Martes, Oktubre 25, 2011

Labanan sa setro pt 41

"Kung inaakala mong madali mo akong magagapi, ay nagkakamali ka, ang namalas mong kakayahan ko'y wala pa sa kalingkingan ng aking tunay na lakas" pagmamayabang ni Kelmar

"Ipakita mo ang tunay mong lakas at gagapihin ko yon ng aking buong puwersa, huwag mong mamaliitin ang aming pinagdaanan, Adia" wika ni Adwayan

Lalong nangalaiti si Kelmar sa tila, pagmamaliit sa kanya ni Adwayan.

"Nais kong ipabatid sa iyo na ang aking gabay diwa ay hindi tulad ng sa mga heneral na nakasagupa ninyo, hayaan mong ipakita ko sa iyo ang pagkakaiba" saad ni Kelmar

"Pumarito ka ANUBIS!!!" sigaw ni Kelmar

Mula sa kawalan ay nabuo ang espirito ng isang nilalang, bumalot iyon sa katauhan ni Kelmar, at nagbago ang kanyang anyo, nagkaroon siya ng maskara na tila sa isang aso. Hinampas niya sa lupa ang hawak niyang setro at bumuka ang lupa, mula sa kailaliman ay makikita mo ang mga nilalang na nag-uunahang umakyat patungo sa ibabaw ng lupa.

"Pagmasdan mo Encantada ang kapangyarihan ng aking brilyante" ani KElmar

Maagap si Adwayan,Natulala si Kelmar sa sunod na ginawa ni Adwayan, tinawag niya ang brilyante ng lupa at sumara ang bitak sa kinatatayuan nila.

"Nalimutan mo na yata na ang kapangyarihan ko ay lupa, ang tirahan ng iyong gabay diwa ay hawak ko, ang buhay ng bawat nilalang ay hawak ko" ani Adwayan

Napasigaw si Kelmar sa galit, pinagsanib niya ang kapangyarihan ng brilyante at ng kanyang gabay diwa.

"Damhin mo ang ikalawang lebel ng aking gabay-diwa, KERES!!!"

Lumitaw ang isang malahiganteng nilalang na nababalot ng kaliskis sa buong katawan at may pakpak.

"May tatlong kapangyarihan ang aking gabay diwa, at ikaw pa lang ang makakaita noon" pagmamalaking sabi ni Kelmar.

Ang unang kapangyarihan-Kakoi!! Mula sa bibig ng kanyang gabay diwa ay lumabas ang hindi mabilang na nilalang, tila kawangis ito ng mala-higanteng gabay diwa ngunit maliliit ang mga ito, bawat isa sa mga ito ay nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan at naramdaman iyon ni Adwayan.

Tellus!!!sigaw ni Adwayan tinawag niya na rin ang kanyang gabay diwa gaya ng kay Kelmar ay may abilidad itong sumapi sa kanyang tagapangalaga. Bumalot kay Adwayan ang isang gintong balabal

Isang hampas ni Adwayan sa lupa ay nagbago ang anyo nito, tila nagkaroon ng buhay ang lupa na humabol sa mga hindi mabilang na halimaw, ang bawat isa ay nadurog na tila isang pinigang kamatis.

"ikalawang kapangyarihan-nosoi" mula uli sa bibig ng nilalang ay lumabas ang usok na nagdudulot ng sakit. Tumama iyon ng direkta kay Adwayan at naramdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan.

"Ikatlong kapangyarihan-lugra o tiyak na kamatayan" Isang kulay itim na kapangyarihan ang tumama kay Adwayan, nabalot ng kadiliman ang lugar, ang bawat tamaan ay namamatay, ultimong puno, pachnea.

Mula sa kadiliman ay isang gintong liwanag ang sumikat.

"Ikalawang bahagi ng aking gabay diwa-GAIA!!! ang banal na gabay diwa ng lupa" ani Adwayan

Naramdaman ni Kelmar ang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa kanyang gabay diwa, alam niyang wala siya ikakaya rito.

Isang wasiwas ng kamay ni Adwayan at kinain ng lupa si Kelmar
"Diyan ka nababagay sa ilalim ng lupa na nangangamoy kamatayan" wika ni Adwayan

Ngunit hindi papayag si Kelmar, tinipon niya ang kanyang natitirang lakas para sa huling pagsugod, niyakap ng kanyang gabay diwa ang Gaia at pinasabog nito ang sarili, isang desperadong pag-atake mula kay Kelmar, ngunit sa huling sulyap niya ay nakita niyang nakatayo pa rin si Adwayan, walang galos at nababalutan ng gintong balabal.

Susunod: Encantada laban sa Encantada..
Ang walang pusong balak ni Ferona

Lunes, Oktubre 24, 2011

Labanan sa Setro pt 40

Umuusad na ang mga karwaheng pandigma ng Encantadia at Davinas patungo sa lugar ng Adia. Gayundin ang pulutong ng Adia, sinisimulan na rin ni Iona ang orasyon sa pagbangon ng Etheria, Ngunit ang heneral ng Adia na si Kelmar ay nauna na, balak niyang tapusin ang laban bago pa man dumating ang sanib puwersa ng Davina at Encantadia sa Adia, siya ang nagmamay-ari ng brilyante ng kamatayan.

Mula sa malayo ay namataan na ng sanib puwersa si Heneral Kelmar, nakilala siya ni Orke na kasama sa pulutong.

"Mag-iingat kayo siya ang batang heneral na tumapos sa labanan sa lupain ng Redentor, hawak niya ang brilyante ng kamatayan, may kakayahan siyang tawagin ang mga namatay na nilalang" ani Orke

Mulaa sa kamay ni Kelmar ay lumitaw ang brilyante ng kamatayan, kasabay nito ang paggalaw ng lupa, at mula rito ay umusbong ang kamatayan, daang libong kalansay ng pachnea, at iba pang magigiting na mandirigma ang umusbong mula sa lupa, kasama na rito ang mga mandirigmang Hator.

"Mahabaging Emre" ani Lumeno, ngayon ay naintindihan na nila kung bakit natalo ang ang pulutong ni Helmechia.

"Hindi ito ang panahon para matakot, ni ang panahon upang umatras, ito ang panahong babawiin ng ating lahi ang karangalang inagaw sa atin ng lahing Adia, panahon ito upang ipaghiganti ang mga kasamahan nating inalipusta ng mapagsamantalang encantadia, pagkakataon upang ipadama sa kanila ang sakit na ipinadama nila sa atin" sigaw ni Raflesia

Sa wikang iyon ni Raflesia ay nagsigawan ang mga mandirigma, sabay sunod sunod na sumugod sa pulutong ng kamatayan. Ngunit bago pa sila magang-abot ay napuno ng baging ang lugar, ang pulutong ng kamatayan ay nabalot ng mga baging na pumipigil sa kanilang paggalaw, ang mga lumilipad na pachnea sa itaas ay isa isang nadurog, isang malaking kagubatan ang nabuo sa gitna ng digmaan.

Nagtaka ang lahat sa namalas, ang daang libong alagad ng kamatayan, ay tila nawalan ng saysay, wala silang hinuha kung sino ang may kagagawan ng himalang ito. Napatingin si Liyebres sa gawing kanan ng pulutong at mula sa malayo ay natanaw niya ang nagliliwanag na brilyante ng lupa, hindi siya nagkamali, dumating ang 5 gaya ng inaasahan nila.

Nagsigawan ang laksa ng sanib puwersa sa pagdating ng 5.

"Iwanan niyo sa akin ang laban na ito, tahakin niyo ang daan pa kanluran at ako na ang bahala sa kanya" ani Adwayan

Ganoon nga ang ginawa ng pulutong, iniwan na nila Andoras si Adwayan.

"At sinong nagsabing makakaalis na kayo" galit na sigaw ni Hen. Kelmar

Muling nabuo ang mga nadurog na kalansay, mas malalaking pachnea ang nabuhay mula sa ilalim ng lupa, malahigante ang laki nila. Ngunit sa sandaling malapit na silang makalapit sa pulutong ay matutulis na kahoy ang bumaon sa bawat isang nasa lupa, ang mga nasa himpapawid naman ay nilamo ng mga halamang may pangil.

"Hindi mo yata narinig ang aking tinuran, napaka mangmang mo at tinatanong mo pa kung sino ang nagsabi sa kanilang maari na silang umalis" panunuya ni Adwayan.

Malayo na ang kanyang kakayahan, kumpara sa dati, ang bawat salitang kanyang binibigkas ay punong puno ng paninindigan at lakas ng loob, na tila kayang kaya niya ang kalabang nagpabagsak sa pulutong ni Reyna Helmechia.

Susunod:
Buhay laban sa kamatayan
Ang brilyante ng lupa laban sa brilyante ng kamatayan.

Biyernes, Oktubre 21, 2011

Labanan sa setro pt 39

Nagpatuloy na sa paglalakbay sila Adwayan ng hindi kasama si Reema, maging sila ay naguguluhan sa kuwento ni Onestes hingil sa nangyari sa ilog ng katotohan,
hindi rin naman gaanong maipaliwanag ni Onestes ang nangyari, ang lahat ay isa pa ring malaking palaisipan sa kaniya.

Sa wakas ay narating na ng 5 ang Kastilyo ng hangin, ngunit hindi tulad sa mga ibang kastilyong kanilang napuntahan ay hinyaan silang pumasok na lahat, at wala ring mga Adiang nagtangkang pumigil sa kanila, hindi sa ayaw nila ang ganoong pangyayari ngunit tila nakapagtataka lamang.

Agad tinungo ng 5 ang pasilyo ng kastilyo, naroon ang rebultoni Reyna Amihan, na sinasabing may kakaibang hiwaga, nagulat ang 5 ng makitang unti unting nabubuhay ang rebulto, at di kalaunan ay nagising na nga ang dakilang si Reyna Amihan.

Lumitaw mula dito ang Brilyante ng Hangin, at iniabot kay Onestes, tila nagdadalwang isip pa si Onestes kung kukuhanin ang brilyante dahil napakadali ng pagkuha niya dito kumpara sa iba.

"Kung inaakala mong magiging madali ang lahat, ay nagkakamali kayo, kayong 5 ay mapapasailalim sa isang marubdob na pagsasanay" ani Amihan

"Ngunit wala na kaming oras para roon, ang digmnaan ay magsisimula na at kakailanganin kami doon" ani Celestiya

"Walang magagawa ang kapangyarihan ninyo laban sa matataas na klase ng Adian kasama na ang kaharian ng Etheria."wika ng isang anino na di kalaunan ay nakilala nila bilang si Haring Ybrahim

"Sapat ang oras natin upang turuan kayo, ang mga kakayahan ninyo ay hilaw at wala pa sa kalingkingan ng Reyna, dadalhin ko kayo sa lebel na kayang pabagsakin ang isang mataas na heneral sa isang kisapmata lamang" wika ni Ybrahim

"Ang oras dito ay mas mabilis kumpara sa labas, binasbasan ito ng Bathala, dahilan kung bakit piling tao lamang ang nakapupunta rito, kasabay nito ang oras ng Inferia, ang isang gabi ay katumbas ng 1 taong gabi." wika ni Amihan

"mananatili kayo sa loob hangat hindi ninyo nalalaman ang buong sikreto ng bawat brilyante." wika pa ng isa na namukhaan nila bilang si Pirena

Naroon din si Alena at Danaya, si Elestria naman ay wala roon dahil sa kawalan ng kanyang tagapagmana ng brilyante.

---------
At lilipas nga ang pag-inog ng tatlong gabi sa lupa, at 3 taong gabi sa loob ng kastilyo...


Susunod:

Sa pagsisimula ng ugong ng digmaan
3 taon limang brilyante, ang paglagpas sa kakayahan ng sinaunang Sangre.

Sabado, Oktubre 15, 2011

Labanan sa Setro Pt 38.

Lingid sa kaalaman ng Adia, ay naroon din si Haring Lumeno noong oras ng labanan ni Reema at Ferona. Kasama niya ang tatlo sa 12 zodiac, Si Trestal, Obeshi at Versi. PAkay nilang kuhanin ang libro ni Cassiopeia. Sinamantala ng apat ang malalakas na ugong ng labanan, agad nilang tinungo ang piitan sa ibabang bahagi ng kastilyo upang hanapin si Orke. Tumambad sa apat ang libo libong encantadang nanlilimahid, namumuhay ng nakakawa sa piitang tinatawag nila ngayong tahanan.

Napansin ng karamihan ang pagkakakilanlan ng hari na si Haring LUmeno, agad lumapit ang mga ito sa pintuan ng rehas na bakal at nagsumamong tulungan sila sa pagtakas sa impyernong lugar na iyon. Ngunit hindi ito maaaring gawin ni Lumeno, alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon, makakagaw sila ng atensyon kung makikita ng marami na akay akay niya ang libo libong encantadang ito. Umuungol ang ilan sa pag-iyak.

Mula sa kadiliman ay may nagsalitang isang encantada

"Itigil niyo ang pakiusap na iyan, huwag ninyong gawing mahirap pa ang kalagayang ito para sa haring Lumeno, alam nating magiging pabigat tayo sa kaniya sa kondisyon nating ito, Pasasaan ba't makakalaya rin tayo, hindi pa ito ang tamang oras"

Lumapit ang encantada sa Hari, hindi niya ito lubos na nakilala, ito pala ang kapatid niyang si Galeon, Naiyak si Lumeno sa sinapit ng kapatid.

"Narito kami upang takas si Orke, kailangan namin siya upang ituro sa amin ang kinalalagyan ng aklat ng ropesiya ni Cassiopeia, naghahanda ang buong pwersa ng Davinas at Encantadia sa isang malaking labanan, at malaki ang maitutulong ng Libro ni Cassiopeia." anang Hari

"Nasa dulong parte sa gawing kanan ang kulungan ng matandang si Orke, mag-iingat kayo, nararamdaman kong malapit na ang ating tagumpay" wika ni Galeon

Agad na tinungo nila Lumeno ang dulong parte ng kulungan, dumiretso sila sa gawing kanan at isang malaking pintong gawa sa purong bakal ang tumambad sa kanila, Tinulak ni Obeshi ang pintuan, ngunit kahit siya ay nahirapan dito, kinailangan niya pang dagdagan ang kaniyang lakas upang maitulak ng tuluyan ang pintuan.

Isang hagdang pababa ang natagpuan nila, sa ibaba ay nakita nila ang isang napakalaking pasilyo, at sa isang sulok ang maliit na kulungan, naroon si orke na nakagapos ng tanikala ang leeg at paa, nagsusugat na ang mga ito, tanda ng matagal at mahigpit na pagkakatali.

Ngunit bago pa sila nakalapit ay isang bantay ang lumapit sa kanila, Naroon si Iona na tila alam na ang pinaplano nila.

"Hindi ako makakapayag na makuha niyo si Orke, mga bulag!!! hindi niyo nakikita na wala sa amin ang tunay na panganib. Ginagamit tayo ng isang nilalang para sa kaniyang ikasasaya" wika ni Iona

"Kung ang sinasabi mo ay ang Bathalang si Emre ay nagkakamali ka, patutunayan naming sa iyong may kakayahan siyang tapusin ang digmaang ito" wika ni Lumeno

"Bulag ka nay mangmang ka pa, hindi si Emre ang sinasabi ko, kundi isang nilalang ng lumang panahon, balak niyang buuin ang pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan, ang kakayahang gawing realidad ang isang pantasya, ang kakayahang baluktutin ang katotohanan, ang kakayahan maging isang bathala" wika ni Iona

"Hindi kita maintindihan, ang mahalaga ngayon ay makuha namin si Orke" wika ni Lumeno

Sapat na ang narinig ni Iona upang bumuhos ang napakalakas na kapangyarihan sa kaniyang katawan, nagbabago ang lupa, bumibigat ang hangin sa simpleng paglabas lamang nito ng kanyang kapangyarihan, tunay na hindi matatwaran ang kapangyarihang iyon.

Cancer! wika ni Trestal at lumabas ang isang kalasag nas tinawag ring kalasag ng mga imortal

Taurus! pumaloob sa katawan ni Obeshi ang gabay diwang si Taurus at lalo pa siyang nabiyayaan ng lakas

Aries! lumabas ang isang malaking pamaypay na may kakayahang tumawag ng apoy.

Susubukan namin siyang pigilan, kunin mo si Orke at Umalis na kayo dito! wika ni Obeshi

Akamang kukuhanin ni Lumeno si Orke ng sinugod siya ni Iona, agad namang ginamit ni Trestal si Cancer upang pigilan si Iona, isang bola ng enerhiya ang ginawa ni Iona at tumama iyon sa kalasag na si Cancer, ngunit dahil hindi ganoong kalakas ang katawan ni Trestal ay humagis siya at tumama sa pader. Pero sapat na ang panahong naibigay ni Trestal kay Lumeno upang makuha si Orke.

Nilabas niya ito ng pasilyo, patungo sa labas ng ikalwang bahagi ng kulungan. Mula sa silid ay narinig niya ang isang malakas na pagsabog, alam niyang walang kakayahan ang tatlo upang pigilan ang kapangyarihan ni Iona. dali dali silang pumunta sa silid ng Reyna upang kuhanin ang libro ni Cassiopeia. Ngunit nahuli na sila ng makitang naroon narin si Iona at hawak hawak ang libro.

"Lumeno! Pagsisisihan mo ang araw na ito kung maitakas mo ang libro, ito ang magsisimula ng pagkawasak ng mundong ito sa sandaling mabuo ang pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan" wika ni Iona

Sinugod ni Iona si Lumeno upang bawiin si Orke, ngunit maagap si Lumeno, sinamo niya ang liwanag ng araw at pansamantalang nawalan ng paningin si Iona, nakuha nila mula rito ang libro at naitakas niya si Orke.

Susunod
Ang brilyante ng Hangin
At ang lihim ng brilyante ng puso

Paunawa

Humihingi ako ng paumanhin sa matagal kong hindi pagsulat ng kuwento sa alamat ng encantadia, ang inyo pong lingkod ay naging abala sa kaliwat kanang trabaho. Lalo na ng dumating ang nakaraang magkasunod na bagyo, kung inyo po kasing maitatanong ay isa rin po akong miyembro ng Red Cross, bukod sa aking trabaho. Muli ay hinihingi ko ang paunawa ng aking mga mambabasa.

Martes, Setyembre 20, 2011

Labanan sa Setro pt 37

Sumugod si Reema sa Kaharian ng Adia, patungo kay Reyna Ferona, determinado siyang singilin ito sa kasinungalingang ginawa nito. Dumating siya sa loob ng pasilyo na walang tao kundi ang Reyna Ferona.

Ferona: At saan ka na muling naglagalag Hen. Reema, mukhang nawala muli sa isipan mong kailangang kong malaman ang bawat galaw at kilos mo.

Reema: (Malalim ang paghinga)Sabihin mong hindi kasinungalingan lamang ang mga pinagsasabi mo sa akin tungkol sa nangyari sa aking mga magulang, sabihin mong tunay ang ginawang pagtraydor sa akin ni Haring Lumeno.

Ferona: At saan mo naman narinig ang mga bagay na iyan?

Reema: hindi na importante ang bagay na iyon, ngayon sabihin mo totoo ba o hindi?

Ferona: Hindi ko rin naman matatago sa iyo ng matagal ang katotohanan, marahil ay panahon na upang malaman mo ang mga bagay na iyan, OO ang mga bagay na aking tinuran ay pawang kasinungalingan lamang, ginamit lamang kita upang pigilang matupad ang propesiya, nilinlang ko ang mga encantada sa pamamagitan ng paghahalo ng isang batang ipinanganak din noong oras na iyon, upang hindi mabuo ang mga tagapangalaga, at noong nalaman kong nasa kamay ka ni Haring Lumeno ay nangamba ako sa maaring mangyari, magpasalamat ka at hindi kita pinaslang, inisip ko kasing mas makabubuting gamitin ko ang kapangyarihan ng brilyante para sa aking tagumpay.

Isang malakas na sigaw ang isinukli ni Hen. Reema, sabay sinugod niya ng kanyang patalim ang Reyna, ngunit sa isang pitik lamang sa hangin ng Reyna ay tumilamsik si Reema. Tinawag ni Reema ang brilyante ng kadiliman, tinawag niya rin ang kanyang gabay diwa na si Ynverse. Umusal siya ng isang sumpa,

"Sa bisa ng kapangyarihang pinagkaloob sa akin,
Sa daloy ng dugong mula sa lipi ng magigiting
Ang pagdilim ng takipsilim at ang kapangyarihang hiwain ang buwan
Inuutusan kong mag-isa ang Ynverse at ang brilyante"

Mula sa pinag-isang kapangyarihan ng brilyante at ng kanyang gabay diwa ay nawasak ang pasilyo, lumitaw ang isang malahiganteng estatwang may isandaang kamay.

"Ang ikalawang baitang ng aking gabay diwa, HORUS!!!!"

Sinugod ng kanyang gabay diwa si Reyna Ferona, bawat suntok ay hindi mabilang, bawat atake ay tila naglalaho sa kadilimang unti unti ng bumabalot sa kastilyo, nagimbal ang mga nasa labas ng kastilyo, sinubukang pumasok ng ibang heneral ngunit ang dilim ay nagsisilbing harang, kamatayan ang naghihintay sa sinumang mangangahas na tawirin ang kadiliman.

Sa wakas ay isang malakas na suntok ang tumama kay Reyna Ferona, sinundan pa iyon ng hindi mabilang na sunod sunod na atake, sa huli ay bumuka ang bibig ng estatwa at mula dito ay lumabas ang isang napakalakas na itim na kapangyarihan, inakala niyang nagtagumpay na siya sa kanyang ginawang pag-atake, ngunit ng mapawi ang usok ay naroon ang Reyna nakatayo at walang kagalos galos.

Hawak na ng Reyna ngayon ang mahiwagang Setro ni Reyna Camilla, sumambit ng sumpa ang Reyna

Pakingan mo ang aking sumpa
Ang aking sumpa ay may bisa
gamit ang kapirasong setro na nagmula kay Reyna Esmeralda
Ang iyong paningin ay mawawala.

Unti unting nawala ang paningin ni Reema, naramdaman niya na lamang ang setro na bumaon sa kanyang kalamnan, bumagsak siya sa sahig, huli niyang narinig ang matutunog na halakhak ng Reyna at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Biyernes, Setyembre 9, 2011

labanan sa setro pt 36

Nagbalik na sa kastilyo ng Davinas ang haring Ynos, pinulong niya ang mga pinuno ng bawat dibisyon, inutusan niya itong tingnan ang mga gamit pandigma at magbigay ng ulat hingil sa kung alin na ang nasa wala ng kondisyon. Dumating na rin 6 na hukom ng mataas na kapulungan, upang pagpulungan ang pinakamagandang estratehiya sa nalalapit na digmaan. Kung hindi kasi sila ang mauunang susugod sa Adia ay siguradong magigipit sila.

Ynos: Napag-alaman namin na gumagalaw na ang kalabang Adia, nakipagsabwatan ito sa sinaunang kaharian ng Etheria at nagbabalak ibangon ang 4 na heran, isa sa kanila ang may hawak ng brilyante ng kamatayan, makatutulong upang buhayin ang mga kawal ng Etheria.

Ciria(ang tanging babae sa 6 na hukom): At ano naman ang binabalak natin kasama ang encantadia?

Ynos: Gagamitin ni Haring Lumeno ang Orasyon ng Veolia upang isamo ang kawal ng Devas, at tayo naman ay ihahanda ang 100 babaylan upang buksan ang kulungan ng Cipherno.

Galapeno(ikalawang pinakamataas na hukom: Sa tingin ko'y hindi pa iyon magiging sapat. Ayon sa alamat ay may lihim na sandata ang kaharian ng Etheria, at kung hawak nila ang brilyanteng may kakayahang bumuhay sa mga patay, lalaban tayo sa isang pulutong ng mga imortal.

Hilom: Kung gayon ay anong ating magagawa.

Sulayman: Ipatawag ang 12 zodiac

mabilis pa sa isang segundo ang pagdating ng 12 kampeon ng Davinas, mga biniyayaan ng 12 gabay diwang nabibilang sa bituin.

Vesta- ang biniyayaan ng kapangyarihan ng Pisces o ng dalawang isda, hawak niya ang kakayahan ng salamin. Hindi gaya ni Aquarius kaya niyang huminga sa ilalim ng tubig.

Exo- ang may hawak sa Gemini, kaya nitong kopyahin ang lahat sa isang tao kasama na ang kapangyarihan, memorya, kahinaan at lakas.

Cletic- ang may kapangyarihan ng Sagitarius o ang mamamana, ang palaso niya ay hindi nagmimintis kahit limang bundok ang pagitan.

Mobila-ang may hawak kay Aquarius, kinokontrol niya ang tubig. Ngunit hindi gaya ng brilyante ng tubig na kayang kontolin ang lahat ng anyo ng tubig maging yelo, hamog, etc.

Agustos-ang may nagmamay-ari sa gabay diwa ng Capricorn, sinasabing may kakayahan ang Capricorn na itaas ang kakayahan ng nagmamay-ari nito.

Fantas-Ang binigyan ng gabay diwang si Scorpio, sinasabing ang Scorpio ang pinakamatanda sa 12 gabay diwa, walang nasusulat tungkol sa kakayahan nito.

Hueno- Ang nagmamay-ari sa gabay diwang si Leo na may kakayahan ng kulay ng liwanag.

Escelo_ang biniyayaan ng gabay diwang si Libra, ang tagapaghatol.

Belo- ang nagmamay-ari sa gabay diwang si Virgo, may kakayahan itong magpagaling.

Trestal- ang may hawak sa gabay diwang si Cancer, o ang utak sa 12 zodiac. may kakayahan ang cancer na maging panangalang

Obeshi-ang nabigyan ng gabay diwang si Taurus o ang lakas.

Versi-ang nbiyayaang kumontrol sa gabay diwang si Aries may kakayahang kontolin ang apoy.


Ynos: kayong 12 ay inuutusan kong pumunta sa Lireo at tulungan si Haring Lumeno sa pagpasok sa kaharian ng Adia upang bawiin ang libro ni Cassiopeia, malaki ang magiging diperensya kung nasa atin ang aklat ng Propesiya, matutulungan tayo nitong magdesisyon sa nalalapit na laban.