Humihingi ako ng paumanhin sa aking mga mambabasa, ngayong lingo ay hindi ako makapagpopost ng bagong artikulo upang bigyang pugay ang araw ng mga bayani at ang pagtatapos ng ramadan.
(Sa madaling sabi)Mag-eenjoy ako sa long weekend na to! Walang update dahil magbabakasyon ako!
Linggo, Agosto 28, 2011
Martes, Agosto 23, 2011
Labanan sa setro PT 34
Dumating si Liyebres sa lumang kastilyo ng Lireo, Itinayo itong muli gamit ang kapangyarihan ni Haring Lumeno, malayo ang lugar na ito sa kinasasakupan ni Reyna Ferona, nadatnan ni Liyebres na abala ang lahat, naghahanda sa isang malaking pulong na gaganapin kasama ang kaharian ng Davinas. (Matatandaag nagkaroon ng hidwaan ang dalawang kaharian matapos ang labanan sa matapos ang digmaan sa matayog na kastilyo ng Davinas, ngunit nagkaroon ng kasunduan ang dalawa na ibagsak ang kastilyo ng Adia, dahil sa nabalitaan ng Davinas ang plano nito)
Hindi nag-aksaya ng panahon si Liyebres, tinungo niya si Reyna Raflesia at agad ibinahagi ang nakalap na balita.
"Naghahanda na sa isang malaking digmaan ang Adia, balak nilang ibangon ang kaharian ng Etheria at ang 4 na Heran gamit ang kapangyarihan ng sinasabing katawang lupa ng huwad na bathalang si Ether" ani Liyebres
"Tatapatan natin ang puwersang iyon ng atingkapangyarihan at ng kaharian ng Davinas" wika ni Ferona
"Ngunit ang tantiya ko sa magiging kabuuan ng kanilang mga kawal ay sa higit isangdaang libo at sa atin kasama na ang davinas ay higit 80 libo lamang" pagaalala ni Liyebres
"Gagamitin ko ang orasyon ng Veolia" wika ni Haring Lumeno
"Orasyon ng Veolia? Ngayon ko lamang ata narinig ang orasyon na iyan" tanong ni Raflesia
"Isa ito sa nawalang orasyon ng lumang panahon, sinasamo nito ang mga kawal ng Devas, ngunit nangangailangan ito ng ilang kondisyon bago maisakatuparan ang orasyon" paliwanag ni Lumeno
"Ano ang mga kondisyon?" tanong ni Liyebres
"Ang piraso ng luha ni Emre, sa kabuuan ay may 5 piraso ng luha na bubuo sa susi ng Mulukaru na sumasamo sa kawal ng Devas sa aking matagal na paglalakbay ay natipon ko na ang 4 sa limang luha, ang huling luha ay sinasabing sinama ni Cassiopeia sa loob ng kanyang libro" ani Lumeno
"Ngunit nasa mga Adia ang libro ni Cassiopeia" saad ni Raflesia
"Kailangan nating mabawi ang libro kasama na ang babaylang si Orke, tanging siya ang nakakaintindi ng libro ni Cassopeia, marahil ay maiintindihan niya kung paano makukuha sa loob ng libro ang huling patak ng luha ni Emre" saad ni Lumeno
Bumukas ang pinto ng pasilyo ng kastilyo.
"Paumanhin po mahal na Hari at Reyna, ang Hari kasama na ang kinatawan ng Davinas ay dumating na" wika ng kawal
"Salamat sa impormasyon kawal, ihanda na ang silid na pagpupulungan, Liyebres sumama ka sa amin sa pulong na ito, bigyan mo kami ng impormasyon hingil sa pinakabago tungkol sa mga tagapag-ligtas" ani Raflesia
Tumungo agad-agad ang 3 sa silid na pagpupulungan, narito ang Hari ng Davinas kasama na ang 2 niyang tagapagbantay at 2 kinatawan.
"Maligayang pagdating sa Lireo Haring Ynos" ani Lumeno
"Matagal ko ng pinangarap na makatuntong sa kahariang tinahanan ng maalamat nating ninuno, at ngayong nadatnan ko na ay tila nananaginip pa rin ako" wika ni Ynos
"Ang mga haligi ng kastilyong ito ay naging saksi sa maaalamat na digmaan, pinrotektahan nito ang mga encantadang nanahan dito, at muli ay hihilingi natin sa mga pader nito na muli tayong protektahan sa nalalapit na digmaan" wika ni Raflesia
"Nakarating sa aming impormasyon ang tangakang pagsakop ng Adia sa dulong hilaga ng bayan ng Davinas at hindi kami makapapayag na muli itong mangyari, hindi sana siya nagiging ganito kalakas kung hindi lamang dahil sa setro ni Reyna Camilla" anang isang kinatawang nagngangalang Igneel
"At hindi rin sana sila magkakaroon ng lakas ng loob na lumaban kng hindi lamang sila kinupkop ng Davinas" ani Liyebres
"Sheda!! narito tayo upang pagusapan ang digmaan laban sa Adia hindi ang pagtalunan kung kaninong kasalanan ang mga pangyayari, ang matatalo sa digmaan ang magiging mali at ang mananalo ang tama" wika ni Raflesia
"Tama siya, sa ngayon ay wala pang tama o mali sa nagaganap, may dahilan sila upang lumaban at may sariling dahilan din ang ating lahi, kung sino ang wasto ay kukumpirmahin matapos ang digmaan" wika ni Ynos
"Mahal na haring Ynos, nakakaramdam ako ng isang kakaibang kapangyarihan sa paligid, isang sinaunang puwersa" wika ng isa sa mga tagapagbantay ni Ynos
"Isang sinaunang nilalang sa paligid? Marahil ay binabantayan tayo ng ating mga ninuno sa mga guhong ito, hindi ba't magandang pangitain ang bagay na iyon?" wika ni Liyebres
"Hindi isang encantada ang nararamdaman ko, isang kakaibang nilalang ngunit unti unti na itong nawala, marahil ay nalaman nitong napansin natin siya" wikang muli nito.
"Ipatawag ang mga kawal, at sabihing halughugin ang bawat sulok ng kastilyo, dalhin dito ang nakikitang kahinahinala" utos ni Haring Lumeno
"Hindi kaya natupad na ang binabalak ng Adia" wika ni Liyebres
"Anong balak ng Adia ang sinasabi mo" tanong ni Igneel
"Nasa kamay na ng Adia ang sinasabing katawang tao ng bathalang Ether, at kung hindi ako nagkakamali ay binabalak nilang ibangon ang kaharian ng Etheria." wika ni Raflesia
"Plano naming isamo ang kawal ng Devas upang tapatan ang pwersa ng Etheria" wika ni Lumeno
"Hindi iyon magiging sapat, iapatawag ko ang isang daang babaylan ng Davinas upang pakawalan sa kanilang pagkakahimlay ang mga halimaw ng Cipherno.
"Ang mga halimaw ng sinaunang panahon?...............
Susunod:
Ang ilog ng katotohanan
Isang malaking kasinungalinan ng Adia sa brilyante ng liwanag

Miyerkules, Agosto 17, 2011
labanan sa setro pt 33
Nagpatuloy sila sa paglalakbay, wala silang ideya kung saan makikita ang kastilyo ni Haring Ybrahim, magbabakasakali silang sa kastilyo rin ni Reyna Amihan matatagpuan ang brilyanteng yaon, sa kadahilanang si Amihan ang naka-isang dibdib ng Hari.
Nagdesisyon si Liyebres na humiwalay muna sa grupo at tumungo papunta sa kinaroroonan nila Reyna Raflesia.
Samantala sa Adia...
Nakarating na sa palasyo sila Reyna Ferona, ipinatawag niya ang kanyang mga natitirang heneral, ngunit tulad ng dati ay hirap pa rin siyang pasunurin ang isa sa kanyang mga heneral si Hen. Reema.
"Nasaan ang Heneral ng ika-lawang debisyon?" tanong ni Reyna Ferona
"May mahalaga daw pong dapat gawin ang heneral" wika ng isang Adia na tumayong kapalit ni Hen. Reema pansamantala.
"Ang pachneang heneral na iyon, sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya, hindi bale, hindi na importante ang bagay na iyon, Narito nga pala ang bagong heneral, siya ang papalit sa upuang binakante ni Jugo ipinakikilala ko si Iona" anang Reyna
"At ano naman ang gagawin natin sa iba pang bakanteng upuan ng heneral?" tanong ni Heneral Caleb
Tumayo si Iona at nagpaliwanag
"Gagamitin ko ang isa sa mga pinagbabawal na paraan, na nangangailangan ng buhay na katawan ng isang maharlika, narinig kong marami ang nakatira sa ating bilanguan" wika ni Iona
"At ano naman ang binabalak mo?" tanong naman ni Dobleras
"Bubuhayin ko ang 4 na Hera ng unang panahon at gamit ang kanilang gabay diwa ibabangon namin ang 4 na Heran ng Etheria" pagmamalaking sabi ni Iona
"Ngunit iba ang bathalang sinamba ng Etheria, ayon sa alamat ay si Ether ang sinamba ninyong panginoon" pagtutol ni Dobleras
"Ang Bathalang Ether ay ipinatapon sa lupa matapos ang digmaan, kung naniniwala ka sa alamt ay nakikipag-usap ka ngayon sa kanyang katawang lupa" ani Ferona
"Titipunin natin ang lahat ng bilangong encantada, ilalagay sa unang depensa ng digmaan, at tayo'y manonood sa pagpapatayan ng magkaparehong lahi" dagdag pa ni Ferona
"Paano kung mag-aklas sila?" tanong ni Caleb
"Gagamitin ni Heneral Ciero ang kanyang gabay diwa, at ang lahat ng magtaksil ay makikitlan ng buhay" sabay taw ni Ferona
................
Sa paglalakbay naman ng 5 ay natigilan sila sa isang walang malay na lalake sa kanilang daan. Huminto sila at tinulungan ang nilalang.
"Anong nangyari sa iyo bakit ka nandito at nag-iisa?" tanong ni Ravenum
"Ang ngalan ko ay Qiero, lumipad kami ng aking mga maglang patungo dito sapagkat hinahabol kami ng mga Adia, sa kasamang palad ay nagkahiwalay hiwalay kami at ako nga ay napunta dito" ani Qiero
"Hangang saan ba ang kasamaan ng ng mga Adia" galit na wika ni Adwayan
"Siguro ay sumama ka muna sa amin, marahil ay naroon ang pamilya mo sa ugar ng mga encantada, matapos ang aming paglalakbay ay balak din naming pumunta roon, delikado kung ikaw lamang mag-isa dito" ani Celestiya
"Salamat at napakabuti ninyo, kahit hindi niyo ako kilala ay tinulungan niyo ako" wika ni Qiero
"Kahit na sino kung nangangailangan ng tulong ay dapat tulungan" ani Andoras
"Heto ang inumin at pagkain kailangan mong bawiin muna ang lakas mo bago tayo magpatuloy sa paglalakbay" wika ni Onestes
"Paumanhin at tila naging pabigat pa ako sa paglalakbay niyo" saad ni Qiero
"Huwag kang mag-alala, malayo na rin naman ang aming nilakbay, at sa tingin ko ay kailangan na namin ng pahinga, at kaw rin huwag mo kaming intindihin masaya kami at nakaligtas ka" wika ni Onestes
Nagulat si Qiero sa kabutihang pinakita ng 5 sa kanya. Minasdan niya ang 5 na nagpapahinga sa di kalayuan at dumistansiya siya ng kaunti, lumitaw mula sa kamy ni Qiero ang itim na brilyante, hihintayin niyang makatulog ang 5 bago niya babawian ng buhay ang mga ito. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may kumislap na maliit na liwanag sa brilyante, dala marahil ng kabutihang ipinakita ng 5 sa kanya.
Susunod:
Ang kastilyo ng Espada at Hangin
Paghahanda sa malking digmaan.

Sabado, Agosto 13, 2011
Labanan sa Setro Pt 32
Nagsimulang magbaksakan ang mga haligi ng kuweba dahil sa lakas ng enerhiyng lumalabas sa nilalang. Umatras si Reyna Ferona at naghanda sa inaasahang pagatake ng kaharapa na nilalang. Tunay nga ang sinabi ni Arde, napakalakas nito.
"Hindi mo alam ang ginagawa mong kahangalan, ikinulong ko ang sarili ko sapagkat nagdudulot ako ng kapahamakan at kamalasan sa lahat ng nakapaligid sa akin, ang pinagkaloob sa aking kapangyarihan ay hindi ko magawang makontrol" anito
"Huwag kang mag-alala, sapat ang aking kapangyarihan upang ikaw ay pangalagaan" wika ni Ferona
"Kung gayon ay dapat mong patunayan ang winika mo, humanda ka sa gagawin ko" dagdag ng nilalang.
"Ako si Iona damhin mo ang aking kapangyarihan, ang kapangyarihan ng isang bathala
Mula sa dugo ng bathalang si Ether
Nilinang ng panahong naglibing sa nakaraan
mula sa mga guho ng magigiting na bayaning
ginupo ng mapagsamantalang kapangyarihan
Ang sibat ng Cielo
Ang pana ng Althea
Ang libro ng kaalaman ng Poler
Ang tanikalang rosas ng Distro
Gamit ang kapangyarihang yayanig sa kalupaan
Gamit ang kapangyarihang higit pa sa alamat ng sangre
damhin mo ang kamao ng Diyos
"DEVIORAL!!"
Nagdilim ang kalangitan, at yumanig ang lupa, tuluyan ng gumuho ang kuwebang kinaroroonan nila, sa lugar naman nila Ravenum ay naramdaman nila ang napakalakas na kapangyarihan, lumitaw ang brilyante ng lupa, tubig at apoy, at tila nangusap sa naramdamang kapangyarihan.
Tumama ng direkta kay Ferona ang nagngangalit na kapangyarihan ni Iona, ngunit pinrotektahan siya ng Tiara, lingid sa kaniyang kaalaman ay nagkaroon ng lamat ang ang tiara ng Adia sa kapangyarihang tumama sa kanya, ngunit sapat na ang nakita ni Iona upang paniwalaan si Ferona na ang nilalang sa kanyang harapan ay may kakayahang pumigil sa kanyang kapangyarihan. Hindi doon natapos ang lahat, Tinawag ni Ferona ang kanyang gabay-diwa.
MEPHISTO!!
Lumitaw sa kanyang daliri ang isang singsing. Ang singsing ni Mephisto ay may kakayahang mgabigay ng katuparan sa ninanais ng isip, kasama ang setro ni Camilla na may kakayahang magbigay ng ninanais ng puso, naisip ni Ferona na tila hawak na niya ang setro ni Esmeralda, walang brilyante ang kayang tumapat sa kanyang kapangyarihan.
Itinapat niya ang singsing kay Iona, isang kadena ng kapangyarihan ang tumama sa katawan ni Iona at napigil nito ang nag-uumapaw na kapangyarihan.
"Maghanda ka Iona, pababagsakin natin ang mga nilalang na lumipol sa iyong lahi, ang lahi ng encantada" wika ni Ferona.
.....................
Sa dako naman nila Andoras
Matapos mapagaling ni Adwayan ang mga encantada ay humayo na sila sa kanilang lakbayin, nag-aalala sila na masundan pa ang mga pangyayari hangat wala sa kanila ang brilyante ng liwanag.
Ngunit sa daan papunta sa lugar ni Elestria ay hinarang sila ng isang taong nagngangalang Dobleras.
"Hindi ba't ikaw ang isa sa mga heneral ng Adia na si Dobleras" tanong ni Liyebres
Naulinigan ni Adwayan ang kanyang pangalan at naalala ang pangyayari sa bahay panuluyan, siya ang heneral na nagpasunog sa bahay panuluyan. Nagdilim ang paningin ni Adwayan, sumabog ang kanyang damdamin, sa kanyang galit sinugod niya ang heneral, ngunit mabilis ang heneral, tinawag nito ang kanyang gabay diwa.
"Ruphust!!!"
At isang hawla ang kumulong kay Adwayan, hinigop nito ang kapangyarihan ni Adwayan. Nakiusap naman ang heneral na dingin muna siya ng mga ito bago siya husgahan.
"Pachnea, walang dapat dingin sa mga tulad mong Adian, ilang encantada na ba ang pinatay ng iyong mga kamay" tanong ni Adwayan
"At ilang Adian na rin ba ang nakitlan mo ng buhay?" tanong naman ni Dobleras
"Kung anong dahilan mo kung bakit mo nagagwang kumitil ng Adia, ay siya rin ang dahila ko kung bakit ako kumikitil ng buhay ng encatada, walang tama rito o mali, kung gaano mo nais na ipagtangol ang lahi ng encatada ay ganoon din ang nais ko upang ipagtangol ang karangalan ng Adia, kung paano mo sinusunod ang utos ni Emre ay ganoon ko rin sinusunod ang utos ni Arde, sabihin mo anong pinagkaiba ng ating hangarin" dagdag na tanong ni Dobleras
"Marahil ay tama ka, ngunit mula ka pa rin sa panig ng kalaban ng lahi namin, bigyan mo kami ng dahilan upang dingin ang iyong nais sabihin" wika ni Andoras habang nakahandang bunutin ang kanyang espada.
"Dahil may dala akong impormasyong malaki ang maidudulot sa digmaang ito" seryosong sabi ni Dostemar
"Bago ang lahat ay maari mo bang pakawalan si Adwayan?" wika ni Celestiya
"Kung maipapangako niyang hindi na siya mangugulo ay maari kong gawin ang bagay na iyon" sabi ni Dobleras
Sumang-ayon naman si Adwayan, nais niya ring marinig ang sasabihin ni Dobleras
"Ilang pihit ng araw at pag-inog ng buwan na ang lumipas ng nagpakita ang bathalang si Arde kay Reyna Ferona at inutusan niyang pumunta ito sa kuweba ng Demioral at gisingin ang nilalang na natutulog doon" wika ni Dobleras
"Mahabaging Emre, Huwag mong sabihing tunay ang alamat ng bathalang si Ether" gulat na wika ni Liyebres
"Tunay na tunay ang alamat, marahil ay naramdaman niyo ang nag-uumapaw na kapangyarihan mga ilang sandali lamang ang lumipas, wala ang reyna sa kaharian at marahil ang kapanyarihang iyon ay ang kapangyarihan ng katawang tao ni Ether" saad ni Dobleras
"BAkit mo sinasabi sa amin an g impormasyong ito?" tanong ni Celestiya
"Naramdaman niyo naman siguro ang kapangyarihang nag-uumapaw kanina, wala sa kahariang ito ang kayang pumigil sa kapangyarihang iyon, at kung tunay ang alamat, ipagpapatuloy nito ang hangaring muling ibangon ang kaharian ng Etheria, isang bagay na hindi masisikmura ng aming lahi" wika ni Dobleras
Iyon lamang at lumisan na si Dobleras, Nagmamadali ito sapagkat ayaw nitong makahalata ni katiting ang Reyna na hindi siya sang-ayon sa plano nito.
Nagtuloy na rin sila sa kanilang lakbayin, nais nilang marating ang Lampara ni Elestria, bukas na bukas din, hindi na sila nagpahinga ng dumating na gabi at tuloy pa rin sila sa paglalakbay, wala na silang panahon upang magpahinga.
Kinabukasan nga ay narating nila ang lugar ni Elestria, ngunit hindi tulad ng ibang kastilyo ay tila pinayagan silang makapasok lahat sa gusali. At ng marating nila ang pasilyo ng kandila ay nagpakita ang Hasan na si Elestria.
"Ano ang ginagawa ng mga sinugo sa aking kaharian? tanong ni Elestria
"Narito kami upang hingin ang iyong brilyante, ang brilyante ng liwanag" saad ni Andoras
"Ngunit wala na sa aking ang brilyante, ang brlyante ay naipamana na sa taong karapat-dapt na mag-may-ari nito labing limang gabi na ng diyos ang nakalipas" saad ni Elestria na ikinamangha ni Andoras
Ang kanilang huling pag-asa na magapi ang brilyante ng kadiliman ay tila lumabo na
"Hindi ako ang gumabay sa iyong paglaki Andoras kundi ang magiting na hari na si Haring Ybrahim, tumungo ka sa kanyang kastilyo, at kunin ang brilyante ng puso ni Haring Ybrahi kasama ang Espadang pinanday ni Bathalang Emre" wika ni Elestria
"Brilaynte ng puso, tila hindi nabangit sa kasaysayan ang brilyanteng iyon, ano ang maaring maidulot sa amin ng brilyanteng iyon" tanong ni Liyebres
Bumaling si Elestria kay Liyebres at nadama ang isang kakaibang bagay kay Liyebres, ngunit isinawalang bahala niya ito.
"Ang brilyante ng puso ay may kakayahang tawagin ang apat na sangre ng unang panahon, may kakayahan itong tawagin ang makakapangyarihang encantada" wika ni Elestria
Nabuhayan sila ng loob, marahil ay magkakaroon sila ng laban sa oras na mapasakamay nila ang brilyanteng iyon, dali-dali silang nagpasalamat kay Elestria, baon ang isang pag-asa, ngunit hindi pa rin mawala sa isip nila ang nakatangap ng brilyante ng liwanag, Nagmungkahi si Liyebres na pumunta sa guho ng Lireo, katatagpuin niya sila reyna Raflesia at doon ay ibabahagi niya ang mga mahahalagang impormasyong natangap nila, at kasama na doon ang brilyante ng liwanag, ang pagbangon ng kaharian ng Etheria at ang pagbaba ng 4 na sangre.
Susunod:
Brilyante ng kadiliman o brilyante ng liwanag
dalawang mukha sa iisang brilyante

Huwebes, Agosto 11, 2011
Sulat mula kay domino.Sulat mula kay domino.
Avisala mga mahal na mambabasa, ang aba niyong lingkod ay humihingi ng paumanhin kung bakit walang bagong kuwento sa kadahilanang ako po ay nasa bakasyon, ang susunod na i-post ko ay sisiguraduhin kong ang pinakamahabang post na alamat ng enca. Salamat po.
Martes, Agosto 2, 2011
Labanan sa setro Pt 31
Nagdesisyon ang grupo nila Adwayan na bumalik sa kagubatan ng Letre at doon ay humingi ng gabay at patnubay hingil sa mga susunod nbilang hakbang, nag-aalala sila na baka hindi na lamang mga heneral ang tumugis sa kanila. baka sa susunod ay mga batalyon na ng kawal ng Adian ang sumalubong sa kanila.
Inabot sila ng 3 pihit ng kalahating buwan bago narating ang tagong lugar.
"Mahabaging Emre" tanging nasambit ni Ravenum sa kanilang nadatnan
Ang dating lugar na punong puno ng pag-asa ay wala na, nagtipon dito ang daang bangkay ng encantada at ang iba naman ay sugatan, tila nawasak ang lugar ng isang delubyo. Dali dali nilang nilapitan ang isang encantada upang magtanong hingil sa kung anong nangyari sa lugar.
"Anong nangyari dito?" tanong ni Celestiya
"Sinugod kami ng dalawa sa mga heneral ng Adia" anang encantada]
"Libong encantada ang nandito, sinasabi mo bang nagawa kayong magapi ng dalawang Adian lamang?" manghang manghang tanong ni Andoras
"Isang Adian lamang, ang isang heneral ay isang encantada sapagkat nasa kanya ang brilyante ng kadiliman" takot na sabi ng encantada
Kinilabutan sila Onestes sa narinig, ang kanilang pinangangambahang mangyari ay nangyari na nga. Nasa kamay ng kalaban ang brilyante ng kadiliman.
"Walang gaanong ginawa ang heneral na may hawak ng brilyante ng kadiliman, mag-ingat kayo sa isang heneral, hawak niya ang brilyante ng kamatayan, siya rin ang batang gumapi noon kina Reyna Helmechia sa digmaan sa lupain ng Redentor" babala ng encantada
"Nasaan si Reyna Raflesia" tanong ni Celestiya sa encantada
"Nagawa nilang makatakas, nagtitipon sila ngayon sa guho ng Lireo" anang encantada
Sinamo ni Adwayan ang brilyante ng lupa, hiniling niya dito na pagalingin ang mga sugatang encantada, noong oras din na iyon ay umulan ng talulot mula sa bulaklak ng Floria at gumaling ang mga encantadang sugatan.
"Lisanin niyo na ang lugar na ito at tumungo sa lugar nila Reyna Raflesia" utos ni Liyebres
"Oras na upang puntahan natin ang tore ng liwanag, tanging ang brilyante ng liwanag ni Hasan Elestria ang makagagapi sa brilyante ng kadiliman" saad ni Andoras
...........
Sa lugar naman ni Reyna Ferona
Dali-daling isinuot ni Reyna Ferona ang kanyang baluti at nagtungo sa kuweba ng Demioral, suot suot niya rin ang tiara ng Adia, naghahanda sa pagising sa kanyang bagong kakampi.
Tinahak niya ang daan ng Aspesio, walang gaanong gumagamit ng daan na ito, sapagkat pinaniniwalaang may dalang sumpa ang lugar na ito, tinahak niya ito sa kadahilanang ayaw niyang malaman ng karamihan na wala siya sa kanyang kaharian.
Sa pag-inog ng itim na buwan ay mararating na niya ang kuweba.
Dumating nga ang gabing iyon, ang kuweba ay nahahati sa maraming daan, tila imposible ng makalabas, Sinundan lamang ni Ferona ang nadarama niyang kakaibang kapangyarihan, hangang sa natunton niya ang isang dalagang nababalot sa isang krystal, Sinubukan niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan upang basagin ang krystal ngunit walang nangyari. Mula sa kawalan ay lumitaw ang bathalang si Emre, at sinabing ang tangin makakasira ng krystal ay ang kapangyarihan ng dalagang nakakulong.
Inutusan siya ni Ardeng gamitin ang kanyang gabay diwa upang pumasok sa krystal at tangkain paslangin ang dalaga, maglalabas ng pandepensang kapangyarihan ang dalaga at doon ay mawawasak ang krystl ngunit mamamatay ang iyong gabay diwa.
Hindi na nagdalawang isip si Ferona ginawa niya ang iminungkahi sa kanya ni Arde.
"Debonaire!" wika ni Ferona lumitaw ang dilim
na bumalot sa lahat ng sulok kuweba.
Tila isang aninong pumasok ang dilim sa loob ng krystal,puntirya nito ang puso ng dalagan nakakulong dito, ngunit bago pa ito sumapit sa puso ng dalaga ay bumuhos ang isang napakalakas na kapangyarihang tumunaw sa dilim, nabasag ang krystal, namangha si Ferona sa namalas na lakas ng kapangyarihan.
"Huwag kang matako Ferona, iaalay ko sa iyo ang isa sa aking 7 banal na gabay diwa, tawagin mo siyang Mephisto" ani Arde
Naguumapaw ang kapangyarihan ng dalagang lumabas mula sa krystal
"Sinong Pachnea ang gumising sa aking pagkakahimbing?"

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)