Martes, Agosto 23, 2011

Labanan sa setro PT 34

Dumating si Liyebres sa lumang kastilyo ng Lireo, Itinayo itong muli gamit ang kapangyarihan ni Haring Lumeno, malayo ang lugar na ito sa kinasasakupan ni Reyna Ferona, nadatnan ni Liyebres na abala ang lahat, naghahanda sa isang malaking pulong na gaganapin kasama ang kaharian ng Davinas. (Matatandaag nagkaroon ng hidwaan ang dalawang kaharian matapos ang labanan sa matapos ang digmaan sa matayog na kastilyo ng Davinas, ngunit nagkaroon ng kasunduan ang dalawa na ibagsak ang kastilyo ng Adia, dahil sa nabalitaan ng Davinas ang plano nito)
Hindi nag-aksaya ng panahon si Liyebres, tinungo niya si Reyna Raflesia at agad ibinahagi ang nakalap na balita.

"Naghahanda na sa isang malaking digmaan ang Adia, balak nilang ibangon ang kaharian ng Etheria at ang 4 na Heran gamit ang kapangyarihan ng sinasabing katawang lupa ng huwad na bathalang si Ether" ani Liyebres

"Tatapatan natin ang puwersang iyon ng atingkapangyarihan at ng kaharian ng Davinas" wika ni Ferona

"Ngunit ang tantiya ko sa magiging kabuuan ng kanilang mga kawal ay sa higit isangdaang libo at sa atin kasama na ang davinas ay higit 80 libo lamang" pagaalala ni Liyebres

"Gagamitin ko ang orasyon ng Veolia" wika ni Haring Lumeno

"Orasyon ng Veolia? Ngayon ko lamang ata narinig ang orasyon na iyan" tanong ni Raflesia

"Isa ito sa nawalang orasyon ng lumang panahon, sinasamo nito ang mga kawal ng Devas, ngunit nangangailangan ito ng ilang kondisyon bago maisakatuparan ang orasyon" paliwanag ni Lumeno

"Ano ang mga kondisyon?" tanong ni Liyebres

"Ang piraso ng luha ni Emre, sa kabuuan ay may 5 piraso ng luha na bubuo sa susi ng Mulukaru na sumasamo sa kawal ng Devas sa aking matagal na paglalakbay ay natipon ko na ang 4 sa limang luha, ang huling luha ay sinasabing sinama ni Cassiopeia sa loob ng kanyang libro" ani Lumeno

"Ngunit nasa mga Adia ang libro ni Cassiopeia" saad ni Raflesia

"Kailangan nating mabawi ang libro kasama na ang babaylang si Orke, tanging siya ang nakakaintindi ng libro ni Cassopeia, marahil ay maiintindihan niya kung paano makukuha sa loob ng libro ang huling patak ng luha ni Emre" saad ni Lumeno


Bumukas ang pinto ng pasilyo ng kastilyo.

"Paumanhin po mahal na Hari at Reyna, ang Hari kasama na ang kinatawan ng Davinas ay dumating na" wika ng kawal

"Salamat sa impormasyon kawal, ihanda na ang silid na pagpupulungan, Liyebres sumama ka sa amin sa pulong na ito, bigyan mo kami ng impormasyon hingil sa pinakabago tungkol sa mga tagapag-ligtas" ani Raflesia

Tumungo agad-agad ang 3 sa silid na pagpupulungan, narito ang Hari ng Davinas kasama na ang 2 niyang tagapagbantay at 2 kinatawan.

"Maligayang pagdating sa Lireo Haring Ynos" ani Lumeno

"Matagal ko ng pinangarap na makatuntong sa kahariang tinahanan ng maalamat nating ninuno, at ngayong nadatnan ko na ay tila nananaginip pa rin ako" wika ni Ynos

"Ang mga haligi ng kastilyong ito ay naging saksi sa maaalamat na digmaan, pinrotektahan nito ang mga encantadang nanahan dito, at muli ay hihilingi natin sa mga pader nito na muli tayong protektahan sa nalalapit na digmaan" wika ni Raflesia

"Nakarating sa aming impormasyon ang tangakang pagsakop ng Adia sa dulong hilaga ng bayan ng Davinas at hindi kami makapapayag na muli itong mangyari, hindi sana siya nagiging ganito kalakas kung hindi lamang dahil sa setro ni Reyna Camilla" anang isang kinatawang nagngangalang Igneel

"At hindi rin sana sila magkakaroon ng lakas ng loob na lumaban kng hindi lamang sila kinupkop ng Davinas" ani Liyebres

"Sheda!! narito tayo upang pagusapan ang digmaan laban sa Adia hindi ang pagtalunan kung kaninong kasalanan ang mga pangyayari, ang matatalo sa digmaan ang magiging mali at ang mananalo ang tama" wika ni Raflesia

"Tama siya, sa ngayon ay wala pang tama o mali sa nagaganap, may dahilan sila upang lumaban at may sariling dahilan din ang ating lahi, kung sino ang wasto ay kukumpirmahin matapos ang digmaan" wika ni Ynos

"Mahal na haring Ynos, nakakaramdam ako ng isang kakaibang kapangyarihan sa paligid, isang sinaunang puwersa" wika ng isa sa mga tagapagbantay ni Ynos

"Isang sinaunang nilalang sa paligid? Marahil ay binabantayan tayo ng ating mga ninuno sa mga guhong ito, hindi ba't magandang pangitain ang bagay na iyon?" wika ni Liyebres

"Hindi isang encantada ang nararamdaman ko, isang kakaibang nilalang ngunit unti unti na itong nawala, marahil ay nalaman nitong napansin natin siya" wikang muli nito.

"Ipatawag ang mga kawal, at sabihing halughugin ang bawat sulok ng kastilyo, dalhin dito ang nakikitang kahinahinala" utos ni Haring Lumeno

"Hindi kaya natupad na ang binabalak ng Adia" wika ni Liyebres

"Anong balak ng Adia ang sinasabi mo" tanong ni Igneel

"Nasa kamay na ng Adia ang sinasabing katawang tao ng bathalang Ether, at kung hindi ako nagkakamali ay binabalak nilang ibangon ang kaharian ng Etheria." wika ni Raflesia

"Plano naming isamo ang kawal ng Devas upang tapatan ang pwersa ng Etheria" wika ni Lumeno

"Hindi iyon magiging sapat, iapatawag ko ang isang daang babaylan ng Davinas upang pakawalan sa kanilang pagkakahimlay ang mga halimaw ng Cipherno.

"Ang mga halimaw ng sinaunang panahon?...............

Susunod:

Ang ilog ng katotohanan
Isang malaking kasinungalinan ng Adia sa brilyante ng liwanag

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento