Sumugod si Reema sa Kaharian ng Adia, patungo kay Reyna Ferona, determinado siyang singilin ito sa kasinungalingang ginawa nito. Dumating siya sa loob ng pasilyo na walang tao kundi ang Reyna Ferona.
Ferona: At saan ka na muling naglagalag Hen. Reema, mukhang nawala muli sa isipan mong kailangang kong malaman ang bawat galaw at kilos mo.
Reema: (Malalim ang paghinga)Sabihin mong hindi kasinungalingan lamang ang mga pinagsasabi mo sa akin tungkol sa nangyari sa aking mga magulang, sabihin mong tunay ang ginawang pagtraydor sa akin ni Haring Lumeno.
Ferona: At saan mo naman narinig ang mga bagay na iyan?
Reema: hindi na importante ang bagay na iyon, ngayon sabihin mo totoo ba o hindi?
Ferona: Hindi ko rin naman matatago sa iyo ng matagal ang katotohanan, marahil ay panahon na upang malaman mo ang mga bagay na iyan, OO ang mga bagay na aking tinuran ay pawang kasinungalingan lamang, ginamit lamang kita upang pigilang matupad ang propesiya, nilinlang ko ang mga encantada sa pamamagitan ng paghahalo ng isang batang ipinanganak din noong oras na iyon, upang hindi mabuo ang mga tagapangalaga, at noong nalaman kong nasa kamay ka ni Haring Lumeno ay nangamba ako sa maaring mangyari, magpasalamat ka at hindi kita pinaslang, inisip ko kasing mas makabubuting gamitin ko ang kapangyarihan ng brilyante para sa aking tagumpay.
Isang malakas na sigaw ang isinukli ni Hen. Reema, sabay sinugod niya ng kanyang patalim ang Reyna, ngunit sa isang pitik lamang sa hangin ng Reyna ay tumilamsik si Reema. Tinawag ni Reema ang brilyante ng kadiliman, tinawag niya rin ang kanyang gabay diwa na si Ynverse. Umusal siya ng isang sumpa,
"Sa bisa ng kapangyarihang pinagkaloob sa akin,
Sa daloy ng dugong mula sa lipi ng magigiting
Ang pagdilim ng takipsilim at ang kapangyarihang hiwain ang buwan
Inuutusan kong mag-isa ang Ynverse at ang brilyante"
Mula sa pinag-isang kapangyarihan ng brilyante at ng kanyang gabay diwa ay nawasak ang pasilyo, lumitaw ang isang malahiganteng estatwang may isandaang kamay.
"Ang ikalawang baitang ng aking gabay diwa, HORUS!!!!"
Sinugod ng kanyang gabay diwa si Reyna Ferona, bawat suntok ay hindi mabilang, bawat atake ay tila naglalaho sa kadilimang unti unti ng bumabalot sa kastilyo, nagimbal ang mga nasa labas ng kastilyo, sinubukang pumasok ng ibang heneral ngunit ang dilim ay nagsisilbing harang, kamatayan ang naghihintay sa sinumang mangangahas na tawirin ang kadiliman.
Sa wakas ay isang malakas na suntok ang tumama kay Reyna Ferona, sinundan pa iyon ng hindi mabilang na sunod sunod na atake, sa huli ay bumuka ang bibig ng estatwa at mula dito ay lumabas ang isang napakalakas na itim na kapangyarihan, inakala niyang nagtagumpay na siya sa kanyang ginawang pag-atake, ngunit ng mapawi ang usok ay naroon ang Reyna nakatayo at walang kagalos galos.
Hawak na ng Reyna ngayon ang mahiwagang Setro ni Reyna Camilla, sumambit ng sumpa ang Reyna
Pakingan mo ang aking sumpa
Ang aking sumpa ay may bisa
gamit ang kapirasong setro na nagmula kay Reyna Esmeralda
Ang iyong paningin ay mawawala.
Unti unting nawala ang paningin ni Reema, naramdaman niya na lamang ang setro na bumaon sa kanyang kalamnan, bumagsak siya sa sahig, huli niyang narinig ang matutunog na halakhak ng Reyna at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento