Miyerkules, Agosto 17, 2011

labanan sa setro pt 33

Nagpatuloy sila sa paglalakbay, wala silang ideya kung saan makikita ang kastilyo ni Haring Ybrahim, magbabakasakali silang sa kastilyo rin ni Reyna Amihan matatagpuan ang brilyanteng yaon, sa kadahilanang si Amihan ang naka-isang dibdib ng Hari.

Nagdesisyon si Liyebres na humiwalay muna sa grupo at tumungo papunta sa kinaroroonan nila Reyna Raflesia.

Samantala sa Adia...

Nakarating na sa palasyo sila Reyna Ferona, ipinatawag niya ang kanyang mga natitirang heneral, ngunit tulad ng dati ay hirap pa rin siyang pasunurin ang isa sa kanyang mga heneral si Hen. Reema.

"Nasaan ang Heneral ng ika-lawang debisyon?" tanong ni Reyna Ferona

"May mahalaga daw pong dapat gawin ang heneral" wika ng isang Adia na tumayong kapalit ni Hen. Reema pansamantala.

"Ang pachneang heneral na iyon, sumasakit na talaga ang ulo ko sa kanya, hindi bale, hindi na importante ang bagay na iyon, Narito nga pala ang bagong heneral, siya ang papalit sa upuang binakante ni Jugo ipinakikilala ko si Iona" anang Reyna

"At ano naman ang gagawin natin sa iba pang bakanteng upuan ng heneral?" tanong ni Heneral Caleb

Tumayo si Iona at nagpaliwanag

"Gagamitin ko ang isa sa mga pinagbabawal na paraan, na nangangailangan ng buhay na katawan ng isang maharlika, narinig kong marami ang nakatira sa ating bilanguan" wika ni Iona

"At ano naman ang binabalak mo?" tanong naman ni Dobleras

"Bubuhayin ko ang 4 na Hera ng unang panahon at gamit ang kanilang gabay diwa ibabangon namin ang 4 na Heran ng Etheria" pagmamalaking sabi ni Iona

"Ngunit iba ang bathalang sinamba ng Etheria, ayon sa alamat ay si Ether ang sinamba ninyong panginoon" pagtutol ni Dobleras

"Ang Bathalang Ether ay ipinatapon sa lupa matapos ang digmaan, kung naniniwala ka sa alamt ay nakikipag-usap ka ngayon sa kanyang katawang lupa" ani Ferona

"Titipunin natin ang lahat ng bilangong encantada, ilalagay sa unang depensa ng digmaan, at tayo'y manonood sa pagpapatayan ng magkaparehong lahi" dagdag pa ni Ferona

"Paano kung mag-aklas sila?" tanong ni Caleb

"Gagamitin ni Heneral Ciero ang kanyang gabay diwa, at ang lahat ng magtaksil ay makikitlan ng buhay" sabay taw ni Ferona
................

Sa paglalakbay naman ng 5 ay natigilan sila sa isang walang malay na lalake sa kanilang daan. Huminto sila at tinulungan ang nilalang.

"Anong nangyari sa iyo bakit ka nandito at nag-iisa?" tanong ni Ravenum

"Ang ngalan ko ay Qiero, lumipad kami ng aking mga maglang patungo dito sapagkat hinahabol kami ng mga Adia, sa kasamang palad ay nagkahiwalay hiwalay kami at ako nga ay napunta dito" ani Qiero

"Hangang saan ba ang kasamaan ng ng mga Adia" galit na wika ni Adwayan

"Siguro ay sumama ka muna sa amin, marahil ay naroon ang pamilya mo sa ugar ng mga encantada, matapos ang aming paglalakbay ay balak din naming pumunta roon, delikado kung ikaw lamang mag-isa dito" ani Celestiya

"Salamat at napakabuti ninyo, kahit hindi niyo ako kilala ay tinulungan niyo ako" wika ni Qiero

"Kahit na sino kung nangangailangan ng tulong ay dapat tulungan" ani Andoras

"Heto ang inumin at pagkain kailangan mong bawiin muna ang lakas mo bago tayo magpatuloy sa paglalakbay" wika ni Onestes

"Paumanhin at tila naging pabigat pa ako sa paglalakbay niyo" saad ni Qiero

"Huwag kang mag-alala, malayo na rin naman ang aming nilakbay, at sa tingin ko ay kailangan na namin ng pahinga, at kaw rin huwag mo kaming intindihin masaya kami at nakaligtas ka" wika ni Onestes

Nagulat si Qiero sa kabutihang pinakita ng 5 sa kanya. Minasdan niya ang 5 na nagpapahinga sa di kalayuan at dumistansiya siya ng kaunti, lumitaw mula sa kamy ni Qiero ang itim na brilyante, hihintayin niyang makatulog ang 5 bago niya babawian ng buhay ang mga ito. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may kumislap na maliit na liwanag sa brilyante, dala marahil ng kabutihang ipinakita ng 5 sa kanya.

Susunod:

Ang kastilyo ng Espada at Hangin
Paghahanda sa malking digmaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento