Samantalang sa kagubatan ay nanatiling nakakubli si Ravenum, nagsimula ng maasar si Camus at ikinalat ang aura ng sinulid niya sa buong kagubatan, mistulang nabalutan ng sapot ang buong gubat. Tinamaan ng isa sa mga sinulidni Camus si Ravenum, dahilan upang malaman ni Camus kung saan nagtatago si Ravenum, humabi siya ng isang armas na gawa sa mga sinulid ng aura niya at sinugod ang punong kinatataguan ni ravenum, mablis namang nakaiwas si Ravenum papalayo sa puno, nawasak ang puno sa lakas ng pagatakeng ginawa ni Camus, Sinubukang gumanti ni Ravenum gamit ang kanyang pana ngunit naiwasan ito ni Camus, pati ang mga pana niya ay nababalot na rin ng sinulid kayat madaling nakokontrol ni Camus ang direksyon nito. Tila wala ng natitirang paraan si Camus kundi gamitin ang kapangyarihan ng pana. Sinambit niya ang sumpa ng kanyang gagamiting paraan.
"Hihiwa sa nipis ng dilim, daang palasong pinanday ng diyos, gamit ang patalim ng espadang Venul, gamit ang kalasag na Celestiyal, ang walang hangang kapangyarihan ng 4 na banal na diwata, sinasamo ko kayo gamit ang palasong gawa sa tungkod ng babaylang si Imao"
Kinilabutan si Camus alam niya ang sumpang yon, iyon ang pagtawag sa banal na kapangyarihan ng mga encantada. Humabi siya ng libong sibat na gawa sa kanyang sinulid at inutusan sumugod kay Ravenum,
"Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang tapusin ang sumpang ganyang kalakas?" wika ni Camus sabay ng kanyang pagsugod
"Huli ka na! Banal na Palaso!!" sigaw ni ravenum
Mistulang natunaw na yelo ang mga sinulid ni Camus, wala itong nagawa sa paraan na iyon. Si Camus ay humandusay, nawala ng malay.
Si Andoras naman ay nahihirapan kay Mostar, napakabilis nito, sumambit pa si Mostar ng isang sumpang mula sa angkan ng Adia,
"ikukubli ng dilim ng gabi ang liwanag ng pag-asa, ang mga mata ng diablo ay manonood sa kailaliman ng buwan, sa ngalan ng maalamat na orakulong matanda pa sa panahon, tinatawag ko ang pangil ni Holkias"
Pagkatapos mabigkas ni Mostar ang sumpa ay nagkaroon siya ng talong kamukha, apat na ngayon ang kakalabanin ni Andoras, sumugod ng sabay sabay ang apat at tinamaan saiya sa hita, hindi siya makatayo ngunit nagtaka siya, ang pagkakaalam niya ay apat ang sumugod ngunit isa lang ang naging sugat niya, napagtanto niyang ilusyon lang ang tatlo, ngunit paano niya malalaman kung sino ang tunay na Mostar, muli itong sumugod at kaliwang binti naman ang napinsala sa kanya.
"Pagpipirapirsuhin kita hangang sa hndi ka na makilala" saad ni Mostar
Nag-isip si Andoras ng maari niyang ipanlaban, hindi siya magaling sa sumpa lumaki siyang ang tanging alam niyang mahika ay ang mahikang Apoy ng liwanag ginagamit ito upang pansamantalang pinsalain ang paningin ng kalaban dahil sa sobrang liwanag ginagamit din ito upang magsilbing liwanag sa madidilim na lugar. Naisip niyang subukan ang mahikang ito, lumayo siya tinaas ang kamay at tinawag ang Apoy ng liwanag, nagsisigaw sa hapdi ng mata si Mostar, "kung inaakala mong mapipigilan mo ako sa pamamagitan ng pagpinsala ng aking paningin, nagkakamali ka dahil mas malakas ang pang-amoy ko" sabi ni Mostar at tinunton nito ang kinaroroonan ni Andoras gamit ang kanyang pang-amoy, tatpusin niya na ito, ngunit bago pa bumaon ang matatalim niyang ngipin kay Andoras ay bumaon na sa kanyang dibdib ang espada nito, Tinanong niya kung paano niya nalaman kung alin ang totoo sa mga ilusyon, sinabi ni Andoras na nahirapan siyang tukuyin kung alin ang totoo dahil sa madilim, ginamit niya ang liwanag at nakitang iisa lang sa 4 ang may taglay na anino at ito nga ang pinatamaan niya ng espada.
"Ngumiti si Mostar at nagpasalamat sa isang magandang laban ngunit sinabi rin nito na kung iyon lang ang kakayahan niya ay mahihirapan siyang makalapit sa Reyna, dahil sa mga heneral pa lamang ay mamatay na siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento