Martes, Setyembre 20, 2011

Labanan sa Setro pt 37

Sumugod si Reema sa Kaharian ng Adia, patungo kay Reyna Ferona, determinado siyang singilin ito sa kasinungalingang ginawa nito. Dumating siya sa loob ng pasilyo na walang tao kundi ang Reyna Ferona.

Ferona: At saan ka na muling naglagalag Hen. Reema, mukhang nawala muli sa isipan mong kailangang kong malaman ang bawat galaw at kilos mo.

Reema: (Malalim ang paghinga)Sabihin mong hindi kasinungalingan lamang ang mga pinagsasabi mo sa akin tungkol sa nangyari sa aking mga magulang, sabihin mong tunay ang ginawang pagtraydor sa akin ni Haring Lumeno.

Ferona: At saan mo naman narinig ang mga bagay na iyan?

Reema: hindi na importante ang bagay na iyon, ngayon sabihin mo totoo ba o hindi?

Ferona: Hindi ko rin naman matatago sa iyo ng matagal ang katotohanan, marahil ay panahon na upang malaman mo ang mga bagay na iyan, OO ang mga bagay na aking tinuran ay pawang kasinungalingan lamang, ginamit lamang kita upang pigilang matupad ang propesiya, nilinlang ko ang mga encantada sa pamamagitan ng paghahalo ng isang batang ipinanganak din noong oras na iyon, upang hindi mabuo ang mga tagapangalaga, at noong nalaman kong nasa kamay ka ni Haring Lumeno ay nangamba ako sa maaring mangyari, magpasalamat ka at hindi kita pinaslang, inisip ko kasing mas makabubuting gamitin ko ang kapangyarihan ng brilyante para sa aking tagumpay.

Isang malakas na sigaw ang isinukli ni Hen. Reema, sabay sinugod niya ng kanyang patalim ang Reyna, ngunit sa isang pitik lamang sa hangin ng Reyna ay tumilamsik si Reema. Tinawag ni Reema ang brilyante ng kadiliman, tinawag niya rin ang kanyang gabay diwa na si Ynverse. Umusal siya ng isang sumpa,

"Sa bisa ng kapangyarihang pinagkaloob sa akin,
Sa daloy ng dugong mula sa lipi ng magigiting
Ang pagdilim ng takipsilim at ang kapangyarihang hiwain ang buwan
Inuutusan kong mag-isa ang Ynverse at ang brilyante"

Mula sa pinag-isang kapangyarihan ng brilyante at ng kanyang gabay diwa ay nawasak ang pasilyo, lumitaw ang isang malahiganteng estatwang may isandaang kamay.

"Ang ikalawang baitang ng aking gabay diwa, HORUS!!!!"

Sinugod ng kanyang gabay diwa si Reyna Ferona, bawat suntok ay hindi mabilang, bawat atake ay tila naglalaho sa kadilimang unti unti ng bumabalot sa kastilyo, nagimbal ang mga nasa labas ng kastilyo, sinubukang pumasok ng ibang heneral ngunit ang dilim ay nagsisilbing harang, kamatayan ang naghihintay sa sinumang mangangahas na tawirin ang kadiliman.

Sa wakas ay isang malakas na suntok ang tumama kay Reyna Ferona, sinundan pa iyon ng hindi mabilang na sunod sunod na atake, sa huli ay bumuka ang bibig ng estatwa at mula dito ay lumabas ang isang napakalakas na itim na kapangyarihan, inakala niyang nagtagumpay na siya sa kanyang ginawang pag-atake, ngunit ng mapawi ang usok ay naroon ang Reyna nakatayo at walang kagalos galos.

Hawak na ng Reyna ngayon ang mahiwagang Setro ni Reyna Camilla, sumambit ng sumpa ang Reyna

Pakingan mo ang aking sumpa
Ang aking sumpa ay may bisa
gamit ang kapirasong setro na nagmula kay Reyna Esmeralda
Ang iyong paningin ay mawawala.

Unti unting nawala ang paningin ni Reema, naramdaman niya na lamang ang setro na bumaon sa kanyang kalamnan, bumagsak siya sa sahig, huli niyang narinig ang matutunog na halakhak ng Reyna at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Biyernes, Setyembre 9, 2011

labanan sa setro pt 36

Nagbalik na sa kastilyo ng Davinas ang haring Ynos, pinulong niya ang mga pinuno ng bawat dibisyon, inutusan niya itong tingnan ang mga gamit pandigma at magbigay ng ulat hingil sa kung alin na ang nasa wala ng kondisyon. Dumating na rin 6 na hukom ng mataas na kapulungan, upang pagpulungan ang pinakamagandang estratehiya sa nalalapit na digmaan. Kung hindi kasi sila ang mauunang susugod sa Adia ay siguradong magigipit sila.

Ynos: Napag-alaman namin na gumagalaw na ang kalabang Adia, nakipagsabwatan ito sa sinaunang kaharian ng Etheria at nagbabalak ibangon ang 4 na heran, isa sa kanila ang may hawak ng brilyante ng kamatayan, makatutulong upang buhayin ang mga kawal ng Etheria.

Ciria(ang tanging babae sa 6 na hukom): At ano naman ang binabalak natin kasama ang encantadia?

Ynos: Gagamitin ni Haring Lumeno ang Orasyon ng Veolia upang isamo ang kawal ng Devas, at tayo naman ay ihahanda ang 100 babaylan upang buksan ang kulungan ng Cipherno.

Galapeno(ikalawang pinakamataas na hukom: Sa tingin ko'y hindi pa iyon magiging sapat. Ayon sa alamat ay may lihim na sandata ang kaharian ng Etheria, at kung hawak nila ang brilyanteng may kakayahang bumuhay sa mga patay, lalaban tayo sa isang pulutong ng mga imortal.

Hilom: Kung gayon ay anong ating magagawa.

Sulayman: Ipatawag ang 12 zodiac

mabilis pa sa isang segundo ang pagdating ng 12 kampeon ng Davinas, mga biniyayaan ng 12 gabay diwang nabibilang sa bituin.

Vesta- ang biniyayaan ng kapangyarihan ng Pisces o ng dalawang isda, hawak niya ang kakayahan ng salamin. Hindi gaya ni Aquarius kaya niyang huminga sa ilalim ng tubig.

Exo- ang may hawak sa Gemini, kaya nitong kopyahin ang lahat sa isang tao kasama na ang kapangyarihan, memorya, kahinaan at lakas.

Cletic- ang may kapangyarihan ng Sagitarius o ang mamamana, ang palaso niya ay hindi nagmimintis kahit limang bundok ang pagitan.

Mobila-ang may hawak kay Aquarius, kinokontrol niya ang tubig. Ngunit hindi gaya ng brilyante ng tubig na kayang kontolin ang lahat ng anyo ng tubig maging yelo, hamog, etc.

Agustos-ang may nagmamay-ari sa gabay diwa ng Capricorn, sinasabing may kakayahan ang Capricorn na itaas ang kakayahan ng nagmamay-ari nito.

Fantas-Ang binigyan ng gabay diwang si Scorpio, sinasabing ang Scorpio ang pinakamatanda sa 12 gabay diwa, walang nasusulat tungkol sa kakayahan nito.

Hueno- Ang nagmamay-ari sa gabay diwang si Leo na may kakayahan ng kulay ng liwanag.

Escelo_ang biniyayaan ng gabay diwang si Libra, ang tagapaghatol.

Belo- ang nagmamay-ari sa gabay diwang si Virgo, may kakayahan itong magpagaling.

Trestal- ang may hawak sa gabay diwang si Cancer, o ang utak sa 12 zodiac. may kakayahan ang cancer na maging panangalang

Obeshi-ang nabigyan ng gabay diwang si Taurus o ang lakas.

Versi-ang nbiyayaang kumontrol sa gabay diwang si Aries may kakayahang kontolin ang apoy.


Ynos: kayong 12 ay inuutusan kong pumunta sa Lireo at tulungan si Haring Lumeno sa pagpasok sa kaharian ng Adia upang bawiin ang libro ni Cassiopeia, malaki ang magiging diperensya kung nasa atin ang aklat ng Propesiya, matutulungan tayo nitong magdesisyon sa nalalapit na laban.

Biyernes, Setyembre 2, 2011

Labanan sa setro pt 35

Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Andoras patungong sa himlayan ni Amihan. Paminsan minsan ay humihinto sila nag-aalala sila sa kalagayan ni Qiero, mas mainam na hindi nila itulad sa kanila ang binata na sanay sa paglalakbay. Sa kanilang paglalakbay ay dumaan sila sa gubat ng Plasedioum ang gubat na sinasabing palaruan ng mga banal na diwata, naramdaman nila ang malakas na presensiya ng buhay at kapangyarihan sa lugar na iyon, naramdaman din nilang unti unting bumabalik ang lakas nila mula sa pagod sa paglalakbay, tunay ngang mahiwaga ang gubat na ito.

Nagdesisyon silang magpahingang muli sa lugar na iyon at bawiin ang kanilang lakas, mas makabubuti ring mag tabi muli sila ng mga magagamit sa kanilang muling paglalakbay gaya ng pagkain, nagdesisyon silang maghiwa-hiwalay, si Andoras at Ccelestiya ay maghahanap ng makakain, si Ravenum at Adwayan ay gagawa ng pansamantala nilang mapagpapahingahan, kasama na ang mga gatong ng kahoy na gagamiting pang-apoy, si Qiero at Onestes ay nagdesisyong humanap ng malinis na tubig.

Nagkaroon ng kaunting pag-uusap si Onestes at Qiero, noong una pa man ay naghihinala na si Onestes rito, ang damit na suot nito ay gawa sa isang pinong hibla, at hindi suot ng isang karaniwang encantada, kung totoo man ang sinasabi nito na tumakas sila mula sa Adia, ay marahil mula ito sa isang mataas na angkan.

Onestes: Natutuwa ako at nakaligtas ka mula sa pag-atake ng Adia, marahil ay nakipag-laban ka ng husto sa kanila.

Qiero: OO, at ng malaman kong wala naman pala akong laban ay tumakas na lamang ako.

Onestes: Mabuti at hindi namantsahan ng dugo o nasira man lamang ang iyon saplot mula sa pakikipaglaban.

Qiero: Ngayon ko lamang napansin ang bagay na iyan, matapos mong sabihin.(Nakatanaw si Qiero ng isang ilog at nagdesisyon silang doon kumuha ng tubig.)

(Alam ni Onestes na nagsisinungaling si Qiero, alam rin niya ang alamat ng lugar na iyon, sinigurado niyang silang dalawa ni Qiero ang maghahanap ng tubig upang madala niya ito sa ilog ng katotohanan at malaman niya ang lahat ng tungkol dito.

Tumakbo patungong ilog si Qiero, nagmadali itong lumayo kay Onestes dahil napansin niyang tila nagdududa na ito sa kanya. Aktong kukuha sana ng tubig si Qiero mla sa Ilog ng biglang lamunin siya ng tubig, nilubog patungong ilalim ng ilog, nawalan siya pansamantala ng malay sa nangyari, nagsing siyang nasa ilalim ng tubig, nagpumiglas siya sa takot na baka mamatay siya, ngunit isang boses ang nagsalit at sinabing huminahon siya dahil nakakahinga sila sa tubig.

Hinanap ni Qiero ang pinagmulan ng boses, mula sa isang direksyon ay nakita niya ang isang encantada na nakabalot ang mukha, nagliliwanag ito.

Estranghero: Reema, bakit hindi mo tingnan ang kalunos lunos mong kalagayan, nakakaawa ka.
Qiero/Reema: Sino ka at bakit alam mo kung sino ako.
Estranghero: Narito ka sa ilog ng katotohanan, walang saysay itago ang nilalaman ng puso. Hayaan mong ipakita ko ang bagay na gumugulo sa isipan mo.

Qiero: Walang gumugulo sa isipan ko!

Estranghero: tulad ng sinabi ko walang saysay na ikubli ang nilalaman ng puso mo, Mula ng makita mo ang mga encantadang yaon ay nagtanong ka na sa isipan mo kung bakit ka pinapakitahan ng maganda ng mga kalaban. Matagal mo na dapat naisakatuparan ang binabalak mong pagpaslang sa kanila kung wala talagang gumugulo sa isipan mo.

Qiero/Reema: Pakawalan mo ako dito at tatapusin ko sila.

Estranghero: Makakakawala ka dito kung wala ng katanungan na bumabagabag sa isipan mo. Manood ka sa ipapakita ko

Mula sa mga tubig ay nabuo ang imahe ng nakaraan na pilit sanang kinakalimutan ni Qiero.

Nakita niya ang isang gabing dumating ang malakas na unos, na kasabay ng kaniyang pagkapanganak, Ang kulay gintong bigis na nasa kanyang dibdib ang nagpahiwatig na siya ang sanggol na nabuo sa imahe, Narinig niya ang kanyang mga magulang na nagdesisyong tumakas at dalhin siya sa kabundukan ng Ignarus at doon sila mamuhay, nais nilang bigyan ng normal na pamumuhay ang kanilang anak, ngunit ng 3 taon na siya ay pinatay ang mga ito ng isang nilalang, ngunit hindi niya kilala kung sino.

Natagpuan siya ng encantadang nagpakilala sa kaniya bilang si Lumeno, ginabayan siya nito mula sa kaniyang paglaki, at tinuring niya itong ama-amain, mabait sa kaniya ang nilalang na ito. Hindi pa rin niya makakalimutan ang panahong nakita ni Lumeno ang kanyang bigis na kulay ginto, dinala siya ni Lumeno sa lugar na maliwanag at mula doon ay nag pakita ang isang magandang diwata, na nagbigay sa kanya ng brilyante ng liwanag.

12 taon na siya ng habulin sila ni Lumeno ng mga puwersa ng Adia, sa kanilang pagtakas ay nahiwalay siya kay Lumeno at nahuli sila ng Adia.

Hinarap siya ng kawal kay Reyna Ferona, sinubukan niyang lumaban gamit ang paraang tinuro sa kanya ni Lumeno, ngunit nagapi siya, dahil musmos pa lamang ay nagdesisyon siyang gamitin ang brilyante ng liwanag, Namangha ang Reyna sa nakitang ang brilyante ay pagmamay-ari na ng isang bata, natakot ang ilan na baka matupad ang propesiya sa aklat ni Cassiopeia.

Reema: hindi ako hahayaang maging alipin dito ni Lumeno.
Ferona: Lumeno ang sinasabi mo ba'y ang haring Lumeno? Nasaan na siya iniwan ka niya upang madakip ng aking mga sundalo.
Reema: Hindi totoo yan!
Ferona: Manood ka!( inutusan ni Reyna Ferona ang setro na ipakita kay Reema ang nais ng Reyna, at nakita niya ang mas mainam pang palabas kesa sa inaasahan niya)

Pinakita ng setro ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang nakagagawan ni Lumeno, at pinakita rin dito na ibinenta ni Lumeno ang bata sa Adia.

Ferona: Nakita mo na pinaglaruan ka lamang ng mga encantada, nakita nilang mataas ang magiging presyo mo, pinatay ni Lumeno ang mga magulang mo upang mapasakanya ka, alam na niya marahil ang potensiyal mo kaya ka niya kinuha.
Ngunit mabuti na lamang at nakita kita, hindi na muli mangyayari sa iyo ang mga bagay na iyon, kukupkupin kita at itututring na isang Adia.

Sumigaw sa galit si Reema, nagdilim ang paligid, at ang brilyante ng liwanag ay nabalot ng dilim, mula noon ay sumupa na si Reemang papaslangin at ibabagsak anglahing encantada. Mula rin noon ay nakasiguro si Ferona na hindi magkakatotoo ang propesiya ni Cassiopeia.

Biglang nawala ang imahe na gawa mula sa tubig,

Reema/Qiero: at anong nais mong ipahiwatig, huwag kang mag-alala hinid ko makalilimutan ang pangyayaring iyan, hindi hangat humihinga ang lhing encantada.

Estranghero: Mas makabubuting huwag ka munang magsalita hangat hindi mo pa nakikita ang katotohanan.

Mula sa tubig ay nabuo uli ang mga imahe, nakita niyang ang tunay na pumatay sa kaniyang mga magulang ay isang magnanakaw, na sinubukang kunin ang salapi ng mag-asawa, hindi pumayag ang mag-asawa dahil kailangnan nila iyon para sa kanilang anak.

Nakita niya rin na binalak ni Lumeno na humiwalay sa kanila upang mailigtas siya, alam ni Lumeno na siya ang hinahabol ng mga Adian, mawawala ang atensyon nila kay Reema kung hihiwalay siya dito, at magiging ligtas ang bata, hindi sila nagkaanak ni Helmechia, marahil ay si Reema na ang katotohanan ng hiling niyang magkaanak. Marahilay iyon ang tugon ni Emre at hindi niya hahayaang madamay sa gulo ito.

Nakita rin niya sa imahe ang kasinungalingan ni Reyna Ferona mula sa kaniya at ng setro nito.

Hindi alam ni Reema ang gagawin, binalot siya ng kadiliman at umahon mula sa ilog ng katotohanan, kitang kita iyon ni Onestes, ang dilim na bumalot kay Reema, naglaho na parang bula si Reema, determinado siyang pagbayarin ang mga nagkasala sa kanya.

SUSUNOD:
ang 12 singsing ng zodiac, ang kapangyarihang pinagkaloob ni Emre sa Davinas