Sabado, Agosto 13, 2011

Labanan sa Setro Pt 32

Nagsimulang magbaksakan ang mga haligi ng kuweba dahil sa lakas ng enerhiyng lumalabas sa nilalang. Umatras si Reyna Ferona at naghanda sa inaasahang pagatake ng kaharapa na nilalang. Tunay nga ang sinabi ni Arde, napakalakas nito.

"Hindi mo alam ang ginagawa mong kahangalan, ikinulong ko ang sarili ko sapagkat nagdudulot ako ng kapahamakan at kamalasan sa lahat ng nakapaligid sa akin, ang pinagkaloob sa aking kapangyarihan ay hindi ko magawang makontrol" anito

"Huwag kang mag-alala, sapat ang aking kapangyarihan upang ikaw ay pangalagaan" wika ni Ferona

"Kung gayon ay dapat mong patunayan ang winika mo, humanda ka sa gagawin ko" dagdag ng nilalang.

"Ako si Iona damhin mo ang aking kapangyarihan, ang kapangyarihan ng isang bathala

Mula sa dugo ng bathalang si Ether
Nilinang ng panahong naglibing sa nakaraan
mula sa mga guho ng magigiting na bayaning
ginupo ng mapagsamantalang kapangyarihan
Ang sibat ng Cielo
Ang pana ng Althea
Ang libro ng kaalaman ng Poler
Ang tanikalang rosas ng Distro
Gamit ang kapangyarihang yayanig sa kalupaan
Gamit ang kapangyarihang higit pa sa alamat ng sangre
damhin mo ang kamao ng Diyos

"DEVIORAL!!"

Nagdilim ang kalangitan, at yumanig ang lupa, tuluyan ng gumuho ang kuwebang kinaroroonan nila, sa lugar naman nila Ravenum ay naramdaman nila ang napakalakas na kapangyarihan, lumitaw ang brilyante ng lupa, tubig at apoy, at tila nangusap sa naramdamang kapangyarihan.

Tumama ng direkta kay Ferona ang nagngangalit na kapangyarihan ni Iona, ngunit pinrotektahan siya ng Tiara, lingid sa kaniyang kaalaman ay nagkaroon ng lamat ang ang tiara ng Adia sa kapangyarihang tumama sa kanya, ngunit sapat na ang nakita ni Iona upang paniwalaan si Ferona na ang nilalang sa kanyang harapan ay may kakayahang pumigil sa kanyang kapangyarihan. Hindi doon natapos ang lahat, Tinawag ni Ferona ang kanyang gabay-diwa.

MEPHISTO!!

Lumitaw sa kanyang daliri ang isang singsing. Ang singsing ni Mephisto ay may kakayahang mgabigay ng katuparan sa ninanais ng isip, kasama ang setro ni Camilla na may kakayahang magbigay ng ninanais ng puso, naisip ni Ferona na tila hawak na niya ang setro ni Esmeralda, walang brilyante ang kayang tumapat sa kanyang kapangyarihan.

Itinapat niya ang singsing kay Iona, isang kadena ng kapangyarihan ang tumama sa katawan ni Iona at napigil nito ang nag-uumapaw na kapangyarihan.

"Maghanda ka Iona, pababagsakin natin ang mga nilalang na lumipol sa iyong lahi, ang lahi ng encantada" wika ni Ferona.

.....................

Sa dako naman nila Andoras

Matapos mapagaling ni Adwayan ang mga encantada ay humayo na sila sa kanilang lakbayin, nag-aalala sila na masundan pa ang mga pangyayari hangat wala sa kanila ang brilyante ng liwanag.

Ngunit sa daan papunta sa lugar ni Elestria ay hinarang sila ng isang taong nagngangalang Dobleras.

"Hindi ba't ikaw ang isa sa mga heneral ng Adia na si Dobleras" tanong ni Liyebres

Naulinigan ni Adwayan ang kanyang pangalan at naalala ang pangyayari sa bahay panuluyan, siya ang heneral na nagpasunog sa bahay panuluyan. Nagdilim ang paningin ni Adwayan, sumabog ang kanyang damdamin, sa kanyang galit sinugod niya ang heneral, ngunit mabilis ang heneral, tinawag nito ang kanyang gabay diwa.

"Ruphust!!!"

At isang hawla ang kumulong kay Adwayan, hinigop nito ang kapangyarihan ni Adwayan. Nakiusap naman ang heneral na dingin muna siya ng mga ito bago siya husgahan.

"Pachnea, walang dapat dingin sa mga tulad mong Adian, ilang encantada na ba ang pinatay ng iyong mga kamay" tanong ni Adwayan

"At ilang Adian na rin ba ang nakitlan mo ng buhay?" tanong naman ni Dobleras

"Kung anong dahilan mo kung bakit mo nagagwang kumitil ng Adia, ay siya rin ang dahila ko kung bakit ako kumikitil ng buhay ng encatada, walang tama rito o mali, kung gaano mo nais na ipagtangol ang lahi ng encatada ay ganoon din ang nais ko upang ipagtangol ang karangalan ng Adia, kung paano mo sinusunod ang utos ni Emre ay ganoon ko rin sinusunod ang utos ni Arde, sabihin mo anong pinagkaiba ng ating hangarin" dagdag na tanong ni Dobleras

"Marahil ay tama ka, ngunit mula ka pa rin sa panig ng kalaban ng lahi namin, bigyan mo kami ng dahilan upang dingin ang iyong nais sabihin" wika ni Andoras habang nakahandang bunutin ang kanyang espada.

"Dahil may dala akong impormasyong malaki ang maidudulot sa digmaang ito" seryosong sabi ni Dostemar

"Bago ang lahat ay maari mo bang pakawalan si Adwayan?" wika ni Celestiya

"Kung maipapangako niyang hindi na siya mangugulo ay maari kong gawin ang bagay na iyon" sabi ni Dobleras

Sumang-ayon naman si Adwayan, nais niya ring marinig ang sasabihin ni Dobleras

"Ilang pihit ng araw at pag-inog ng buwan na ang lumipas ng nagpakita ang bathalang si Arde kay Reyna Ferona at inutusan niyang pumunta ito sa kuweba ng Demioral at gisingin ang nilalang na natutulog doon" wika ni Dobleras

"Mahabaging Emre, Huwag mong sabihing tunay ang alamat ng bathalang si Ether" gulat na wika ni Liyebres

"Tunay na tunay ang alamat, marahil ay naramdaman niyo ang nag-uumapaw na kapangyarihan mga ilang sandali lamang ang lumipas, wala ang reyna sa kaharian at marahil ang kapanyarihang iyon ay ang kapangyarihan ng katawang tao ni Ether" saad ni Dobleras

"BAkit mo sinasabi sa amin an g impormasyong ito?" tanong ni Celestiya

"Naramdaman niyo naman siguro ang kapangyarihang nag-uumapaw kanina, wala sa kahariang ito ang kayang pumigil sa kapangyarihang iyon, at kung tunay ang alamat, ipagpapatuloy nito ang hangaring muling ibangon ang kaharian ng Etheria, isang bagay na hindi masisikmura ng aming lahi" wika ni Dobleras

Iyon lamang at lumisan na si Dobleras, Nagmamadali ito sapagkat ayaw nitong makahalata ni katiting ang Reyna na hindi siya sang-ayon sa plano nito.
Nagtuloy na rin sila sa kanilang lakbayin, nais nilang marating ang Lampara ni Elestria, bukas na bukas din, hindi na sila nagpahinga ng dumating na gabi at tuloy pa rin sila sa paglalakbay, wala na silang panahon upang magpahinga.

Kinabukasan nga ay narating nila ang lugar ni Elestria, ngunit hindi tulad ng ibang kastilyo ay tila pinayagan silang makapasok lahat sa gusali. At ng marating nila ang pasilyo ng kandila ay nagpakita ang Hasan na si Elestria.

"Ano ang ginagawa ng mga sinugo sa aking kaharian? tanong ni Elestria

"Narito kami upang hingin ang iyong brilyante, ang brilyante ng liwanag" saad ni Andoras

"Ngunit wala na sa aking ang brilyante, ang brlyante ay naipamana na sa taong karapat-dapt na mag-may-ari nito labing limang gabi na ng diyos ang nakalipas" saad ni Elestria na ikinamangha ni Andoras

Ang kanilang huling pag-asa na magapi ang brilyante ng kadiliman ay tila lumabo na

"Hindi ako ang gumabay sa iyong paglaki Andoras kundi ang magiting na hari na si Haring Ybrahim, tumungo ka sa kanyang kastilyo, at kunin ang brilyante ng puso ni Haring Ybrahi kasama ang Espadang pinanday ni Bathalang Emre" wika ni Elestria

"Brilaynte ng puso, tila hindi nabangit sa kasaysayan ang brilyanteng iyon, ano ang maaring maidulot sa amin ng brilyanteng iyon" tanong ni Liyebres

Bumaling si Elestria kay Liyebres at nadama ang isang kakaibang bagay kay Liyebres, ngunit isinawalang bahala niya ito.

"Ang brilyante ng puso ay may kakayahang tawagin ang apat na sangre ng unang panahon, may kakayahan itong tawagin ang makakapangyarihang encantada" wika ni Elestria

Nabuhayan sila ng loob, marahil ay magkakaroon sila ng laban sa oras na mapasakamay nila ang brilyanteng iyon, dali-dali silang nagpasalamat kay Elestria, baon ang isang pag-asa, ngunit hindi pa rin mawala sa isip nila ang nakatangap ng brilyante ng liwanag, Nagmungkahi si Liyebres na pumunta sa guho ng Lireo, katatagpuin niya sila reyna Raflesia at doon ay ibabahagi niya ang mga mahahalagang impormasyong natangap nila, at kasama na doon ang brilyante ng liwanag, ang pagbangon ng kaharian ng Etheria at ang pagbaba ng 4 na sangre.

Susunod:
Brilyante ng kadiliman o brilyante ng liwanag
dalawang mukha sa iisang brilyante

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento