Mataas na ang araw ng magising si Andoras, sa pagtataka niya ay naghilom na ang kanyang mga sugat, nagtaka rin si Aquila sa kadahilanang hindi naman siya ang may gawa noon, tinangi din ni Adwayan ang bagay na iyon, Ngunit sa totoo ay kagagawan yon ni adwayan na mismong siya ay kinagulat nya rin, Nais niyang ilihim ang bagay na iyon hangat hindi niya pa lubusang nauunawaan ang kakayahan niyang iyon.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay, ang susunod na bayan ay mula sa angkan ng mga nuno at duwende, kabilang dito ang angkan ng Akor, pakay nilang kunin si Ravelum, bago pa man sila makapasok ng bayan, ay nagtanong na si Adwayan kung para saan ba at naglalakbay sila, wala siyang alam sa babae, at siya ay pangkaraniwang engkantada lang, wala namang pakialam si Andoras, basta makakakitil siya ng buhay ng ilang sundalong Adian ay masaya na siya, sundalong Adian kasi ang kumitil sa nanay-nanayan niya sa bundok ng Mustre. Tumugon si Aquila at sinabing may paniniwalang sila ang nabangit sa propesiya ng aklat ni Cassiopeia. Marahil ay nahihibang na si Aquila pakiwari ni Adwayan at Andoras, oo nga at may kakayahan si Andoras sa espada ngunit kung ikukumpara sa mga kapitan o heneral ay wala siyang panama, ang isang bayarang mamamaslang nga ay muntik niya ng ikamatay, lalo naman si Adwayan, na ang unang alam lang ay mangagat at mangkalmot, pasalamat na nga lang kay aquila at natuto siyang humwak ng armas ngunit alam niyang baguhan pa lang siya dito. Inisip na lang nila na baka malalakas ang iba pa nilang makakatagpo, ngunit mariing itinangi iyon ni Aquila, at sinabing mga bagito rin silang katulad ng 2. Isang malalim na buntong hininga ang sinukli ni Adwayan at sinabing nagpapakamatay sila.
Tumungo sila sa landas patungo sa angkan ng Akor, isang kasiyahan ang nagaganap sa buong bayan, alam nilang nagbalik na ang Reyna lalo na at mga lamang lupa sila, alam nila kung ang Reyna ng lupa ay nagbalik na, isang pulutong ng nagkakagulong mga Akor ang sumalubong sa kanila, tangan nila ang mga kayamanang ipon na inalay kay Aquila, laking pagtataka naman nila Adwayan at Andoras, nagkatinginan, sigurado na silang importanteng tao ang kanilang kasama, sa pagyuko ng mga Hollias, sa paggalang na ipinakita ng matandang babaylan ng bundok ng Mustre at ngayon sa lupain ng Romera sa piling ng mga Akor. Agad ipinakita ng mga Akor si Ravelum, binata na ito at makisig, may mga mata itong nagliliyab , may katangkaran, nakasuot ng pandigmang Akor, at panang binasbasan ng tunkod ni Imao. Magaling at asintado ang mga duwende at nuno, liumalaki kasi silang pana ang gamit sa paghanap ng mga pagkain, bagay na natutunan ni Ravelum. Alam na ng mga Akor ang pakay ni Aquila sa kanila, sinabi nilang hinanda na nila ang mandirigma sakaling kailanganin nila ito, ngunit ang kakayahan na nalaman niya ay sapat lamans para sa isang sundalong Akor, hindi kalakasan.
"Sapat na ang ginawa niyo, at maraming salamat" ang wika ni Aquila.
----
Sa lugar naman ng Adian ay nakarating kay Reyna Ferona ang pagkagapi ng bayarang mamamaslang na si Narvas, nagngangalit siya sa balitang natangap, tinawag niya ang 3 magkakapatid na kapitan, si Sipya ang nagtataglay ng kapangyarihan ng kamandag, si Mostar ang may angking kapangyarihan ng taong lobo, at si Camus na biniyayaan ng kakayahan ng pagkontrol.
Inutusan silang tugisin ang mga nilalang na pumaslang kay Navras, Sumangayon ang 3 at sinabing mas makakabuti kung magsasama sila ng isang engkantada, Hinayaan naman sila ng Reyna at sinabing isama ang kapitan na si Axillo ang engkantadang gumagamit ng kadena ng buhay. Sinama nila si Axillo hindi upang tulungan sila, sinama nila ito upang patunayan sa reyna ang kataksilan nito, alam ng tatlo na ito ang nagbibigay ng pagkain sa mga bilanggo, at ito rin ang nagdesisyong bigyan ng 20 minutong pahinga sa trabaho ang mga alipin. Kung hindi namn nila mapatunayan, ay papaslangin nila ito at sasabihing napaslang ng rebeldeng kinaharap nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento