindi naging madali ang panalong iyon, tunay ngang hindi matatawaran ang taglay na kapangyarihan ng mga heneral.


Lumapit si Adwayan kay Andoras at nakita ang kalunos lunos na kalagayan nito, ginamit niya ang kanyang kakayahang magpagaling na lalo pang pinalakas ng brilyante. Isang iglap lamang at gumaling ang kanilang mga sugat, ngunit nawalan ng malay si Adwayan matapos gamitin ang kapangyarihan niyang iyon.


"Mahabang paglalakbay, nakipaglaban sa isa sa mga heneral na nagtataglay ng brilyante at nagmamay-ari ng mata ng Lemery, nakakagulat at nagawa pa niyang gamutin ang mga sugat natin matapos ang mga bagay na iyon" sabi ni Ravenum


"Bukas ng umaga ay babalik tayo sa tagong lugar at hihingi ng patnubay mula sa mga babaylan, hindi biro ang magpatuloy pa sa paglalakbay lalo na't nakita natin kung gaano kalakas ang mga heneral." sabi ni Liyebres


"Iyon na nga ang ating ma mainam na gawin" ani Onestes



Natulog na sila sa kagubatan ni Reyna Danaya...


Ngunit mula sa kadiliman ay may isang aninong tuwang tuwa sa nagyayari, pinuntahan nito ang mga lugar na pinaglabanan nila Ravenum, Celestiya at Adwayan. Mula sa mga abo ng katawan ni Xeno ay kinuha ng anino ang brilyante ng panahon, mula sa nagyeyelong katawan ni Presumar ay hinigop niya ang brilyante ng tono at mula sa lupang libingan ni Jugo ay lumitaw ang brilyante ng lakas. Lumitaw sa palad ng anino ang 4 na brilyante, isa rito ang imortal na brilyante.


"Ilang piraso na lang ng makikinang na bagay at manginginig ang mga bathala sa aking kapangyarihan" anang anino



Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Labanan sa setro ni Reyna Camilla PT 29

Nawala na ang imahe ng Hasan Danaya, nilingon niya ang Heneral ng Adian na si Jugo, tama si Danaya, buhay na buhay pa ito, nakaya nitong tumayo mula sa atakeng ginawa ni Reyna Danaya. Anong klaseng halimaw ang nilalang na ito. Ilang sandali lamang at muli na namang nasa kanilang harapan si Jugo.


"Adwayan, mag-iingat ka sa kanyang mga mata" paalala ni Onestes


"Sabihin mo kakayanin mo pa bang tumakas?" tanong n Adwayan kay Onestes


"Pinrotektahan ako ni Andoras at Liyebres sa kaniyang pag-atake, marahil ay kakayanin ko pa" ani Onestes


"Maging ako ay hindi naman gaanong nasaktan, ngunit si Andoras ay tiyak na malubha ang pinsala" singit naman ni Liyebres


"Dalhin niyo ang katawan ni Andoras at lumayo mula rito, haharapin ko siyang mag-isa" wika ni Adwayan


"Hawak niya ang mga mata ng Lemery, subukan mong huwag magpadala sa iyong emosyon" babala ni Liyebres


Hinid naintindihan ni Adwayan ang ibig ipahiwatig ni Liyebres, ngunit may plano si Adwayan, wala siyang lakas ng tulad ng kay Reyna Danaya upang tapatan ang lakas nito, ngunit nasa kanya na ang brilyante ng lupa.


"May dahilan kung bakit hinayaan ni Emre na mapunta ako sa pangangalaga ng mga Hollias Adian, at ipapakita ko sa iyo ang dahila na iyon." paniguradong sabi ni Adwayan


"Ang tanging dahilan kung kaya't pinatapon ka sa lugar na iyon ay upang maging singkitid ng mga pachnea ang iyong pag-iisip" panunuya ni Jugo


"Masdan mo ang pinagsamang kapangyarihan ng Lemery at ang brilyante ng lakas" pagmamayabang ni Jugo


Ang mga mata ni Jugo ay nangitim, kasabay ng pagdilim ng paligid.


"Hayaan mong bigyan kita ng leksyon sa kapangyarihan ng mata ng Lemery, may kakayahan ang mga matang ito na ipakita sa kalaban ang kanyang pinakamalakas na katungali" wika ni Jugo


Mula sa kawalan ay lumitaw ang isang nilalang na tila pamilyar kay Adwayan, napagtanto niyang ito ay kamukhang kamukha niya noong oras na masilayan ito ng buwan.


"Mukhang sinasabi ng aking mga mata na ang pinakamahigpit mong katungali ay ang iyong sarili, mukhang magandang panoorin ang laban ng dalawang pachnea" wika ni Jugo


"Hahaha hindi ako malilinlang ng iyong mga ilusyon Adian" sabi ni Adwayan


Sinugod niya ito gamit ang kanyang espada, ngunit sinalag ito ng kaniyang kawangis gamit ang kawangis na espada niya, lahat ng galaw nito, paraan sa pakikipaglaban, lakas ay katulad na katulad ng sa kanya. Bumunot siya ng punyal at itinurok sa kanang hita ng kanyang kawangis, bumaon ito at lumayo siya mula sa kalaban, ngunit sa kanyang pagtataka ay dumudugo rin ang kanyang kaliwang hita, tila isang salamin ang kanyang kalaban.


Wala siyang pagpipilian kundi ang tawagin ang brilyante ng lupa, ngunit sa kanyang pagkamangha ay tinatawg rin ng kanyang kawangis ang brilyante ng lupa.


"Bakit hindi mo ulitin ang binangit mo kaninang ilusyon lamang ito" sabi ni Jugo.


"Hindi ang mga ganitong bagay ang makakapigil sa akin" wika ni adwayan


Sinugod niya ng buong puwersa ang kalabang kawangis, hindi niya inalintana ang sugat na natatamo niya sa tuwing masusugatan niya rin ang kalaban. Lumayo siya sa dami ng sugat na natamo. Napansin niyang may pagkakaiba sila ng kanyang kawangis. Ang anino, wala itong anino ng tulad ng sa kanya, lumingon siya at nakitang wala rin ang kanyang anino. Napagtanto niyang ang kanyang kinakalaban ay ang kanyang anino. Itinarak ni Adwayan ang kanyang espada sa lupa na dapat sana ay kinalalagyan ng kanyang anino, at nakita niyang nasugatan ang kanyang kalaban. Paulit ulit niyang ginawa ang bagay na iyon hangang sa nagapi niya ang kanyang anino.


"Magaling para sa isang pachnea, ngunit paano mo maililigtas ang sarili mo mula sa akin ngayong punong puno ka na ng pinsala sa iyong katawan" Ani Jugo


Tama si Jugo, wala ng sapat na lakas si Adwayan upang labanan si Jugo, kahit pa pagalingin pa niya ang kanyang mga sugat ay wala na ring magagwa upang pabalikin ang nawala niyang lakas at dugo.


Nagdesisyon siyang harapin si Jugo sa ganoong kalagayan. Sinugod siya ni Jugo at nakaiwas siya.


"Hangang kailan ka makakiwas, pachnea? Isang dampi lamang ng aking kamao at siguwado na ang iyong katapusan" wika ni Jugo


Umilaw ang palad ni Adwayan at lumitaw ang brilyante ng lupa, mula sa lupa ay naglabasan ang mga baging na punong puno ng tinik, pumupulupot kay Jugo, ngunit madali siyang nakakawala sa kakaunting baging na iyon, sumugod siya papalapit kay Adwayan, lalo pang dumami ang baging na may tinik, ngunit wala ng oras si Adwayan malapit na si Jugo at gagawin na nito ang pag-atake niya, isang hibla na lamang sana ng buhok ang layo ng kamao ni Jugo kay Adwayan ng bigla itong nahinto.


"Sa wakas, umepekto rin" ani Adwayan


"Anong ginawa mo sa akin, bakit hindi ako makagalaw" tanong ni Jug


"Ang mga baging na tinawag ko ay hindi para balutin ka at hulihin, ang mga tinik nito ay may pampamanhid, isang tusok lamang mula sa mga tinik nito ay hindi ka na makakagalaw, ngunit para sa katulad mong malahalimaw ang lakas, nakakagulat naya mong tagalan ang lason na iyon at nakagalaw ka pa, eto na ang iyon katapusan" ani Adwayan


Hinatak ng mga baging ang katawan ni Jugo patungong ilalim ng lupa, hangang sa hindi na matanaw ang kanyang bakas.



Susunod: Panganib! Kasamaang higit pa kay Reyna Ferona,

Isang sulyap sa mas mapanganib na kalaban.

Linggo, Hulyo 24, 2011

Labanan sa setro pt. 28

Hindi makapagdesisyon si Celestiya kung tatangalin na niya ang harang na tubig upang makahinga, ngunit sa sandali namang gawin niya ang bagay na iyon ay nag-aabang si Presumar upangh tugtugin ang musika ng kamatayan. Tila wala na siyang pagpipilian kundi ang tawagin ang kanyang gabay-diwa, nag-aalala lamang siya sa kung anong maaring mangyari sapagkat hindi pa niya lubusang nakokontrol ang kanyang gabay diwa.


HELIANTHUS!!!! sigaw ni Celestiya


Sa sandaling sinambit ni Celestiya ang pangalan na iyon ay nagyelo ang buong paligid, hiniwa niya ang baluting tubig na naging yelo gamit ang isang espada, ang espadang yelo na si helianthus.


"Ang akala ko ay hindi ka na lalabas sa lungang pinagtataguan mo"wika ni Presumar


Napansin ni Presumar ang kamay ni Celestiya na may bahid ng dugo ng dahil sa yelong espada, napag-alaman niyang hindi pa lubusang nauunawaan ni Celestiya ang kanyang gabay diwa.


"Mukha yatang ayaw kang sundin ng iyong gabay diwa, napansin kong ang mga kamay mo ay tila nagyeyelo"saad ni Presumar


"Napansin mo pala, ayaw ko sanang gamitin ang paraan na ito, ngunit wala akong pagpipilian, mag-iingat ka Adian, hindi ko pa lubusang nkokontrol ang kapangyarihan ito." wika ni Celestiya



Nagsimulang umulan ng niyebe sa lugar na kanilang pinaglalabanan, nagsimula na ring tumugtog si Presumar, ang musika ng kamatayan.


*Kailangang maunahan ko na siya sa pag-atake bago pa makumpleto ang musika ng kamatayan, dahil sa sandaling makumpleto ang musikang iyon ay tiyak na ang aking katapusan* wika ni Celestiya


Sumugod si Celestiya gamit ang Helianthus, isang wasiwas ng espada at maging ang hangin ay nagiging yelo, Ngunit tila lumalaban ang espada, hindi niya matamaan si Presumar dahil kumakawala ang espada, may sarili itong isip at sariling diskarte sa paglaban, ayaw nitong sundin ang gustong mangyari ni Celestiya.


Itinusok ni Celestiya ang espada sa lupa at sinambit ang isang sumpa


"Ang niyebe ng hilagang sing-init ng apoy

Ang yelong kumulong sa reyna ng unang panahon

dingin mo ako yelo ni Hasan Esmeralda

balutin at itago sa panahon ang nilalang na ito

sinasamo ko ang kapangyarihan ng tubig

pakingan ang dasal ng iyong tagasunod

ibigay ang kapangyarihan upang gapihin ang kalaban

paglahuin ang kasamaang aking nasisilayan"


FREVILAS!!!!


Unti unting nababalot ng yelo ang katawan ni Presumar, umaakyat mula sa paa patungong beywang, sa pag-aakalang magtatagumpay na si Ceestiya, laking gulat niya ng huminto ang pag buo ng yelo ang yelo na aakyat mula sa beywang ang nadudurog kagagwan ng brilyante ng tono, ngunit lalo pang lumakas ang pagbagsak ng niyebe, tuloy lamang sa pagtugtog ng musika si Presumar, hiniwa niya ang katabing puno na nagyelo, pinagpirapiraso gamit ang helianthus at binato patungo kay Presumar, ngunit nadurog ang lahat ng ito bago pa man tumama kay Presumar dahil sa kapangyarihan ng brilyante ng tono.


Malapit ng matapos ang musika ngunit wala pa ring magawa si Celestiya, pinikit niya ang mga mata niya at handa na niyang tangapin ang kamatayan. Nagulat siya ng huminto ang musika, idinilat niya ang mata niya at nakita niya si Presumar, nanginginig sa lamig, hindi niya matugtog ng maayos ang biyolin ng dahil sa panginginig.


Ginamit ni Presumar ang brilyante ng tono at binasag ang mga yelong pumipigil sa kanyang mga paa, sa halip na muli siyang tumugtog ay sumugod ito kay Celestiya gamit ang brilyante ng tono, iniwan nito ang biyolin na si Requiem sa lupa na puno ng niyebe, nagpakawala siya ng napakalakas na tunog na nagwasak sa mga batong nagyeyelo, patungo ang malakas na tunog sa kinaroroonan ni Celestiya.


Nagulat na lamang si Presumar ng makita niyang hinihiwa ni Celestiya ang mga tunog, gamit ang helianthus.


Sinugod ni Celestiya si Presumar, ngunit nakaiwas ito.


"Kung ganyan ka kabagal ay wala ka pa ring magagwa sa akin, encantada" pagmamayabang ni Presumar


"Hindi ikaw ang pinupuntirya ko Adian, Kundi ang instrumentong ito" sabay pakita ng biyolin na si Requiem


"Ibalik mo sa akin yan" utos ni Presumar


"Narinig ko ang iyak ng iyong biyolin, napakalungkot nito, dati sana siyang ginagamit upang magpagaan ng loob, Pachnea!! damhin mo ang musika ng paghihiganti" galit na sabi ni Celestiya


Ginamit niya ng magkasama ang biyolin na si Requiem at si Helianthus bilang "fiddler", Napakalungkot ng tunog, napansin niyang muli siyang nagyeyelo, ginamit niya ang brilyante ng tono ngunit hindi nito magawang pahintuin ang musikang sinasambit ng dalawang gabay diwa, napakalakas ng kapangyarihang nabubuo dito. Walang nagawa si Presumar, nabalot ng tuluyan ang buo niyang katawan sa yelo, ang yelong hindi natutunaw, iyon ang yelo ng Frevilas na mas lalong pinalakas ni Helianthus at Requiem.



susunod: Pagsabog ng kapangyarihan ng lupa!

Ang mga mata ng Lemery, mga mata ng karimlan

Miyerkules, Hulyo 20, 2011

Labanan sa setro pt 27

Mismong si RAvenum ay namangha sa nagawa ng kanyang gabay-diwa, naisip niya na kung mas lalakasan pa niya ang apoy na gagamitin niya bilang palaso ay mas lalakas pa ito. Lalo na kung dadagdagan pa niya ito ng isang makapangyarihang sumpa, para ano pa't hinanda siya ng mga Akor at inaral niya ang lahat ng sumpa ng apoy kung hindi man lamang niya magagamit, at sa tingin niya ay magandang pagkakataon ito upang subukan ang mga inaral niya, ngayon na nagising na ang apoy niya.

"ang apoy na nagpapadilim sa liwanag
sing dilim ng gabing walang buwan at bituin
sisilaban ang espasyo at susunugin ang espiritu
Hervacio ng silangan
Parikit ng Hilaga
Pilato ng Kanluran at
Amoderal ng Timog
Ang mga apoy ng apat na sulok
Halikayo't pagningasin ang aking kaluluwa"

"INOCENCIS!!!!!!!

Ang apoy na hugis palaso ni Ravenum ay naging kulay itim, nagawa niyang tawagin ang itim na apoy, ang apoy na kayang tumunaw kahit na kaluluwa ng kahit na sinong nilalang, handa na niya itong itira sa kinatatayuan ni Xeno. Ngunit hindi papayag si Xeno, Sumambit si Xeno ng isang sinaunang sumpa...,

Ang oras ng kalawakang hindi matitibag
Iikot at Iinog na singbagal ng Perikalta
Animo'y hihinto ang pagpatak ng ulan
titigil ang dahon sa pagbagsak sa taglagas
Ipadama mong dapat kang katakutan
Dingin o ang panawagan ni Hades!

BANUO!!!!

Napansin ni Ravenum na nawala sa kinatatayuan niya si Xeno, isang sugat ang natamo niya, nagulat siya sa bilis ni Xeno

"Huwag kang mag-alala ang sugat mong iyan ay natamo mo mula lamang sa punyal na ito, at hindi kay Hades, gusto kong makitang dahan dahan kang nagagapi, premyo mo mula sa pagkakaputol mo ng aking braso. Si Hades ay tinurok ko sa lupa upang pabagalin ang panahon sa lugar na ito" paliwanag ni Xeno.

Lumapit si Xeno sa isang ibong huminto sa paglipad "Nakakamangha bang pagmasdan ang aking kapangyarihan? ang mga bagay na hindi makagalaw ay walang laban sa akin" sabay pinisa nito ang ibong walang laban.

Napansin ni Ravenum na bumagal nga ang panahon, maging ang pagbagsak ng ibong kinitlan ni Xeno ng buhay ay napakabagal, ngunit hindi pa siya nawawalan ng pag-asa, may naiisip pa siyang huling baraha.

Muli siyang nasugatan ni Xeno, ibinaon ni Xeno ang punyal sa kanyang kaliwang hita at iniwan ni Xenong nakabaon ang punyal at muli itong humugot ng isa pang punyal.

"Tunay na walang epekto sa iyo ang aking brilyante ngunit ang simpleng punyal pala ay sapat na upang kitlin ang iyong buhay. Sa kaliwang braso, kanang hita, sa kamay.... Hmmm saan kaya mas magandang iturok ang isang punyal na ito?, Mukhang huling punyal ko na ito, kung iturok ko na lamang kaya sa puso mo? Huwag kang mag-alala, dahan dahan kong ibabaon ang punyal sa iyong dibdib, mararamdaman mo ang hapdi at sakit ng bawat oras. HAHAHA" panunuyang sabi ni Xeno

Dumudugo na ang dibdib ni Ravenum, ngunit bago pa tuluyang naibaon ni Xeno ang punyal sa kanyang dibdib ay bumaon dito ang apoy ng Inocencis.

"Papaano kang nakagalaw?" pagtataka ni Xeno

Napansin ni Xeno na ang kalawit niya na si Hades ay nilulusaw na ng magma.

"Tinawag ko ang apoy mula sa ilalim ng lupa, nakalimutan mo na ata na may mainit na bahagi ang bawat mundo., habang abala ka sa mahabang seremonyas mo kanina ay unti unti ng umakyat mula sa ilalim ng lupa ang aking apoy, tunay nga na limitado lamang ang kapangyarihan mo sa ginagalawan natin" wika ni Ravenum

At tuluyan ng bumagsak si Xeno, Nais pa sanang tumulong ni Ravenum sa laban ng kanyang mga kaibigan ngunit sa lagay niya ngayon ay tila imposible.

........
SUSUNOD
Ang pagsigaw ng gabay diwa ng tubig!
Helianthus, ang espadang niyebe.

Martes, Hulyo 19, 2011

Labanan sa setro ni Reyna Camilla Pt. 26

Nagdilim ang paningin ni Adwayan sa nakita, yumanig ang lupa sa galit na nadama niya, hindi na niya inintindi kung bakit bumalik siya sa dating kinalalagyan, Sinugod niya ng buong puwersa si Jugo gamit ang kanyang kamao, ngunit ni hindi man lamang ininda ni Jugo ang pag-atakeng iyon. Winasiwas siya ni Jugo at humagis si Adwayan.

Muli siyang bumangon, at akmang muling susugod, ngunit mula sa kinatatayuan niya ay bumuka ang lupa, nagliwanag at lumitaw ang napakagandang encantada. Suot nito ang maalamat na baluti ni Reyna Danaya.

"Ako si Hasan Danaya, ang tagapangalaga ng brilyante ng lupa, nakita ko ang dalisay mong puso ng pakitunguhan mo ng maayos ang alaga kong si Nemu at ng subukan mong sagipin ang naghihingalo mong kaibigan, malinis ngunit hindi paapi, ganyan ang tamang asal ng susunod na tagapangalaga ng brilyante ng lupa" wika ni Reyna Danaya.

"Ang banal na encantada ng lupa, mukhang gumaganda ang sitwasyong ito" tuwang tuwang sabi ni Jugo

Sinugod niya ng isang malakas na suntok si Reyna Danaya, ngunit sa pagkagulat niya ay sinalag lamang iyon ni Danaya gamit ang isang daliri, gumanti si Reyna Danaya ng isang pitik at tumilapon si Jugo ng napakalayo.

"PACHNEA! Anong karapatan mong putulin ang pag-uusap ng dalawang makapangyarihang encantada" galit na sabi ni Danaya.

Natameme si Adwayan sa narinig, siya ba ang sinasabi ni Reyna Danaya na isa pang makapangyarihang encantada? MArahil ay siya nga dahil wala naman itong ibang kausap.

Si Jugo naman ay nanatiling nakahiga, nawalan na ata ito ng malay sa lkas ng pag-atakeng natangap.

"Pangalagaan mo ang brilyante ng lupa, Adwayan. Ang gabay diwa na nasa iyong puso ay isang banal na espiritu, iilan lamang kayong biniyayaan niyan. Gamitin mo ng wasto" nakangiting sabi ni Danaya

"May tanong po ako, kapuri puring HAsan, siansabi sa alamat na ikaw lamang sa mga banal na tagapangalaga ang nakatuklas sa tunay na kapangyarihanng brilyante, may pagkakataon bang ituro mo sa akin ang bagay na iyon?" pakiusap ni Adwayan

"Masyadong eksaherado ang kuwentong iyon, maging ang aking mga kaptid ay natulasan ang kapangyarihang iyon, hindi ko maaring ituro sa iyo ang bagay na iyon, ngunit bibigyan kita ng sagot, PAG-ISAHIN mo ang tatlong puso, adwayan" wika ni DANAYA

"At isa pa, hindi na ako magtatagal, iiwan ko na ang pagparusa sa walang kwentang Adian na iyan sa iyong mga kamay, maging mahinahon ka sa kanya" wika ni Danaya


Narinig ba niya ang salitang mahinahon mula rito, kanina lamang ay nakatangap si Jugo sa kanya ng isang malakas na atake, ni hindi na nga gumagalaw ito, tapos sinasabihan siya nitong maging mahinahon?

............

Ginagawa ni Ravenum lahat ng makakaya niya upang iwasan ang mga atake ni Xeno, binigyan nga siya ni Ifrit ng isang pana ngunit ni wala itong palaso, paano naman niya gagamitin ang panang walang palaso?

"Bakit hindi mo gamitin ang iyong sandata, binata, huwag mong sabihing isa lamang iyang dekorasyon?" sabi ni Xeno habang winawasiwas ng kaliwa't kanan ang kaniyang kalawit

Namamatay ang kahit anong tamaan ng kalawit, lupa, puno, kahit ang hangin na tinataman nito ay mistulang naglalaho, sadyang napakalakas ng kanyang gabay diwa.

"Si Hades ay isa sa mga gabay diwa ng Adia, kasam siya sa mga nakatangap ng pang-aalipusta ng mga tulad niyong encantada, sa edad kong ito, namalas ko na ang lahat ng klase ng pang-aapi ng lahi niyo binata" wika ni Xeno

"Ang mga Adia ang umalis sa pananampalataya kay Emre at sumamba ng isang huwad na bathala, dahila upang ipatapon kayo sa dulong hilaga" dahilan ni Ravenum

"Tila pinaniniwalaan mo ang lahat ng nababasa mo lamang sa libro ng kasaysayan" sagot ni Xeno

"Ang ADia ay inalipin dahil natakot sila sa kakaibang kapangyarihan ng mga ito, hindi kami ang tumalikod, kami ang tinalikuran" Galit na sabing muli ni Xeno

hindi pinansin ni Ravenum ang sinasabi ni Xeno, ang mahalaga ay ang manalo siya sa laban, ang kahapong nangyari ay kahapon pa, hindi tamang ulitin nila ang pang-aaping naranasan nila kung totoo man ang sabi nito.

Mula sa kanyang palad ay lumikha is Ravenum ng apoy, ito na lamang gagamitin niyang palaso, kinorte niya ito ng tulad ng sa isang palaso at ginawang bala sa kanyang pana. Itinira niya ito kay Xeno, at umulan ng hindi mabilang na apoy ng pana, walang pnahon para umiwas, inikot ni Xeno ang kanyang kalawit upang magsilbing pananga, ngunit tinamaan pa rin siya ng isang pana sa balikat, ang apoy na mula sa pana ay hindi namamatay, nanatiling nag-aapoy iyon sa balikat ni Xeno, unti unting sinusunog ang katawan ni Xeno.

Hinatak ni Xeno ang balikat upang maputol at matigil ang pag-apoy, wala siyang ibang pagpipilian, kundi ang mawala ang isa niyang balikat, napakadelikado ng gabay diwa ng encantadang kanyang kaharap.

LABANAN sa SETRO PT 25

Si Celestiya naman ay nagdesisyong harapin ng mag-isa si Presumar sa paniniwalang nakalalamang siya dito, ngunit nagkamali siya, may kakayahang agawin ng brilyante ng tono ang musikang nililikha niya sa tuwing kakanta siya.

"Tinatawag ko ang aking gabay diwa, REQUIEM!!! wika ni Presumar sabay lumabas ang isang biyolin.

"Narinig mo na ba ang Alamat ng Musika ng kamatayan, binibini?" tanong ni Presumar

"Ang alamat ng tunog na ikinamatay ng isang banal na encantadia? at ano namang pakialam ko roon?" wika ni Celestiya

"Mabuti at alam mo at hindi na ako mahihirapang magpaliwanag sa iyo, ang musikang iyon ay aking tutugtugin, ang huling musikang iyong maririnig" HAHAHA!" panunuya ni Presumar

Mula sa lupa ay bumulwak ang napakaraming tubig, sumisirit sila, tumatakip kay Celestiya, nagsisilbing panangga. Naghahanda siya para sa pagsugod ng musikang ponebre.

"Magaling ang naisip mong gamitin ang tubig upang pigilang marinig ang musika ng kamatayan, hindi bale, dumedepende ang tunog na kayang tumagos sa baluti mong tubig sa lakas ng musika." wika ni Presumar

"Tingnan natin kung tatagos ang tunog na iyan sa kapal ng pader ng tubig ko" saad ni Celestiya sabay lalong dumami ang tubig na sumisirit sa lupa.

"Marahil nga ay tama ka, pero hangang kailan ka tatagal? Ano kaya ang unang mauubos, ang lakas mo o ang hanging pumapasok sa liit ng espasyo ng iyong kinalalagyan?" tanong ni Presumar

Tama si Presumar, malaking bahagi ng enerhiya niya ang nuubos sa pagdepensa lamang sa tunog ni Presumar, kailangan niya ring umatake upang manalo, nararamdaman niya na rin ang pagnipis ng hangin sa kinalalagyan niya.

Sa dako naman nila Andoras....

Pinagtulung tulungan nila Andoras, Onestes at Liyebres ang Henral na si Jugo, ngunit kahit na ang paglapit man lamang sa heneral ay tila imposible, napakalakas nito, isang padyak sa lupa at niyayanig ang kinalalgyan nila.

Umupo si Jugo at naghihintay ng susunod na pagsugod mula sa 3, Si Liyebres ay sumambit ng sinaunang sumpa, na nagpapalakas sa katawan.


"Pagpupuri sa bantay ng hilagang lupa
Minamatyagan ng bituing Amecadia
Gamit ang lakas na sinubok na ng panahon
Tinatawag ko ang lakas ng diablong si Privera"

Ang katawan ni Liyebres ay nagbago, binunot niya ang isang puno na malapit sa kanya at ibinato iyon kay Jugo, ngunit sinapo lamang iyon ni Jugo gamit ang isang kamay, pinaikot ikot gamit ang isang daliri, hinagis at sa isang wasiwas ng kamay ay nadurog ito.

"Iyon na ba yon? Kung wala na kayong maipapakita ay sapat na sigurong kitlin ang inyong mga buhay, nagsisimula na akong mainip, tila ang mga nag-aalab niyong mga mata kanina ay napalitan na ng takot, tinatamad na akong lumaban" inis na sabi ni Jugo

...........

Si Adwayan naman ay kanina pa patakbo takbo sa palaisipang gubat na kaniyang napuntahan, pakiwari niya'y lalong lumalayo sa kaniyang paningin ang puno ni Danaya, ngunit hindi siya maaring huminto, naririnig niya pa rin mula sa likuran ang labanan na iniwan niya, nagsakripisyo ang kanyang mga kaibigan upang makapunta siya rito, at hindi iyon mapupunta sa wala, sisiguraduhin niyang makukuha niya ang brilyante ng lupa ni Reyna Danaya.

Naalala niya noong kabataan niya ng maligaw siya sa kagubatan ng Hordes, ang luga na kinalakhan niya, sa tuwing maliligaw kasi siya ay til humuhuni ang kalikasan at itinuturo sa kanya ang tamang daan, sinusundan niya noon ang pagsayaw ng mga tuyong dahon na tila nais na sumunod siya, at ang mga pachneang tila may nais sabihin sa kanya. Huminto si Adwayan sa pagtakbo, huminga ng malalim at huminahon, pinakiramdaman niya ang paligid at hindi nga siya nagkamali naroon muli ang pakiramdam na tila may nais sabihin ang kalikasan sa kaniya. Ang pagsayaw ng mga puno na tila mayroong itinuturo sa kanya, sinubukan niyang sundan ang itinuturong lugar ng mga dahon at sanga ng bawat puno. Ngunit sa kanyang pagkagulat ay bumulaga sa kaniya ang isang napakalaking pachnea, mabangis ito, may kaliskis itong tila sa isang dragon, buntot na patulis na may matalim at matigas na bagay sa dulo nito, may matatalas itong kuko at ang laway nito'y kayang tumunaw ng bato.

Inihanda ni Adwayan ang kanyang mga punyal, sumugod ang pachnea at tinamaan si Adwayan ng buntot nito, humagis si Adwayan sa lakas ng pachnea. Susugod sana si Adwayab ngunit napansin nitong may kakaiba sa kilos ng pachnea, sa lakas at laki ng pachneang ito ay kayang kaya nitong kitlin ang kanyang buhay ngunit hindi ito gumagalwa mula sa kaniyang kinalalagyan, sumugod lamang ito ng nakita ang kanyang mga punyal,

Nagdesisyon si Adwayan na itapon ang kanyang mga punyal, at tumigil ang pachnea sa pag angil, Lumapit si Adwayan sa pachnea, alam niyang nararamdaman ng mga ito kung meron panganib ang lumalapit sa kanila, nalungkot si Adwayan, kailan ba siya nag-iba at tila nakalimutan na niya gnilang bagay sa kaniyang kinalakhan. Buong tiwalang inabot ni Adwayan ang kanyang mga palad sa mukha ng pachnea, hindi niya iniisip ang mga laway nitong may kakayahang tumunaw ng bato, hinimas niya ang pachnea at humingi ng paumanhin. Tila naintindihan ng pachnea si Adwayan at humuni itong parang nagpapasalamat. Nangiti si Adwayan, ngunit sa kaniyang pagtataka ay naglaho ang lahat na parang ilusyon lamang, at nakita niya ang halos wala ng buhay na katawan ni Andoras na hawak hawak ni Jugo.

Sabado, Hulyo 16, 2011

Labanan sa Setro Pt 24

Tumatanda si Ravenum, bumagsak siya ng dahil sa pagkahapo, ang kanyang edad ngayon ay tila hindi kyang dalhin ni ang bitbit niyang pana. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, nagawa ng kalaban na patandain siya, tila wala na siyang laban, napansin niyang dumidilim na ang kanyang paligid, at mukhang natalo siya sa labanang ito.
Nang may narinig siyang isang maliit na tinig, "Ravenum, Ravenum, hangang diyan na lamang ba talaga ang kaya mong gawin? Idilat mo ang mga mata mo." Wika ng tinig
Minulat ni Ravenum ang kanyang mata at napansing ang kanyang paligid ay tumigil, napansin niya sa isang dako na may nilalang na kulay pula ang nakatingin sa kanya at tinatawag ang kanyang pangalan.
"Liban kasi'y puro kayabangan ang inuuna mo, kesyo para sa karangalan nito para sa karangalan noon, para sa karangalan ng walang kwentang bagay, tingnan mo ang sarili mo, nakakaawa ka, hindi ako makapaniwalanag hinayaan mong gawin ng isang matandang hukluban ang ganyang bagay sa iyo" sabi ng isang nilalang
Isang wasiwas ng kamay ng nilalang na ito at nagbago ang paligid, napunta sila sa isang lugar kung saan punong puno ng apoy.
"Ako si Ifrit ang gabay diwa ng apoy, ang lugar na ito ay napapaloob sa puso mo, maiinit tamang tama para sa isang nilalang na tulad ko" wika ng nilalang
"Bakit nananatili ka pa ring matanda? Ang lugar na ito'y ang puso mo, magagawa mo ang kahit nong gustuhin mo dito"tanong ni Ifrit
Isang kisapmata ni Ravenum at bumalik siya sa kanyang tunay na edad.
"Anong pakay mo at dinala mo ako dito" wika ni Ravenum
"Narinig ko ang pagsigaw ng puso mo, ayokong naririnig na sumisigaw ng pighati ang puso mo, dito ako nananahan, nabibingi ako sa pighati mo sa tuwing ikaw ay malulumbay, Nais mo bang mabuhay o nais mong madamang ikaw ay buhay? Muling tinanong ni Ifrit
"Nais kong sagipin ang encantadia" sagot ni Ravenum
"Pachnea, hindi ka isang bathala upang sagipin ang buong encantadia ng ikaw lamang, palagi mong nalilimutan na may mga kasama ka, huwag kang magmataas dahil lamang sa brilyante ng apoy na hawak mo" saad ni Ifrit
"ito ba ang iyong ipinagmamalaki" sabi ni Ifrit sabay lumitaw mula sa kamay ni Ifrit ang brilyante ng apoy.
"Paanong napunta sa iyo ang brilyante" manghang tanong ni ravenum
"Ang kapangyarihan mo ay kapangyarihan ko rin, ngunit ang kapangyarihan ko ay kapangyarihan ko lamang, nais mo itong makamtan, kailangan mo akong gapihin sa laban" hamon ni Ifrit
Mula sa mga apoy ay lumitaw ang hindi mabilang na armas, palakol, sibat, espada, pana atbp.
"Maari kang mamili ng kahit anong sandata" wika ni Ifrit sabay lapit sa pinakamalapit na espada at kanya itong hinugot.
Tinungo naman ni Ravenum ang isang pana ngunit bago pa man siya makalapit dito ay sinugod na siya ni Ifrit, namangha siya dahil tila seryoso ang nilalang sa pagkitil sa knyang buhay.
Ginamit ni Ravenum ang kanyang apoy ngunit hinigop lamang ito ni Ifrit, nawala sa loob niyang isa itong nilalang ng apoy, Na nananahan sa lugar na puro apoy, paano niya matatalo ang ganitong nilalang.
Wala siyang pagpilian kundi kunin ang pinakamalapit na sandata sa kanya, isa itong nag-aapoy na latigo, kahit hindi siya bihasa dito ay wala na siyang magagawa.
Winasiwas niya patungo kay Ifrit ngunit pinagpirapiraso lamang nito ang latigo, tumakbo siya palayo sa nilalang, ngunit mabilis ito at isang napakalakas na sipa ang natangap niya mula rito, tumilapon siya ng napakalayo ngunit bago pa siya huminto sa pagtilapon ay isa na namang suntok ang natangap niya mula kay Ifrit, at bumagsak siya na patang pata ang katawan.
Naisip niyang wala na siyang pag-asa, napakalakas ng nilalang at wala siyang laban dito. Ngunit nakita niya sa pangitain niya ang lahat ng umaasa sa kaniya upang magtagumpay, ang mga ngiti ng mahal niya sa buhay, na maaring mawala sa sandaling panghinaan siya ng loob.
Mula sa kaniyang pagkakahiga ay bumuga ang napakalakas na apoy, hinigop nito ang apoy sa lugar, napakalakas. Sinugod siya ni Ifrit ngunit pinigilan ni Ravenum ang espada gamit lamang ang kanyang kamay, binali niya ang espada at tinutok kay Ifrit ang baling punyal.
"Nagwagi ka Ravenum, Hayaan mong ipahiram ko sa iyo ang lakas ko" paglabas mo dito ay tawagin mo ang pangalan ko at ang kapangyarihan ko ay magiging bahagi mo" wika ni Ifrit
''''''''''''''
Muling umandar ang oras na nahinto pansamantala kanina
Tinalikuran na ni Xeno ang matandang katawan ni Ravenum.
"Ang akala ko pa naman ay bibigyan mo ako ng magandang laban, di bale ilang sandali na lamang at makikipagkita ka na kay kamatayan dahil sa katandaan mo" panunuya ni Xeno
Mula sa likod ni Xeno ay naramdaman niya ang nagbabagang apoy, lumingon siya at nakita niyang nag-aapoy si Ravenum, at tila muli itong bumalik sa pagkabata.
"Anong salamangka ang ginamit mo at paano ka nakabalik sa pagiging bata" inis na sabi ni Xeno
"Tanda! Ang apoy ay mananatiling apoy, lumipas man ang isang milyong pihit ng buwan, mawawala ang lahat ngunit ang apoy ay mananatiling apoy pa rin" sagot ni Ravenum
"PACHNEA!!!!" sigaw ni Xeno
"Damhin mo ang kapangyarihan ng aking brilyante at gabay diwa! HADES! Pumarito ka" Isinigaw ni Xeno ang ngalan ng kanyang gabay diwa at nagkaroon siya ng isang kalawit.
"Mag-iingat ka binata ang kapangyarihan ng aking gabay diwa ay ang pangongolekta ng kaluluwa, sa sandaling matikman nito kahit katiting ng iyon dugo ay sigurado na ang iyong katapusan" wika ni Xeno
"Ifrit!" Sinigaw rin ni Ravenum ang ngalan ng kanyang gaby diwa at lumitaw ang isang pana na sinlaki ni Ravenum, hindi niya pa lubusang naiintindihan ang kapangyarihan ng kanyang gabay diwa.
"Magaling ! Magaling! Sa nakikita ko'y natutunan mo na rin ang paggamit sa iyong gabay diwa, " wika ni Xeno


Biyernes, Hulyo 15, 2011

Labanan sa Setro Pt 23

Lugar: Bukana ng puno ni Danaya
Oras: Ikatlong pihit sa kalahating anino ng buwan
Pakay: ang brilyante ng lupa ni Reyna Danaya

Mula sa kinaroroonan nila ay natatanaw na nila ang isang napakalaking kastilyong napapaligiran ng mga baging, bago ka makapasok dito ay dadaan ka sa mga gusali ng puno na nagmistulang isang labyrinth.
"Ang akala ko ba'y isang puno ang pupuntahan natin?" tanong ni Andoras
"Tinawag itong puno ni Danaya dahil ang lugar na ito ay nagmumukhang puno sa dami ng baging na nakapalibot sa kanyang kaharian. Sinasabing wala pa ni isang encantada maliban kay Reyna Danaya ang nakatungtong sa lugar na iyan" wika ni Liyebres
Lalo namang nag-alala si Adwayan sa narinig, karapat dapat ba siya upang makapasok sa lugar na ito?
Habang naglalakad sila papalapit sa mga gusali ng puno ay napansin nilang unti unting natutuyo ang mga puno sa kanilang nilalakaran. Mula sa kadiliman ay lumitaw ang 3 Heneral.
"Ang ngalan ko ay si Xeno, isa sa magigiting na heneral ng Adia" wika nito
"Ako naman si Presumar, ang bantog na mangingitil ng buhay na miyembro na ngayon ng heneral ni Reyna Ferona" saad naman ni Presumar
"Ipakita niyong karapat dapat kayo upang malaman ang aking ngalan", wika ng isa pa na hindi mo maaninag ang mukha.
"Kung inyong mapapansin ay walang laban kahit ang mga mahal na puno ni Danaya laban sa akin" pagmamayabang ng matandang si Xeno.
"Bakit hindi ka muling lumingon sa iyong likuran at tingnan ang sinasabi mong mga puno" nakangising sabi ni Adwayan.
Lumingon si Xeno at nakita ang punong hitik na hitik sa bunga samantalang kani kanina lamang ay namamatay na ang mga ito, tunay nga ang sinabi sa alamat, kahindik hindik nga ang kapangyarihan ng diwata ng lupa, alam niyang mali ngunit hinangaan ni Xeno ang kapangyarihan ni Reyna Danaya noong panahong iyon.
"Sa tingin mo Liyebres ano ang gamit nilang brilyante?" pabulong na tinanong ni Ravenum kay Liyebres
"Ang isa sa kanila'y tila ginagamit ang brilyante ng panahon o brilyante ng kamatayan dahil sa namatay na mga puno kanina, hindi natin alam kung namatay o tumanda lamang ang mga ito" sagot ni Liyebres
"Adwayan, bibigyan ka namin ng daan upang makatakbo ka sa palaisipang gubat ng punong ito, gawin mo ang makakaya mo upang makatungtong sa puno ni Danaya" wika ni Andoras
"ngunit hindi ko kayo maaring iwan, mas mataas ang magiging tsansa nating manalo lung mas marami tayo" sabi ni Adwayan
"Tama si Andoras, Adwayan mas malaki ang tsansa nating manalo kung mas marami ang hawak nating brilyante" sabi naman ni Onestes na nakaporma ng panlaban
"Narinig mo ba ang tinuran ng magandang binibini, Xeno? Ang ilan sa kanila'y may hawak ng brilyante, hindi katakatakang natalo nila ang walang kwentang si Gamillo at Dostemar, sisiguraduhin kong mapapasakamay ko ang mga brilyanteng iyon" nakangiting sabi ni Presumar
Walang kwenta? Tama ba ang narinig nilang tinuran ni Presumar, namatay si Reyna Helmechia sa pakikipaglaban kay Dostemar, ngunit tinatawag silang walang kwenta ng mga heneral na ito?
Sinugod ni Andoras ang Heneral na hindi mo maaninag ang mukha, sabay sabing "Takbo" kay Adwayan.
"Sa tingin mo ba'y patatakasin kita ng ganoong kadali?" Wika ni Presumar sabay gamit nito sa brilyante ng tono, gumuhit sa lupa ang nakakawasak na tunog na halos ikabasag ng kanilang mga tainga.
Ngunit humarang si Celestiya, at kumanta, pinigilan ng kaniyang makapangyarihang boses ang nakakawasak na tunog.
"Tila walang silbi sa akin ang hawak mong brilyante, Ginoo" sabi ni Celestiya
Tuluyan ng nakatakbo si Adwayan, hangang nawala na siya sa paningin ng mga heneral
Si Andoras naman ay naiwasiwas na tila isang patpating kawayan sa lakas ng nakaharap na heneral.
"HA! HA! HA! Sa wakas mga nararapat na nilalang, matagal na panahon na noong huli akong nakadama ng ganitong kasiyahan. Ako si Heneral Jugo ang nagmamay-ari ng brilyante ng lakas, hawak ko rin ang mata ng Lemery.wika nito
Si Ravenum naman ay kinaharap ang matandang si Xeno, matanda na ito ngunit alam niyang may kakayahan ito dahil nabibilang ito sa heneral ng Reyna ng Adia
"Tanda! Bibigyan kita ng pagkakataon na umatras at gugulin ang natitira mong buhay ng nagpapahinga" wika ni Ravenum
"Binata, tila ikaw na ang dapat na magpahinga" wika ni Xeno
Napansin ni Ravenum na tila unti unti siyang napapagod sa kanya lamang pagkakatayo, Napansin niya ring lumalabo ang kanyang paningin, at tila nangungulubot ang balat niya.

Huwebes, Hulyo 14, 2011

labanan sa setro ni Reyna Camilla pt 22

Sa kanilang paglalakabay ay huminto sila sa isang kagubatan, doon ay nagkaroon ng pagkakataon si Liyebres na kausapin ang mga encantada ukol sa kapangyarihan ng brilyante, angkin na nila ang 2 ang brilyante ng tubig at brilyante ng apoy, Nalaman nila Ravenum na isang bihasa sa mga brilyante si Liyebres dahilan upang siya ang ipasama ni Raflesia sa kanilang paglalakbay.

"Ang brilyante ng mga elemento, lupa, hangin, tubig, apoy, liwanag at dilim ay may angking kapangyarihang hindi matatawaran, ang bawat brilyante ay nagtataglay ng sariling pag-iisip, kung sa tingin moy pinili mo ang brilyanteng iyan, tila nagkakamali ka dahil ikaw ang pinili ng brilyante, kailangan ninyong matutuhan kung paano ilabas ang kapangyarihan ng brilyante" wika ni Liyebres
"Hindi ba't ang pagtawag sa mga elemento ang kanya ng kapangyarihan?" tanong ni celestiya

"Isa lang iyon sa kapangyarihan ng brilyante, ayon sa alamat tanging si Reyna Danaya lamang ang nakatuklas na may kakaibang kakayahan ang bawat brilyante, nagyari yon noong muntik ng bawian ng buhay ang Reyna Danaya" dagdag pa ni Liyebres

"Ang bawat brilyante ay may gabay diwa, kailangan ninyo munang makilala ang bawat gabay diwa, iyon ang unang hakbang" wikang muli ni Liyebres
"Gabay diwa? Tila wala namang nasaad si Reyna Pirena noong makausap ko siya" pagtatakang sabi ni Ravenum
"Kung hindi ako nagkakamali ay Alipato ang ngalan ng unang gabay diwa ng brilyante ng apoy, ngunit nagbabago iyon sa paglipas ng panahon, nilalang ka mula sa apoy, nananahan na sa puso mo ang gabay diwa ng apoy, kailangan mo na lamang makilala ito" paalala ni Liyebres
"Paano ang proseso ng pagpapakilala?" tanong ni Adwayan
"Hindi ko rin alam, hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng brilyante" nakangiting wika ni Liyebres.
Tila nainis si Andoras sa ngiting iyon ni Liyebres kay Adwayan.
"Wala ka rin naman palang maitutulong sa amin!" inis na wika ni Andoras
"Pasensiya na, ngunit ang kaalaman ko ay sapat lamang sa mga nababasa ko sa pahina ng ating kasaysayan" paumanhin ni Liyebres
"Andoras, ginagawa niya ang lahat upang matulungan tayo, marahil ay may maibabahagi kang impormasyon na kapakipakinabang kung kaya't inaalipusta mo ang kanyang karunungan" sabad ni Adwayan
Tumahimik na lamang si Andoras, nainis siya dahil tila mas kinakampihan ni Adwayan ang bagong kasama nila, gayong mas matagal na silang magkasama.
"Nasabi mong mayroong brilyante ng kadiliman, ngunit hindi nasaad sa kasaysayan na merong tigapag-alaga ng brilyante ng kadiiman?" tanong ni Onestes
"Tunay nga ang katalinuhan mo babae, sinabing noong ibinigay sa sangol na si Elestria ang brilyante ng liwanag ay itinago na rin ni bathalang Emre ang brilyante ng kadiliman sa isang lugar rito sa encantadia, sinabing itinago ito dahil kahit ang bathalang Emre ay natatakot sa kapangyarihang taglay ng brilyante." Sagot ni Liyebres
"ngunit hindi ba't siya ang may gawa ng mga ito? Tanong muli ni Onestes
"Ang brilyante ay nilikha ni Emre, tunay at wasto ang impormasyon mo, ngunit nilikha ito mula sa kapangyarihan ng bawat nilalang, hindi mula sa kapangyarihan ni emre, Ang brilyante ng kadiliman ay hinubog mula sa masasamang anino ng bawat nilalang, sinasabing napakaraming kasamaan ang naipon sa brilyanteng iyon, dahilan upang katakutan iyon maging ng mga bathala" wika ni Liyebres
"Kung gayon ay bakit pa nilikha ang brilyanteng iyon? Tanong ni Celestiya
"Upang panatilihin ang balanse ng bawat dimensyon, matatandaang ginawa niya ang brilyante ng liwanag, kasabay nito ay nilikha rin ang brilyante ng kadiliman upang mapanatili ang balanse ng mga dimesyon, maghuhudyat ng pagkawasak ng bawat dimesyon kapag hindi nanatiling balanse ang kapangyarihan ng bawat elemento" sagot muli ni Liyebres
"Naririto pa ba ang brilyanteng iyon?" may pag-aalalang tanong ni Andoras
"Hangat may kadiliman sa puso ng bawat nilalalang mananatiling buhay ang brilyante ng kadiliman" wika ni liyebres
Nag-alala sa narinig niya si Onestes alam niyang may taglay na brilyante ang mga kalaban, sinabi ni Gamillo na taglay nila ang sampung brilyante, ano kaya marahil ang taglay ng mga ito, maaari kayang nasa kanila ang brilyante ng kadiliman.
Napansin ni Liyebres ang malalim na pagiisip ni Onestes, at marahil ay alam niya ang dahilan na iyon.
"Alam kong nag-aalala ka dahil may taglay na brilyante ang mga Adian, at marahil ay iniisip mong taglay nila ang brilyante ng kadiliman, huwag kang mag-alala isang nilalang na may dugong encantada lamang ang maaring magmay-ari ng brilyante, Ang mga brilyante nila ay mula sa ibang Diyos, na hindi natin binibigkas ang ngalan, kalapastanganan kay Emre ang bigkasin ang kanilang ngalan, sinasabing nilikha iyon dahil sa pagkaingit ng huwad na Diyos na iyon sa kapangyarihan ni emre, Ang brilyante ng kamatayan na may kakayahang kumontrol sa mga nilalang na patay na o di kaya'y nilalang ng Limaka(impyerno), Ang brilyante ng panahon na kumokontrol sa edad, pagtanda o pagbata, ang brilyante ng tono na kumokontol sa bawat tunog, ang brilyante ng lakas na nagkakaloob ng ibayon lakas sa nagmamay-ari nito, ang brilyante ng kapangyarihan na nagbibigay ng walang hangang kapangyarihan, ang brilyante ng kaalaman na may kakayahang bigyang ng malawak na katalinuhan ang nagmamay-ari maging ang mga ipinagbabawal na sumpa, ang brilyante ng kaliksihan ang nagkakaloob ng ibayong bilis sa kinikilala niton tagapamahala, ang brilyante ng bangungot na may kakayahang gawing realidad ang nakakakilabot na panaginip, ang brilyante ng panlilinlang na may kakayahang linlangin ang isipan ng bawat nilalang at ang kakilakilabot na brilyanteng imortal, ang sinasabing brilyante ng bathala" kuwento ni Liyebres
Kinilabutan sila sa narinig, anong laban nila sa mga ito, nakakasiguro silang mga bihasa ito sa pakikidigma hindi tulad nilang mga musmusing bata.
"Ano ang laban namin sa kanila" may pag-alalang tanong ni Celestiya
"Kulang ang iyong pananalig Celestiya, ang inyong mga brilyante ay walang hangan ang kapangyarihan, ang brilyante ng aoy ay may kakayahang kontrolina ang lahat ng uri ng apoy, ang nagbabagang bato mula sa bulkan, ang nakakapasong init ng araw atbp, ang brilyante ng tubig ay may kakayahang kumontrol sa lahat ng tubig, yelo, ang bawat nilalang ay binubuo ng tubig, ang brilyante ng lupa ay nangangalaga sa lahat ng nilalang, pachnea o halaman, ang lupa ay buhay, ang hangin ay may kakayahang kumontrol sa panahon, sahinihinga nating hangin, ang liwanag ay nagsisilbing tanglaw sa madilim na panahon, pag-asa.
Huwag niyong iwaglit sa isipan ninyo na ang mga brilyanteng hawak ninyo o maaring makamtan pa ay ang mga brilyante ng mga Banal na encantadia ang mga brilyanteng umukit sa kasaysayan ng encantadia."paalala ni Liyebres

Lunes, Hulyo 11, 2011

LABANAN SA SETRO PT. 21

Nagpalipas ng gabi ang 4 sa kampo ng mga encantada, nais sana nilang makasama si Celestiya at tanungin tungkol sa brilyante ng tubig ngunit lagi nitong kasama si Raflesia. Naisip nilang hindi na talaga simple ang papel na ginagampanan nila sa laban na ito, ang pagkabigo nilang makuha ang mga brilyante ay maghuhudyat ng pagkabigo ng lahing encantada.

Nananatiling tahimik si Adwayan, at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Andoras

"Kanina ka pa walang kibo Adwayan" wika ni Andoras
"Naisip ko lang, kung anong maaring mangyari sakaling mabigo akong makuha ang brilyante ng lupa, ayon sa alamat ay may matigas na puso si Reyna Danaya, alam kong hindi magiging madali ang pagkuha sa brilyante" nag-aalalang wika ni Adwayan.

"Huwag mo sanang masyadong problemahin ang hindi pa nagyayari, kung hindi mo man makuha ang brilyante ay siguradong merong dahilan ang bathala, nadito ako upang punan ang kakulangang iyon" paalala ni Andoras

"salamat, Andoras. Kahit madalas magkaiba tayo ng pananaw sa mga bagay bagay, ay alam kong naririyan ka para sa akin" Nangingiting sabi ni Adwayan

Tila may kumiliti sa puso ni Andoras noong oras na makita niyang napangiti niya sa wakas si Adwayan, kung alam lamang sana ni Adwayan ang sinisigaw ng kanyang puso.

Maya maya ay lumapit si Raflesia kasama si Celestiya sa kanilang grupo, nagpaumanhin sa marahas na pakikitungo niya sa mga ito, ganun din naman ang ginawa ni Onestes at sinabing marahil ay bugso lamang ng damdamin ang nangyaring kumprontasyon kanina.

"Marahil, ay nasanay kayo sa malamyang pagpapalakad ng aking kapatid, ngunit malayo ang aking ugali sa kanya, sabihin niyo ng masama ang ugali ko o anu pa man, wala akong pakialam, ang lahat ay gagawin ko para sa ikaliligtas ng encantadia, kahit ang ibig sabihin noon ay ialay ng mga encantada ang kanilang buhay. Mahigpit ako hindi tulad ng aking kapatid" wika ni Raflesia

"Dahilan kung bakit si Reyna Helmechia ng pinutungan ng korona at ikaw ay nanatiling isang mandirigma" wika ni ravenum

"Itigil mo na iyan Ravenum" saway sa kanya ni Onestes

"Marahil ay tama ka, ang aking kapatid ay palaging may pinong galaw na bagay sa isang Reyna, ngunit ang pagiging mandirigma ko ang dahilan kung bakit ako ay buhay pa ngayon at ang kapatid ko ay nasa piling na ng bathalang Emre" may panunuyang sabi ni Raflesia

"Huwag mo sanang masamain ang aking sasabihin ngunit, ang kamatayan ni Reyna Helmechia ay isang bagay na hindi dapat gawing biro, namatay siyang nililigtas ang buhay namin, at kahiya hiyang isipin na ang bagay na iyon ay gagawin lamang katatawanan" wika ni Onestes

"Kung nahihiya kang maulit ang bagay na ginawa sa inyo ng aking kapatid, marahil ay kailangan ninyong lumakas upang kayo naman ang magligtas, bigyan niyo ng saysay ang kamatayan ng aking kapatid, magpalakas kayo at iligtas niyo ang encantadiang kanyang minahal" seryosong sabi ni Raflesia

----------

Kinaumagahan ay lumisan na sila, dumaan sila sa isang talon na hinawi ni Celestiya ang tubig at tumambad ang isang mahiwagang lagusan, kasama nila sa paglalakbay si Liyebres, tatahakin nila ang daan patungong puno ni Danaya.

Sa gitna ng paglalakbay ay hindi mapigilan ni Adwayan na lumapit kay Celestiya, at itanong kung paano niya nakuha ang brilyante ng tubig dahil ang kastilyo ni Reyna Alena ay nasa islang napapaligiran ng tubig na buhay, walang paraan kung paano makapunta doon kundi tahakin ang tubig na dinudurog ang lahat ng hindi karapat dapat na tumungtong doon.

Ayon kasi sa usap usapan ay halos ganoon din ang puno ni Danaya, matatanaw mo lamang siya mula sa malayo ngunit hindi mo ito mapupuntahan.

"Malalaman mo kung karapat dapat ka" ani Celestiya
"NApakamatalinhaga naman ng iyong winika, paano kung hindi ako ang dapat mabiyayaan ng brilyante" saad ni Adwayan
"Adwayan, magtiwala ka sa iyong puso at ito ang gagabay sa iyo" wika ni Celestiya

Mga tatlong ikot pa ng buwan bago nila marating ang bukana na puno ni Danaya, lingid sa kanilang kaalaman ay may naghihintay sa kanilang panganib sa lugar na iyon, ang tatlong heneral ng Adia na nananabik sa amoy ng dugo ng encantada.

Sabado, Hulyo 9, 2011

A short history.....

Since i've been getting a lot of e-mails, asking me about the story of the other chapters, i decided to write a short history about some of the story on the pages of encantadia.

First is of course the story of Queen Esmeralda and her enchanted scepter, as we all know the story is about the Etherian gaining interest on it upon learning about the power of the scepter, so Queen Esmeralda decided to hide the scepter, what we do not know is, Queen Esmeralda decided to hide it after a fierce battle with the Etherian forces. Long time ago peace reigned between the land of Etheria and Encantadia, this is because Esmeralda, became a part of the 12 council(she was not yet a queen back then), she demanded that they should have the piece of land which is rightfully theirs, King Ether without giving it a second thought agreed, and gave the land of encantadia to the encantadas, consequently both signed an alliance treaty stating that Etheria would provide the encantadas with the proper knowledge but in return Etherian forces can freely roam the land of encantadia(this was because King Ether knew about the mystical power of the encantadas, and he wanted to learn about their ways)King Ether had a daughter named Lucia, which became a close friend of Esmeralda.
The encantadas quickly learned about the civilization of Etheria and decided that they should create their own kindom, thus the kindom of Encantadia was born, the priest/babaylan wanted Esmeralda to rule the land, but Esmeralda felt that she was not up for the job of being a Queen.
But one event changed it all, when Esmeralda showed Lucia the power of the scepter, King Ether upon learning the power of it decided to steal the powerful scepter, but Esmeralda accidentaly killed him. Lucia took over the crown and broke the alliance treaty by destroying one of the town of encantadia, Esmeralda knew that encantadas had to stood up for this kind of oppression, and they need a leader to govern the land, so she decided to accept her fate and be the Queen.
The final battle which they called "Battle of Regada" happened at the land of Encantadia,Lucia and some of her top army sneaked on the castle and fought with Esmeralda while thousands are engaging into a gruesome combat. Lucia and Esmeralda had a final confrontation, Esmeralda told Lucia what happened the night when her father died, but Lucia refused to believe it, so Esmeralda asked the scepter to kill every single encantada if indeed she was lying, Lucia, at awe with everything she heard went to the battle ground and asked everyone to withdraw their weapon, but she was killed by one of her top generals, Esmeralda knew that no one can stop this worthless battle so she asked the scepter to remove everyone's memory and to hide its power until the right time comes, The scepter was hidden in a cave covered with ice together with its owner Queen Esmeralda.


The fall of Etheria-We all know how this story turned out, the encantadas became a slave of the Etherians, encantadas are not familiar with the mystic powers that they've got since their memory was removed, Etheria being the more civilized land, accepted the encantadas provided that they had to work for them, One by one the encantadas uncovered their powers, and decided to make a stand, and they won Clap! clap! clap!

The legend of the 4 Sangres-Do i still need to do a summary of this story?


The Book of Cassiopeia-its about the death of Cassiopeia, upon learning that her end is near, she decided to convert her life force into a book, containing all of her knowledge and powers everything in it was written using her blood and her blood alone, One of the Queen's Generals(Queen Cassandra) learned about the past of Cassiopeia having a daughter and decided to search for her.
....Eureka! i found it! I dont think that is what the general said when he found Cassiopiea's daughter....
Basically he stole the book of Casssiopeia and rewrite everything written on it with the blood of Cassiopeia's daughter. But in the end everything went fine and justice prevailed, BRAVO!

Legend of Elestria- this is about the child who lived after her clan was wiped out by an unknown being considering that her clan was called the "Elite army clan".(Dark Moon Massacre) Elestria then being a new born baby was transported to the human world to keep it safe from harm, but she was feared because some babaylan said that she caused the tragedy. She will met someone and will eventually learn that the "brilyante ng liwanag" is bestowed upon her.


Labanan sa Pulang Ilog-about a two close friend who decided to end the war, one of them decided to join the Encantadia forces and the other the Davinas forces, They will strive hard to reach the top of each forces and will sign a peace treaty, or will they?

One of them was given the power of the majestic Shield, a power that can deflect any power or even the sharpest blade, and one was given the power of the Deathly blade that can slice through anything.

Who will prevail? the Shield that could deflect anything or the blade that could cut through anything?

The Last Stand- About King Amek and how he defended Davinas against Encantadia forces.

Castle of Enehru- i really cant think of a good title that would suit this story, its about the two friends, again, getting lost and hopeless in the land of Ice Queen, they would later on take a refuge at an enchanted cave and found the body of Esmeralda covered with ice holding the scepter.

The scepter would then be separated into two, the scepter that would grant what your heart would wish for and the scepter that would give what your mind asked for.


Labanan sa Setro Ni Reyna Camilla- Read the story, its a crap but hey i put an effort in creating it. :)


.......................................

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

Labanan sa setro ni Reyna Camilla PT 20

Nakahanda ng sumugod ang lahat ng pinaligiran sila Adwayan ng bakod na apoy na tila pumoprotekta sa kanila, gaya ng inaasahan gawa iyon ni Ravenum na ipinapamalas sa lahat ang hawak niyang brilyante ng apoy.
Nagulat ang lahat ng nakapaligid sa nakita, isa isa na ring nagsilapit ang iba pang bayani ng encantadia, namangha sa nakita, alam nila kung ano ang alamt ng brilyanteng ito. Mula sa bahay pandigma ay lumabas ang isang encantada, lumapit sa kanila upang makipagkilala. Hindi nila kilala ang encantada ngunit ang lahata ay nagsiyuko na nagpapahiwatig na isang maharlika ang encantada.
"Ako si Raflesia ang nakababatang anak ni Reyna Camilla, nakikita kong hawak mo ang makapangyarihang brilyante ng apoy, marahil ikaw ang isa sa mga tagapangalaga" anang babaeng nagpakilalang anak ni Reyna Camilla
"Kung ikaw nga ang anak ni Reyna Camilla, marahil ay kilala mo si Reyna Helmechia, siya ang naggabay sa amin" ani Onestes
"Ang hangal kong kapatid, na hindi man lamang alam gamitin ang pinamanang Galvaira sa kanya? Nasaan na siya ngayon" ani Raflesia
"Pachnea! Anong karapatan mong hamakin ang panagalan ng reynang inalay ang buhay para sa kapayapaan ng encantadia" galit na sabi ni Adwayan
"Magaspang ang iyong ugali marahil ay ikaw ang sinasabing sugong ipinatapon sa lugar ng mga pachnea, hindi kasi nalalayo ang ugali mo sa kanila, wala na pala ang hangal kong kapatid, wala talaga siyang isip" sabi ni Raflesia
Hinugot ni Andoras ang kanyang espada at itinutok kay Raflesia,
"Ang pag-uugali mo ay hindi sa isang maharlika, kasing sangsang ng mga isda sa pulang dagat ang pag-uugali mo, malayong malayo sa pag-uugali ng Reynang minahal ng lahat" ang tinutukoy na reyna ni Andoras ay si Reyna Helmechia
"Huwag mo akong maikumpara sa kanya" seryosong sabi ni Raflesia
"Hindi ka nga maaring ikumpara sa ugali ng Reyna, kahit mga tiga silbi niya ay mataas ang pag-uugali sa iyo, hawak mo nga marahil ang korona, ngunit mababa ka pa sa alipin." Sagot naman ni Ravenum
Lumitaw ang brilyante ng apoy sa kamay ni Ravenum at isang bola ng apoy ang ginawa nito upang ibato kay Raflesia, Ngunit bago pa tumama kay Raflesia ang bolang apoy ay isang alon ng tubig ang pumatay dito, mula sa di kalayuan ay nagliliwanag ang isang nilalang na tangan tangan ang brilyante ng tubig.
"Ang iyong padalos dalos na pag-iisip ay ikapapahamak hindi lamang ng sarili mo kundi ng mga kasamahan mo, huwag kang magmalaki na hawak mo ang brilyante ng apoy, sa tingin mo anong gagawin mo matapos mong sunugin si Sangre Raflesia?" tanong ng dalagang encantada
Lumingon siya sa paligid niya at nakita na nakahandang sumugod ang mga nasasakupan niyang mga mandirigma. Tama ang dalaga, hindi kailangan ng marahas na pakikipag-usap, sila ang bisita at kailangn nilang makitungo sa mga naririto. Itinago niyang muli ang brilyante ng apoy, alam niyang mapapahamak sila kung magpapatuloy pa sila.
"Sa wakas, isang mahinahong makakausap" ani Onestes
"Ang ngalan ko ay si Onestes maari bang malaman ang ngalan mo? Tanng ni Onestes
"Celestiya, ako si Celestiya"
"Isa siya sa mga binangit sa propesiya, ginamit ko ang kapangyarihan ng panlilinlang upang itago siya sa mata ng mga nagmamsid sa kanya" wika ni Raflesia
"Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nakita ni Reyna Helmechia" saad naman ni Onestes
"Dalawang brilyante na ang hawak natin, marahil ay malaki na ang tsansa natin" ani Andoras
"Huwag kang magsiguro binata, kahit na makumpleto natin ang 5 brilyante ay hindi pa rin nakakasigurado ang ating tagumpay alalahanin mong 10 ang hawak na brilyante ng kalaban" paalala ni Raflesia
"Sasama si Celestiya sa paglalakbay ninyo, tunguhin ninyo ang puno ni Danaya sa hilagang kanluran, sasamahan kayo ng mandirigmang si Liyebres. Kakausapin ko ang mga iba pang sundalo na nagtatago sa guho ng kastilyo ng Lireo na tinipon ni Haring Lumeno sa oras na makumpleto ang mga brilyante, ilulunsad natin ang pinakamalaking digmaan sa kasaysayan ng encantadia.

Linggo, Hulyo 3, 2011

Labanan sa Setro pt. 19

Nagdesisyon ang apat na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay, pinili nilang tumuloy sa puno ni Danaya at kunin ang brilyante ng lupa. Nag-aalala sila kung anong susunod na mangyayari sa kanila kung sakaling makaharap muli nila ang isa pang heneral.
Sa Adia naman ay nakarating kay Reyna Ferona ang balitang napaslang ang kaniyang 2 heneral, ang dalawang ningas ng kandila ng buhay ng kanyang mga heneral ay bigla kasing namatay, palatandaan na nawalan na rin ng buhay ang nagmamay-ari nito. Nabahala si Reyna Ferona sa nakita at ipinatawag ang tatlo pa niyang heneral. Ang matandang heneral na si Heneral Xeno na nagmamay-ari ng brilyante ng panahon ang brilyanteng nagkokontrol sa pagtanda, si Heneral Presumar ang nagmamay-ari ng brilyante ng tono ang brilyanteng nagdudulot ng isang nakakawasak na tunog, at isang heneral na natatago sa anino, walang may alam kung sino siya o kung anong kapangyarihan ang hawak niya, ngunit ng masulyapan ang mga mata nito ay taglay nito ang mga mata ng Lemery, ang mga matang kayang baliin ang kasaysayan ano kaya ang brilyanteng hawak ng anino.
Iniutos sa kanilang paslangin ang mga rebeldeng encantada, binalaan silang mag-ingat dahil makapangyarihan ang mga ito at napaslang nila si dostemar at Gamillo.
"Si Dostemar at Gamillo, hindi naman talaga sila karapat dapat na maging heneral, naging heneral sila dahil sa malaki ang nasasakupan nila at hindi dahil sa kapangyarihang taglay nila" wika ni Presumar.
"Kailangan pa bang abalahin ang 3 heneral para lamang sa mga uhuging bata, aking Reyna?" wika rin ni Xeno.
"Gusto kong makasiguradong mamamatay ang mga rebelde, alalahanin ninyong 3 hind ako makakatulog ng mahimbing hangat humihinga ang mga rebelde"wika ni ferona

..
Dumaan sila Andoras sa bayan ng Letre, kumain sila sa isang maliit na tindahan, maingay at maraming nag-iinuman dito, sa isang banda ay may nagyayabang sa pagkakasapi niya sa samahang Kalasag ni Emre, isang lumalaking samahan na laban sa mga taga Adian. Nagpasya sila Onestes na baka malaki ang maitulong nito sa kanila, lumapit si Ravenum at iniutos sa lalaking dalhin sila nito sa kanyang pinuno, Ang lalaking nagngangalang Miroku ay nagulat sa kayabangang pinamalas ni Ravenum, mula pa naman ng una ay ganun ng umasta si Ravenum, ang hindi nakakakilala dito ay mapagkakamalan siyang mayabang, marahil ay dahil narin sa lugar na kinalakhan nito.
Hindi naibigan ni Miroku ang inasta ni Ravenum, hinugot ni miroku ang kanyang espada at tinutok kay Ravenum.
"At sino ka sa tingin mo upang utusan ako, hindi mo ba narinig na kasapi ako sa samng Kalasag ni Emre, ang katulad mong binatang walang alam ay dapat gumalang sa isang tulad ko." Wika naman ni Miroku
"Ang katulad kong binata ay hindi dpat nakikinig sa kapalaluan ng isang tulad mo, matanda na at umaalingasaw pa, hindi ikaw ang kailangan namin kundi ang pinuno niyo" seryosong sabi ni Ravenum
Tumayo na rin si Andoras at Adwayan, waring naghahanda sakaling magkagulo roon, sadya yatang ayaw silang lubayan ng kaguluhan, ngunit bago pa sila magpangabot ay may narinig silang isang napakagandang tinig, at napakalma lahat ang kanilang kalooban, kung saan nanggaling ay wala sila alam.
Lumapit si Onestes kay Miroku at ito ang nakiusap na dalhin sila sa kanilang pinuno, marahil ay iba ang gagawing pakitungo ni Miroku sa kanya dahil isa siyang babae, hindi nga siya nagkamali, maginoo ito sa mga babae at pumayag na dalhin sila nito.
Dumaan sila sa isang masukal na gubat, may isang pihit din ng araw ang kanilang paglalakad ng matunton nila ang isang napakalaking harang na bato.
"Tila yata't hindi mo na rin alam ang pupuntahan natin, naligaw na yata tayo" saad ni Andoras
"Manood ka muna binata" wika ni Miroku
"Cassandra" winika ni Miroku ang salitang iyon at nagbukas ang isang pinto sa harang na bato, tumabad sa kanila ang isang laksang pulutong ng encantadia, dito nagtago ang ibang angkan noong nagutos si Reyna Feronang lipunin ang mga mandirigmang encantadia. Nandito ang bayaning si Gleser ang bayaning nagmana ng kalasag ni Haring Amek, ang panday na si Pestal na isa pang babae, ang sinasabing kaisa isang panday na may kakayahang pandayin ang bato ng Omelia ang pinakamatibay na bato ng encantadia, Si Kronus ang sinasabing pinakamalakas na encantadia ngunit pautal utal ito kung magsalita, ang encantadang si Zeasta ang may kakayahang kumausap sa mga nilalang sa hangin, at napakarami pang iba na sa alamat mo lamang maririnig.
Dinala sila ni Miroku sa isang maliit na bahay pandigma, hinarang sila ng dalawang bantay at hindi sila pinahintulutang pumasok, ang dalawang bantay ay si Ofelia ang kaisa isang encantadang nakabasa ng bibliya ng Sterigal ang librong naglalaman ng sumpang isinulat diumano ng isang bathala, at si Vegal ang encantada mula sa angkan ng Quina ang may kakayahang magkulong ng kapangyarihan ng isang nilalang.
"Sino kayo at bakit kayo narito" sa malakas na tinig na iyon ni Vegal ay napalingon ang mga encantada at nagsimulang magtipon sa kinaroroonan nila Adwayan.
"Naririto kami upang makita ang inyong pinuno" wika ni Adwayan
"Hindi maaring makita ng kung sino sino ang aming pinuno lalo nat mga estranghero" sagot ni Ofelia
"Hindi kaya mga espiya mga iyan" sigaw ng isang encantadang nanonood
"OO nga espiya mga iyan" sigaw rin ng isa
"Tapusin ang mga iyan, wag niyo ng hayaang makaalis" sabi naman ng isa