Martes, Oktubre 25, 2011

Labanan sa setro pt 41

"Kung inaakala mong madali mo akong magagapi, ay nagkakamali ka, ang namalas mong kakayahan ko'y wala pa sa kalingkingan ng aking tunay na lakas" pagmamayabang ni Kelmar

"Ipakita mo ang tunay mong lakas at gagapihin ko yon ng aking buong puwersa, huwag mong mamaliitin ang aming pinagdaanan, Adia" wika ni Adwayan

Lalong nangalaiti si Kelmar sa tila, pagmamaliit sa kanya ni Adwayan.

"Nais kong ipabatid sa iyo na ang aking gabay diwa ay hindi tulad ng sa mga heneral na nakasagupa ninyo, hayaan mong ipakita ko sa iyo ang pagkakaiba" saad ni Kelmar

"Pumarito ka ANUBIS!!!" sigaw ni Kelmar

Mula sa kawalan ay nabuo ang espirito ng isang nilalang, bumalot iyon sa katauhan ni Kelmar, at nagbago ang kanyang anyo, nagkaroon siya ng maskara na tila sa isang aso. Hinampas niya sa lupa ang hawak niyang setro at bumuka ang lupa, mula sa kailaliman ay makikita mo ang mga nilalang na nag-uunahang umakyat patungo sa ibabaw ng lupa.

"Pagmasdan mo Encantada ang kapangyarihan ng aking brilyante" ani KElmar

Maagap si Adwayan,Natulala si Kelmar sa sunod na ginawa ni Adwayan, tinawag niya ang brilyante ng lupa at sumara ang bitak sa kinatatayuan nila.

"Nalimutan mo na yata na ang kapangyarihan ko ay lupa, ang tirahan ng iyong gabay diwa ay hawak ko, ang buhay ng bawat nilalang ay hawak ko" ani Adwayan

Napasigaw si Kelmar sa galit, pinagsanib niya ang kapangyarihan ng brilyante at ng kanyang gabay diwa.

"Damhin mo ang ikalawang lebel ng aking gabay-diwa, KERES!!!"

Lumitaw ang isang malahiganteng nilalang na nababalot ng kaliskis sa buong katawan at may pakpak.

"May tatlong kapangyarihan ang aking gabay diwa, at ikaw pa lang ang makakaita noon" pagmamalaking sabi ni Kelmar.

Ang unang kapangyarihan-Kakoi!! Mula sa bibig ng kanyang gabay diwa ay lumabas ang hindi mabilang na nilalang, tila kawangis ito ng mala-higanteng gabay diwa ngunit maliliit ang mga ito, bawat isa sa mga ito ay nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan at naramdaman iyon ni Adwayan.

Tellus!!!sigaw ni Adwayan tinawag niya na rin ang kanyang gabay diwa gaya ng kay Kelmar ay may abilidad itong sumapi sa kanyang tagapangalaga. Bumalot kay Adwayan ang isang gintong balabal

Isang hampas ni Adwayan sa lupa ay nagbago ang anyo nito, tila nagkaroon ng buhay ang lupa na humabol sa mga hindi mabilang na halimaw, ang bawat isa ay nadurog na tila isang pinigang kamatis.

"ikalawang kapangyarihan-nosoi" mula uli sa bibig ng nilalang ay lumabas ang usok na nagdudulot ng sakit. Tumama iyon ng direkta kay Adwayan at naramdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan.

"Ikatlong kapangyarihan-lugra o tiyak na kamatayan" Isang kulay itim na kapangyarihan ang tumama kay Adwayan, nabalot ng kadiliman ang lugar, ang bawat tamaan ay namamatay, ultimong puno, pachnea.

Mula sa kadiliman ay isang gintong liwanag ang sumikat.

"Ikalawang bahagi ng aking gabay diwa-GAIA!!! ang banal na gabay diwa ng lupa" ani Adwayan

Naramdaman ni Kelmar ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa kanyang gabay diwa, alam niyang wala siya ikakaya rito.

Isang wasiwas ng kamay ni Adwayan at kinain ng lupa si Kelmar
"Diyan ka nababagay sa ilalim ng lupa na nangangamoy kamatayan" wika ni Adwayan

Ngunit hindi papayag si Kelmar, tinipon niya ang kanyang natitirang lakas para sa huling pagsugod, niyakap ng kanyang gabay diwa ang Gaia at pinasabog nito ang sarili, isang desperadong pag-atake mula kay Kelmar, ngunit sa huling sulyap niya ay nakita niyang nakatayo pa rin si Adwayan, walang galos at nababalutan ng gintong balabal.

Susunod: Encantada laban sa Encantada..
Ang walang pusong balak ni Ferona

1 komento: