Lunes, Hunyo 27, 2011

Labanan sa setro Pt 17

Ang lugar na pinangyarihan ng matinding pagsabog ay hindi pa humuhupa, nanatili itong nagliliyab tila may harang na apoy, takang taka si Gamillo sa nangyayari. Ngunit hindi si Ravenum, nasa loob siya ng harang na apoy, kausap niya doon si Hasan Pirena.
"Ipinamalas mo sa akin ang matinding tibay ng iyong puso, ang pagmamalasakit mo para sa mga kaibigan na handang ialay kahit ang sariling buhay ang tibay ng loob mo, makapangyarihan ang brilyante ngunit dumedepende iyon sa nagmamay-ari nito, kung ang nagmamay-ari ay isang mahinang loob, ang brilyante ay mawawalan ng saysay, ngunit kung ang nagmamay-ari ay isang mandirigmang buo ang loob at handang magsakripisyo, higit pa itong magiging makapangyarihan. Pinatunayan mong karapat dapat ka para magmana ng brilyante ng apoy, humayo ka at sagipin ang encantadia, Alalahanin mong sa araw na tumalikod ka sa iyong malinis na puso, bababa ako mula sa Devas upang disiplinahin ka, Naintindihan mo ba? Paalala ni Pirena.
"Opo, makakaasa po kayong gagamtin ko ang brilyante para sa karangalan ng lahing encantada" pangako naman ni Ravenum
Yun lang at muling naglaho si Pirena.
Manghang mangha pa rin sila Andoras sa pagsabog, hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak si Adwayan, maya maya'y namalas nila ang isang nilalang na lumalabas mula sa apoy, nagliliyab ang buo nitong katawan. Napagtanto nilang ito si Ravenum, isang kumpas ni Ravenum ay nawala ang apoy, Ibinuka niya ang kanyang palad at mula dito ay lumitaw ang nakakasilaw na brilyante ng apoy, Manghang mangha ang lahat sa nakita, mula sa brilyante ay tila humugot ng sandata si Ravenum at nakuha ang makasaysayang palaso ni Furias, ang ikaapat na gabaydiwa ng brilyante ng apoy. Sumugod si Gamillo na hindi na alam ang gagawin, ngunit bago pa siya makaabot kay Ravenum ay tumama na sa kanya ang nagliliyab na pana, apoy na hindi maapula, ang apoy ni Pirena na titigil lamang kapag wala ng buhay ang tinamaan nito.
Nanatiling nakatayo si Gamillo, ngunit nagliliyab, nagsisigaw sa hapding nadarama, hanggang bumagsak na ito ng tuluyan.

Naalala ni Ravenum si Reyna Helmechia, nandoon ito sa kulay itim na harang. Iminungkahi ni Andoras na sunugin ni Ravenum ang loob ng harang ngunit pinigilan sila ni Onestes at sinabing baka madamay si Helmechia sa gagawin ni Ravenum, wala silang magagawa kundi ang maghintay.

Sa loob ng harang na itim ay wala pa ring magawa si Helmechia, hindi niya na alam kung ilang sugat bna ang natamo niya o kung buhay pa ba siya. Naging desperado siya, wala ng ibang paraan kundi ang sambitin ang isa sa pinagbabawal na sumpa, ang sumpang kapalit ay ang sariling buhay.

"Tinatawag ko ang sinaunang salamangka
Ang kapangyrihan ng mga sinaunang diyos at diyosa
Binasabasan ng mga elemntong kinaloob ng bathala
Dingin niyo ang panalangin ng inyong nilikha, mahal na emre
Gamit ang sarili kong buhay
Binubuksan ko ngayon ang Pintuan ng Devas"

Hindi inakala ni Dostemar na gagawin ni Helmechia ang desperadong pag-atake na iyon, alam niyang isang makpangyarihang encantada lamang ang makasasambit ng mga pinagbabawal na sumpa, at ito siya sa harapan ng isang duguang Reyna ng encantadia, na binuksan ang pintuan ng Devas.
Isang makinang na pintuan ang bumukas, nagliwanag sa loob, nawalan ng bisa ang kapangyarihan niya, mula sa pintuan ay lumabas ang isang malaking kamay at tumama kay Dostemar upang kunin ang kanyang kaluluwa, Ganoon din ang nangyari kay Helmehia ngunit hindi tulad ni Dostemar na naagnas ang katawan, si Helmechia ay naging paruparu, isang magandang pangitain na may pag-asa pang muli siyang mabuhay. Ngunit hindi iyon alam ng mga mandirigmang naghihintay sa labas ng harang.

Naglaho ang itim na harang, ngunit sa kanilang pagtataka ay wala ni isang katawan silang nakita. Walang Helmechia walang Dostemar, hindi nila maipaliwanag ang nangyari. Mula sa likod nila ay narinig nila ang isang nilalang na bumibigkas ng sumpa lumingon sila at nakitang ang nagliliyab na katawan ni Gamillo. Hindi na pinatapos ni ravenum ang sumpa at muling sinilaban ang katawan niya, sumigaw si Gamilo sa hapdi ng naramdaman.
"Huwag kang magmalaki dahil lamang hawak mo na ang brilyante ng apoy, ang natitirang 10 heneral ay may kanya kanya ring hawak na brilyante na higit na makapangyarihan sa inyo, hindi ba nabangit ni Helmechi sa inyong ang nakaharap nilang bata sa digamaan sa lupain ng Ravenum, isa lang siya sa mga heneral ang hawak niya'y ang brilyante ng kamatayan. Sinisigurado kong wala kayong laban sa kanila, lalo nat patay na si Helmechia" hahahah" pagbabanta ni Gamillo.
Nairita si Ravenum sa narinig kay Gamillo inilahad muli niya ang kanyang palad at muling lumitaw ang brlyante ng apoy, at naging abo si Gamillo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento