Wala sa sarili ang lahat, tila mga naligaw na pachnea ang mga ito, tunay ba ang narinig nila kay Gamillo at sadya bang wala na talaga si Reyna Helmechia, anong magagawa nilang mga bata lalo na at narinig nila kay Gamillo na may mga brilyante ang natitirang 10 heneral.
"Ano ng gagawin natin" ani Onestes
"Itutuloy natin ang sinimulan ni Reyna Helmechia, alam natin ang susunod na patutunguhan, kailangang hindi mawalan ng saysay ang pagkawala niya" sabi ni Ravenum.
"Madaling sabihin yan dahil nasa iyo na ang brilyante ng apoy, pero kami anong laban namin sa mga heneral, nakita mo kung paano kami pinaglaruan ng isang heneral na iyan, paano na lang ang iba na may hawak pang makapangyarihang brilyante" saad naman ni Adwayan
"Hindi dapat tayo panghinaan ng loob, Nabubuhay sa atin ang layunin ni Reyna Helmechia, ipagpatuloy natin" wika rin ni Andoras.
"Kung nabubuhay lamang sana ang Haring Lumeno, patnubayan niyo kami bathala" samo ni Onestes.
-----Balik tanaw-----
Oras na upang ipasa ni Reyna Camilla ang korona sa susunod na Reyna ng encantadia, marahil ay pagod na siya matapos ang labanan sa kastilyo ng Enehru, kailangan na ng encantadia ng bagong mamumuno.
Meron siang 3 anak, si Lucia, Helmechia, Raflesia. Si lucia ay piniling mamuhay ng normal na encantada, malayo sa marangyang buhay ng mga Sangre, nakipagisang dibdib siya sa isang primera klaseng mason ng kastilyo, na nagretiro matapos ang nasabing digmaan, si Raflesia ay sadyang napakabata pa upang pamahalaan ang encantadia.
Naisip ni Reyna Camilla na nararapat lamang na si Helmechia ang magmana ng kanyang pwesto, ngunit mula sa lugar na Adian at Pletoria ay may dalawang nag-aasam na makuha ang kanyang korona, isa si Ferona ang sinabing ang katuparan ng propesiya ng aklat ni Casiopeia na magiging bayani ng Adia hangang ngayon kasiy nananatiling alipin ang mga adian mga mabababang uri, kakaiba, hindi iniintindi, iba kasi ang kakayahan binigay sa kanila ng bathala ang kakyahang itim, kakayahang tumawid sa buhay at kamatayan, at si Expectra, ang kampeon ng lupain ng Pletoria.
Tumangi ang babaylan na isa na naman mula sa angkan ni Reyna Camilla ang mamuno, iminungkahi nilang ang papasa sa pagsubok na ibibigay ng mga pinuno ng nagkakaisang lupain ang hihiranging susunod na Rena ng Encantadia.
Ang naisip nilang pagsubok ay palabasin na ang setro ni Reyna Camilla ay kailangang bawiin mula sa mga kalaban, pinadala nila ang 3 para sa misyon kasama ang isa pang sundalo na si Gido upang magsilbing bantay sa kanila, (Ang setro ni Camilla ang kaputol ng setro ni Esmeralda, noong panahon ng labanan sa kastilyo ng Enehru ay napunta sa dalawang magkaibigan ang setro ni Esmeralda, nahati ito sa dalawa ang setro ni Deborah na ang lahat ng hilingin ng isip ay magkakatotoo, at ang setro ni Camilla na ang lahat ng hilingin ng puso ay magkakatotoo{isusulat ko ang alamat kapag natapos ang alamat ng labanan sa Setro})
Sinikap nilang gawing makatotohanan ang pagsubok ng tatlo, nakipaglaban ang tatlo sadyang napakagaling sa pakikipaglaban ni Expectra, napakahusay naman sa pagbuo ng plano si Helmechia at si Ferona ay tunay na walang kaparis sa pagbigkas ng mga sumpa. Kahit na sino ay may karapatang magmay-ari ng trono. Ikinalugod iyon ng lahat.
Ngunit sa kanilang pag-uwi ay tinambangan sila ng ibang sundalo at nasugatan ang kasama nilang sunadlo na si Gido sa paa, hirap na itong lumakad, unang nakarating si Ferona sa kinaroroonan ni Gido, at nang nakita niyang magiging sagabal ito upang ipagpatuloy ang misyon ay winakasan nito ang kanyang buhay, dinahilan niyang wala na itong buhay ng datnan niya, kinuha na rin niya ang setro na kanina lamang ay hawak ni Gido at humayo na sila. Lingid sa kaalaman niya ay malinaw na nagmamasid ang lahat sa kanayang ginawa. Sa kanilang pagbalik ay nagkasundo ang mga pinuno na hindi maaring magpatuloy pa sa susunod na pagsubok si Ferona, nakita nila ang maitim na puso nito. Nagalit si Ferona, pinilit niyang tama lamang ang ginawa niya, kailangang gawin lahat upang matupad ang misyon kahit pa isakripisyo ang buhay ng kasama mo.
Hiniling ni Camillang ibalik na ni Ferona ang setro, ngunit tumangi ito, at nagakong babalik upang ipaghiganti ang kanilang angan sa pang-aalipustang ginawa ng mga encantada. Sa oras na iyon ay nawala si Ferona dala dala ang setro, hindi nila inakalang mangyayari ang bagay na iyon, tiwala silang ang mga ipinadalang kampeon ay biniyayayaan ng magandang pag-aasal. Ilang sandali pa ay nanghinang bigla si Camilla, kagagawan iyon ng setro na tila nadinig ang puso ni Ferona, sadyang napakalakas ng setro, Binawian ng buhay si Camilla, at ipinagpaliban ang pagsubok.
Ilang araw pa ay nagdesisyon ang mga pinuno na ibigay kay Helmechia ang pamumuno ng Encantadia kung anong dahilan nila ay hindi malinaw, dahilan upang kumalas ang Pletoria sa encantadia.
Ilang taon pa ang lumipas at naganap ang ilang pagbabago, ikinasal si Helmechia kay haring Lumeno. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi sila magkaroon ng mga supling. Sinabi ng babaylan na si Orke na kagagawan iyon ng Setro ni Reyna Camilla.
Walang nakapagsasabi kung kailan, bigla na lamang dumating ang araw na pinamumunuan na ni Reyna Ferona ang buong Adia, at unti unting namatay ang katabing lupa ng lupain ng Adia, ang mga encantadang nakatira dito ay nagsilbing alipin ng mga Adia, bagay na hindi mapapayagan ni Helmechia.
Ilang araw ng pagpaplano ang lumipas upang salakayin ang Adia, nagkaroon ng pagsamo ang hari mula sa isang dating kaibigan at ang hari ay kailangang lumisan upang maglkabay panamantala patungo sa guho ng Lireo. Ngunit sa hindi malaman na dahilan ay hindi na ito nakabalik. Muling sinabi ni Orke na kagagawan iyon ng Setro.
Hindi na nakapagpigil ang Reyna at hiniling sa 12 nagkakaisang bansa na malunsad ng digmaan upang bawiin ang Setro…………..
Huwebes, Hunyo 30, 2011
Lunes, Hunyo 27, 2011
Labanan sa setro Pt 17
Ang lugar na pinangyarihan ng matinding pagsabog ay hindi pa humuhupa, nanatili itong nagliliyab tila may harang na apoy, takang taka si Gamillo sa nangyayari. Ngunit hindi si Ravenum, nasa loob siya ng harang na apoy, kausap niya doon si Hasan Pirena.
"Ipinamalas mo sa akin ang matinding tibay ng iyong puso, ang pagmamalasakit mo para sa mga kaibigan na handang ialay kahit ang sariling buhay ang tibay ng loob mo, makapangyarihan ang brilyante ngunit dumedepende iyon sa nagmamay-ari nito, kung ang nagmamay-ari ay isang mahinang loob, ang brilyante ay mawawalan ng saysay, ngunit kung ang nagmamay-ari ay isang mandirigmang buo ang loob at handang magsakripisyo, higit pa itong magiging makapangyarihan. Pinatunayan mong karapat dapat ka para magmana ng brilyante ng apoy, humayo ka at sagipin ang encantadia, Alalahanin mong sa araw na tumalikod ka sa iyong malinis na puso, bababa ako mula sa Devas upang disiplinahin ka, Naintindihan mo ba? Paalala ni Pirena.
"Opo, makakaasa po kayong gagamtin ko ang brilyante para sa karangalan ng lahing encantada" pangako naman ni Ravenum
Yun lang at muling naglaho si Pirena.
Manghang mangha pa rin sila Andoras sa pagsabog, hindi pa rin tumatahan sa pag-iyak si Adwayan, maya maya'y namalas nila ang isang nilalang na lumalabas mula sa apoy, nagliliyab ang buo nitong katawan. Napagtanto nilang ito si Ravenum, isang kumpas ni Ravenum ay nawala ang apoy, Ibinuka niya ang kanyang palad at mula dito ay lumitaw ang nakakasilaw na brilyante ng apoy, Manghang mangha ang lahat sa nakita, mula sa brilyante ay tila humugot ng sandata si Ravenum at nakuha ang makasaysayang palaso ni Furias, ang ikaapat na gabaydiwa ng brilyante ng apoy. Sumugod si Gamillo na hindi na alam ang gagawin, ngunit bago pa siya makaabot kay Ravenum ay tumama na sa kanya ang nagliliyab na pana, apoy na hindi maapula, ang apoy ni Pirena na titigil lamang kapag wala ng buhay ang tinamaan nito.
Nanatiling nakatayo si Gamillo, ngunit nagliliyab, nagsisigaw sa hapding nadarama, hanggang bumagsak na ito ng tuluyan.
Naalala ni Ravenum si Reyna Helmechia, nandoon ito sa kulay itim na harang. Iminungkahi ni Andoras na sunugin ni Ravenum ang loob ng harang ngunit pinigilan sila ni Onestes at sinabing baka madamay si Helmechia sa gagawin ni Ravenum, wala silang magagawa kundi ang maghintay.
Sa loob ng harang na itim ay wala pa ring magawa si Helmechia, hindi niya na alam kung ilang sugat bna ang natamo niya o kung buhay pa ba siya. Naging desperado siya, wala ng ibang paraan kundi ang sambitin ang isa sa pinagbabawal na sumpa, ang sumpang kapalit ay ang sariling buhay.
"Tinatawag ko ang sinaunang salamangka
Ang kapangyrihan ng mga sinaunang diyos at diyosa
Binasabasan ng mga elemntong kinaloob ng bathala
Dingin niyo ang panalangin ng inyong nilikha, mahal na emre
Gamit ang sarili kong buhay
Binubuksan ko ngayon ang Pintuan ng Devas"
Hindi inakala ni Dostemar na gagawin ni Helmechia ang desperadong pag-atake na iyon, alam niyang isang makpangyarihang encantada lamang ang makasasambit ng mga pinagbabawal na sumpa, at ito siya sa harapan ng isang duguang Reyna ng encantadia, na binuksan ang pintuan ng Devas.
Isang makinang na pintuan ang bumukas, nagliwanag sa loob, nawalan ng bisa ang kapangyarihan niya, mula sa pintuan ay lumabas ang isang malaking kamay at tumama kay Dostemar upang kunin ang kanyang kaluluwa, Ganoon din ang nangyari kay Helmehia ngunit hindi tulad ni Dostemar na naagnas ang katawan, si Helmechia ay naging paruparu, isang magandang pangitain na may pag-asa pang muli siyang mabuhay. Ngunit hindi iyon alam ng mga mandirigmang naghihintay sa labas ng harang.
Naglaho ang itim na harang, ngunit sa kanilang pagtataka ay wala ni isang katawan silang nakita. Walang Helmechia walang Dostemar, hindi nila maipaliwanag ang nangyari. Mula sa likod nila ay narinig nila ang isang nilalang na bumibigkas ng sumpa lumingon sila at nakitang ang nagliliyab na katawan ni Gamillo. Hindi na pinatapos ni ravenum ang sumpa at muling sinilaban ang katawan niya, sumigaw si Gamilo sa hapdi ng naramdaman.
"Huwag kang magmalaki dahil lamang hawak mo na ang brilyante ng apoy, ang natitirang 10 heneral ay may kanya kanya ring hawak na brilyante na higit na makapangyarihan sa inyo, hindi ba nabangit ni Helmechi sa inyong ang nakaharap nilang bata sa digamaan sa lupain ng Ravenum, isa lang siya sa mga heneral ang hawak niya'y ang brilyante ng kamatayan. Sinisigurado kong wala kayong laban sa kanila, lalo nat patay na si Helmechia" hahahah" pagbabanta ni Gamillo.
Nairita si Ravenum sa narinig kay Gamillo inilahad muli niya ang kanyang palad at muling lumitaw ang brlyante ng apoy, at naging abo si Gamillo.

Biyernes, Hunyo 24, 2011
LABANAN SA SETRO PT 16
LUGAR: DAMBANA NG APOY
ORAS: Ika-80 oras ng araw, pag-inog ng ikatlong kalahating buwan.
PAKAY: Ang brilyante ng Apoy.
Takang taka pa rin si Helmechia na nawala sa paningin niya ang pag-alis ng bulag at ni Celestiya, matagl niya itong minatyagan, Mula pa noong bata sila ay alam niya kung saan makikita ito, ngunit ang lahat pa la ng nakita niya kay Celestiya ay pawang huwad lamang, nais niya tuloy malaman kung sino ang matandang bulag na nangalaga kay Celestiya, paano niyang nagawang ikubli ang tunay nilang pagkakakilanlan.
Ngunit wala ng oras narito na sila sa lugar ng Dambana ni Pirena. Nakatayo ang isang Kastilyong Napapaligiran ng apoy na hindi maapula, sinubukang gumamit ni Helmechia ng lupa upang tabunan ang apoy ngunit kahit lupa ay nag-apoy, napakalakas na kapangyarihan. Pihadong nandito na nga ang Diyosa ng Apoy na si Pirena.
Abala sila sa pag-iisip kung paano makakapasok ng may narinig silang nagsalita sa likuran nila, "Narito pala ang mga Pachne", Nanlaki ang mata nila ng makita nilang ang nagsalita ay ang tinakasan nilang 2 heneral si Dostemar at Gamillo. "Ngayon titiyakin naming wala ng tatakas" Ani Dostemar na kung noon ay nakamasid lang ngayon ay hawak hawak na niya ang tabak ni Porsellius, muling sinamo ni Helmechia ang espada ng Galvaira, susugod sana si Ravenum gamit ang panang ginawa mula sa tungkod ni Imao ngunit nilamon siya ng apoy na nakapalibot sa kastiyo, himala hindi siya napaso, babalik sana siya sa lugar ng labanan, ngunit pinigilan siya ni Reyna Helmechia, Sinabi sa kanyang ikaw lang ang pinahintulutan ni Hasan Pirena upang makita siya, inutusan niya itong tumuloy sapagkat wala rin itong maitutulong sa kanila kung mananatili ito, bumalik na lamang ito kapag hawak na nito ang brilyante ng apoy.
Tumungo nga si Ravenum ngunit nag-aalala ito sa kalagayan ng mga kaibigan, alam niyang noong huling laban ay wala silang nagawa rito, kung tututusin ay hindi nga gumalaw ang isang heneral ngunit natalo sila ng lubos.
Isang napakalaking pintuan ang binuksan niya, at tumambad sa kanya ang napakalaking pasilyo, wala iyong laman. "Ano ang gagawin ko rito? Tila walang laman ang pasilyong ito, hangal ata ang sinasabi niyang Orke para paglakbayin kami sa lugar na ito" wika ni Ravenum
"Sheda! Kailan ka pa nawalan ng pananalig sa panginoong Emre" Anang isang anino na hawak ang nagliliyab na espada
Sa lugar naman nila Helmechia…
Kinausap ni Helmechia ang 3 na pagtulungtulungan si Gamillo, subukan nilang mabuhay habang wala pa si Ravenum alam niyang hindi sila bibiguin nito.
Siya naman ay haharapin si Dostemar, kung makaalpas siya dito ay tutulong siyang makipaglaban kay Gamillo.
Sumugod nga si Helmechia kay Dostemar ngunit binalot silang dalawa ng isang itim na bagay na may 4 na sulo at dingding, puro itim sa loob unti unting nawalan ng paningin si Helmechia, ngunit si Dostemar ay maliwanag ang pagkakaita sa kanya. "Lumabas ka at magpakita, huwag kang magtago" ani Helmechia.
"Magtago? At sino ang nagtatago? Heto ako sugurin mo ako kung makikita mo ako. At ipapaalala ko lamang sa iyo hindi lamang paningin mo ang mawawala unti unti na ring susunod ang iyong ibang pandama, At…HI… m….na….r……..ako…..Ma…n.g, Unti unting nawala ang pandinig ni Helemechia, Sumigaw siya ngunit hindi niya narinig iyon, Sumigaw nga ba siya o bumulong lang hindi niya na masabi. Isang patalim ang naramdaman niyang bumaon sa kanya, gumanti siya ngunit wala syang natamaan, pinaglalaruan siya ni Dostemar.
Sa labanan naman nila Gamillo ay tila nahihirapan ang 3 ang sayaw ng esapada ni Andoras ay hindi uubra kay Gamillo, Sumugod naman si Adwayan gamit ang kanyang punyal ngunit sa bilis ni Gamillo ay nakaiwas ito at isang suntok sa mukha ang nagpatilapon sa kanya, pumoporma pa lamang si Onestes upang umatake ay isang bola ng kapangyarihan mula kay Gamilo ang tumama sa kanya.
---Sa kastilyo ni Pirena---
"Hasan Pirena alam kong ikaw yan, narito ako upang kuhanin ang brlyante ng apoy" wika ni Ravenum.
"At sa tingin mo bay ganung kadali laman iyon? Kailangan mo munang pumasa sa pagsubok na aking ibibigay bago mo makuha ang aking brilyante, Gusto mo itong makita, Ipakita mo sa akin ang tibay ng puso mo!" sabi ng anino na tuluyan ng nagliyab at nasilayan na ang mukha, ito nga ang banal na encantada ng apoy, si Reyna Pirena.
Hindi maintindihan ni Ravenum ang ibig sabihin ni Reyna Pirena, ang pakiwari niya ay kailangan niyang talunin sa labanan si Reyna Pirena bago makuha ang apoy, Talunin? Nagpapatawa ba siya. Kailangan niya ng isang malaking himala. Ngunit nag-aalala siya sa mga kaibigan niyang nakikipaglaban sa labas. Hindi na siya nag-isip at sinugod si pirena ng kanyang palaso, ngunit bago pa niya mabanat ang palaso ay nagliyab lahat iyon, wala na siyang armas, sumugod siya rito, at isang malaking bola ng apoy ang tumama sa kanya, nawasak ang isang bahagi ng pasilyo sa lakas ng kapangyarihan.
"Binata, sabihin mo lamang kung kaya mo pa, Iisang daliri pa lamang ang nagagamit ko sa iyo" sabi ni Pirena
Sadyang mali ang mga kwento sa libro, hindi lamang pala makapangyarihan ang mga banal na encantada ngunit napakamakapangyarihan, ano ang laban niya rito.
Kumumpas ang kamay ni Pirena at ipinakita rito ang imahe ng kanyang mga kaibigan na unti unting tinatalo ng 2 heneral, at muling sinambit ni Pirenang "Ipakita mo sa aki ang tibay ng iyong puso"
Muling sumugod si Ravenum kay Pirena, muli ay tinamaan siya ng apoy nito, imposible yata kahit ang mahawakan ang buhok ni Reyna Pirena. Minasdan niya ang kanyang mga kaibigan at nakitang tinamaan ng bola ng enerhiya ni Gamillo si Celestiya.
Wala siyang magagawa sa Reyna, nilisan niya ang pasilyo at dali daling tinungo ang lugar ng labanan, wala na siyang pakialam kung hindi niya makuha ang brilyante ang importante sa kanya ay maksama ang mga kaibigan, kahit na ito na ang katapusan nila, mas hindi niya mapapatawad ang sarili sa sandaling bawian ng buhay ang mga kaibigan ng wala siyang nagawa.
Pagdating niya sa labanan ay agad siyang sinugod ni Gamillo, kukunin niya sana ang kanyang palaso ngunit naalala niyang naabo na ang palaso niya kanina, ngunit desidido pa rin siyang salubungin ang espada ni Gamillo, handa na siya lalaban siya para sa ga kaibigan niya t sa encantadia.
Isang pagsabog ang naganap sa pagsugod aniyon ni Gamillo, napaiyak si Adwayan at inisip na hindi na mabubuhay ang kaibigan sa ganoong pag-atake. Si Andoras naman ay nakamasid kay Gamillo, nakita niya ang espada nito na tila natunaw sa isang matinding "APOY"…

Huwebes, Hunyo 23, 2011
LABANAN SA SETRO PT 15
Tinungo ng grupo nila Helmechia ang daan patungong Dambana ni Pirena, ito ang dating lugar ng mga Hathor na pinamunuan ni Pirena. Malayo ang naging paglalakbay, ang dating lugar na punong puno ng mga Hathor ay wala na isa na itong walang buhay na lupain, nilisan ito ng mga naninirahang angkan dito mula ng mamuno ang mga Adian. Natakot kasi silang ipapatay rin sila gaya ng iba pang mga mandirigmang encantada.
SA lugar naman ng Adia.
Dumating si Dostemar at Gamillo at sinabing nakatakas ang mga rebelde, ibinalita niya rin dito na buhay pa si Reyna Helmechia, winika niya rin na nais nilang makausap ang matandang si Orke at baka makakuha sila ng iba pang impormasyon kung saaan pupunta ang mga rebelde.
Hindi na nagdalawang isip si Reyna Ferona, alam niyang hindi birong kalaban si Reyna Helmechia, at kung pinagaaksayahan niya ng panahon ang mga bata ay arahil meron ngang katotohanan ang propesiya, at hndi niya papayagang matupad iyon.
"Dalhin di to si Orke, madali at magdala kayo ng ilang aliping encantada" ang utos ng Reyna
Maya maya pa ngay dumating na si Orke kasabay ang ilang aliping encantada, isa rito si Dementia ang pinsan ni Reyna Helmechia, tinanong si Orke ng Reyna Ferona kung alam ba niyang buhay si Helmechia, binalaan siya na kung magsisinungaling siya ay papatayin nila isa isa ang mga alipin.
"Tandang Orke, walang silbi ang itatwa ang nilalaman ng puso, nababasa ko at naaninag ng maliwanag ang laman nito" wika ni Heneral Gamillo
"Ang alam ko po ay nakatakas siya noong oras ng digmaan sa lupain ng Redentor" saad ni Orke.
"Ang butihing Reyna ng encantadia, inabandona ang mga kawal at magigiting niyang sundalo sa gitna ng digmaan? Nakakaawa naman pala ang sinapit ng inyong Reyna, itinapo niya ang lahat ng kanyang karangalan at piniling mabuhay, kahiya hiya kailangan itong malaman ng lahat" dagdag ni Gamillo.
"Hindi niyo alam ang tunay na nangyari sa lugar na iyon, wala kayong karapatang husgahan at lapastanganin ang pangalan ng aming Reyna" nanggigigil na sabi ni Dementia
"At sinong nagbigay ng pahintulot sayo para sumagot sa usapan alipin, hindi ka na isang maharlika Dementia, taga handa ka na lamang ng pagkain ng mga trabahador. Reyna ba ang sinasabi mo? Hahaha Reyna ng mga alipin" Pangungutya ni Gamillo
"Tama na iyan ang nais kong malaman ay kung saan patungo ang mga rebelde, Orke may alam ka ba sa landas na tinatahak nila Helmechia?" tanong ni Dostemar.
"Wala po." Maikling sagot ni Orke, iniisip niya na kung lilimitahan niya sa mga maliliit na pangungusap ang kanyang mga sasabihin ay hindi malalaman ni Gamillo ang kanyang pagsisinngaling
Ngunit nagkamali siya, lumipad ang patalim ni Gamillo sa isa sa mga alipin at nawalan ito ng buhay.
" Sa susunod mong pagsisinungaling ay tatapusin ko ang buhay gn lahat ng encantadang narito maliban sa iyo" Nagngangalit na sabi ni Gamillo
"Patungo po sila sa mga Dambana ng mga banal na encantada" takot na sabi ni Orke
"At ano naman ang plano nilang gawin doon, magbilang ng agiw? ani Gamillo
"Sheda Gamillo! Hindi ko nais marinig ang mga patawa mong wala namang natatawa, sabihin mo Orke anong plano nilang gawin sa lugar na iyon" inis na wika ni Reyna Ferona.
" Pakay ho nila ang mga brilyante, sinabi sa aklat ni Cassiopeia na muling kikinang ang mga brilyante ng mga banal na encantada, ang lupa ni Hasan Danaya, ang apoy ni Hasan Pirena, ang hangin ni Hasan Amihan, ang tubig ni Hasan Alena at ang liwanag ni Hasan ELestria( Ang Hasan ay isang pantawag sa iang banal na encantada)
Sa galit ni Reyna Ferona ay hindi nito nakontrol ang kanyang kapangyarihan, isang kurap ng mata nito sa dako nga aliping encantada at binawian ang mga ito gn buhay kasama na ang mga bantay na kawal nito.
Dali daling lumabas ang 2 Heneral, takot na takot sa kapangyarihan ng Reyna.

Martes, Hunyo 21, 2011
LABANA SA SETRO pt 14
Tama ang sinabi Gamillo, mauubsan lamang siya ng lakas sa pagputol sa katawan nito, Lumapit si Onestes sa lugar ni adwayan, nabitiwan na siya ni Gamillo sa atakeng ginawa ni Helmechia, sinabi niya kay Adwayan na utusan ang lupa, gagawa siya ng hangin upang ikubli sila at makatakas, iyon na ang ang pag-asa nila,
"Utusan ang lupa? Nahihibang ka na ba?" saad ni Adwayan
"Huwag ka ng magkaila, wala na tayong oras ikaw ang biniyayaan ng lupa alam ko, matagal kong inaral ang propesiya, at sinabing isang dalaga ang biniyayaan ng kapangyarhan ni Reyna Danaya, ang isang dalagang pinangangalagaan ng bulag ay ang biniyayaan ni Reyna Alena, kayat huwag ka ng magkaila, utusan mo ang mga alikabok sa lupa"pagsamo ni Onestes
"Ngunit sadyang hindi ako marunong ng sinasabi mo" saad ni Adwayan
Tila hindi nagbibiro si Adwayan sa nasambit nito, inisip ni Onestes na ito na ang katapusan nila.
"Paano mo nagamit ang hangin kanina?" tanong ni Adwayan kay Onestes
"Naramdaman ko ang matinding pighati, naalala ko ang mga magulang ko" wika ni Onestes
"Ngunit wala akong maalalang matinding pighati" pagaalala ni Adwayan
Naulinigan ni Ravenum ang usapan ng 2, " ISipin mo ang mga nais mong protektahan" wika nito.
Hindi niya alam kung ano ang gagwin lalo namang hindi niya alam ang iisipin, sa banda roon kila Gamillo ay nakita niya ang walang pag-asang pakikipaglaban ni Andoras kay Gamillo, lumiwanag si Adwayan, gumalaw ang maliliit na lupa, nagliwanag din si Onestes, naghawak sila ng kamay at sabay na ginamit ang kanilang kapangyarihan, isang malakas na hangin na pinaliligiran ng mga alikabok, lupa at bato ang lumilipad, walang makita si Gamillo sa ginawa nila, at ng humupa ang malakas na hangin ay wala na sila Helmechia.
Sa halip na pumunta sila Helmechia sa susunod na bayan ay iminungkahi ni Onestes na bumalik sa Topazio, hindi nila mahuhulaan na babalik sila sa lugar na ito, Sumangayon si Helmechia at doon nga pumunta.
Pinagaling ni Adwayan ang sugat ni Andoras, tinanong ni Ravenum kung saan ba nila maaring makita ang ika-5 encantada, Sinabi ni Helmechia na wala na silang panahon upang hanapin pa ang ika-5 encantada.
Tutunguhin nila ang kastilyo ni Pirena, sinabi ni Axillo sa kanya na ipinaparatin ni Orke sa kanya na bumabang muli ang 4 na banal na encantada upang ipasa ang mga brilyante, panahon na upang gisingin ang mga natutulog na hiyas.

Labanan PT 13
Pagkatapos ay pumunta sila sa katabing bayan, sa lupain ng angkan ng Mederejo ang angkang binigyan ng kakayahan ng pwersa ng bulkan, dito sinasabing pinatapon si Celestiya, ngunit ng nagtanong sila sa babaylan ay sinabing matgal ng umalis doon ang matandang bulag na nangalaga sa batang ipinatapon. Wala rin naman silang balita kung saan na ito naglalagi. Napayuko si Helmechia at tila isang malaking dagok ang natangap. Umalis na sila sa bayan, plano nilang tunguhin ang susunod na bayan upang doon magtanong, ngunit paglabas nila ng bayan ng Mederejo ay tanaw na tanaw nila ang dilim na bumabalot sa bayan ng Topazio. Isang hindi pangkaraniwang dilim, ramdam ni Helmechiang punong puno ito ng kapangyaraihan.
Tatakbo sana pabalik si Onestes upang tingnan ang kanyang mga itinuring na magulang ngunit naaninag niya ang 2 lalaking papalapit sa kanila. Tangan Tangan nito ang kanyang mga itinuring na magulang. Nanlaki ang mata ni Helmechia sa nakita, nakikilala niya ang 2, si Heneral Gamillo at Heneral Dostemar, Sinabi niya sa mga batang mag-ongat at hindi normal na kalaban ang mga ito, inutusan niya ang 4 na tumakbo papuntang susunod na bayan at doon pansamantalang maglagi, susubukan niyang pigilan ang mga ito hangat samakakaya niya. Mariing tumangi sila Adwayan, sinabi niyang ito na ang magandang pagkakataon upang malaman kung sila nga ang nabangit sa propesiya.
Humanda silang 5 sa pakikipaglaban, alam ni Reyna Helmechia ang abilidad ng 2 heneral, si Gamillo ay biniyayaan ng kakayahang bumasa ng puso at ang kakayahan ng manika. Si Dostemar ay sinasabing biniyayaan ng kakayahang isarado ang 5 pandama. Hiniling ni Gamillo na huwag na siyang tulungan ni Dostemar nais niyang magsaya sa pakikipaglaban sa mga ito.
Muling hiniling ni Helmechia na tumakbo na sila Andoras at hintayin na lamang sila doon, ngunit sa halip na sumunod si Adwayan ay isang pagsugod ang ginawa nito, isang padalos dalos na pagsugod, nahuli siya ni Gamillo at hawak ngayon sa leeg. Nabahala si Andoras sa kung anong maaaring gawin ni Gamillo kay Adwayan kayat sumugod din ito. Binunot nito ang ikalawa niyang espada at ginawa nag pamamaraang "SAyaw ng Espada" kamangha mangha ang mga kilos niya, tila sumasayaw siya gamit ang isanlibong espada, ngunit madaling napigilan ni Gamillo ang paraan na iyon gamit lamang ang kanyang 2 magkabilang daliri sa kanyang 2 kamay, pero nabitiwan niya si Adwayan dahil dito, lumayo si Adwayan kay Gamillo na hawak hawak ang nananakit na leeg nito. Ginamit ni Ravenum ang paraang palaso ng buwan, paraan upang ikubli ang palaso, ngunit madali pa ring napigilan ni Gamillo ang mga ito gamit lamang ang kanyang kamay, sabay humalakhak siya ng napakalakas, magaling ang pagturo mo sa kanila Helmechia, nawala sa lopob ni Helmechia na kaya niyang basahin ang nasa puso ng bawat isa, dahilan kung bakit madaling nalalaman ni Gamillo ang kanilang mga kilos.
Si Onestes ay susugod kay Dostemar upangbawiin ang kanyang mga magulang ngunit isang malakas na sampal ang natangap niya kay Gamillo, "huwg kang mag-alala magiging isa ka sa aking mga hascerna(concubines) pagkatapos kong tapusin ang mga ito, hindi kita papaslangin" Lumapit si Gamillo sa kanyang mga magulang at sinaksak niya ang mga ito ng espada. Natulala si Onestes sa nakita, wala siyang nagawa sa pagkawala ng kanyang mga magulang, kasabay ng malakas na sigaw ni Onestes ang malakas na pagbayo ng hangin, napakalakas, tinamaan si Gamillo sa kaliwang pisngi at nasugatan siya. Ang mga hangin na ito'y sintalim ng espada. Hindi doon natapos si Onestes, lumitaw ang kakayahan niya dahil sa matinding hinagpis, isang malaking ipo ipo ang tumama sa katawan ni Gamillo at naputol ang kaliwang kamay niya at paa. Sa pag-aakala ni Onestes na tapos na ay lumapit siya dito, sa paglapit niya ay lumundag sa buhok niya ang putol na kamay nito at sinabunutan siya, hintak paitaas ang kanyang buhok masakit sa anit. Tumayo si Gamillo at nagtatawa," Iyan ang gusto ko sa isang dilag, pumapalag" wika ni Gamillo. Pinulot nito ang kanyang kaliwang paa at ikinabit na tila walang nagyari, ganun din ang ginawa nito sa kaniyang kamay habang hawak ang buhok ni Onestes, nanlaban si Onestes ngunit tila naubos ang lakas niya sa pag-atakeng ginawa. Sa dako ni Helmechia ay narinig ang isang pagngusap
"Ang buhay na alamat na nakabaon sa panahon"
"Alamat na matanda pa sa kalawakan"
"gamit ang mga wikang nilimbag ni emre"
"Sinasamo ko ngayon ang pwersa ng Diyos ng Panday"
"Ipahiram mo sa akin ngayon ang sandatanag Galvaira"
Nagdilim ang kalawakan, sunod sunod na matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog ang narinig, mula sa itaas ay gumuhit ang isang napakatalim na kidlat patungo sa lugar ni Hemechia, Isang espada ang lumitaw na dala ng kidlat.
Nagulat si Dostemar sa nakita, binalaan niyang mag-ingat si Gamillo, Ito ang Espada ng Galvaira ang nagwakas sa lipi ng itim na Ormok "mga halimaw ng lumang panahon"
Sumugod si Gamillo patungo kila Helmechia, singbilis ng kidlat ang nangyari, namalayan na lamng ni Gamillo na putol putol na ang katawan niya, Ngunit muli niya lamang pinagdugtong dugtong ang kanyang katawan. Medyo nainis siya, ayaw niya kasing pinagdudugtong ang mga katawan niya sinigawan niya si Helmechia at sinabing " kahit ilang beses mo akong pagputul putoling hindi mo ako mapapatay"

Sabado, Hunyo 18, 2011
LABANAN SA SETRO PT 12
Sa bahay panuluyan ay nagkaroon ng pagkakataong makausap ni Andoras si Adwayan hingil sa hindi nila pagkakaunawaan, una ay nagpasalamat si Andoras sa pagkakagamot nito sa kanya sa natamong sugat niya sa labanan nila ni Narvas, tinangap naman ni Adwayan ang pasalamat at sinabing kahit sino ay gagawin ang bagay na iyon, Tinanong niya si Adwayan kung bakit tila mabigat ang dugo nito sa kanya, sinabi ni Adwayan na hindi naman mabigat ang loob niya dito, sadya lamang na magkaiba ang kinalakhan nila at pamamaraan, lumaki siyang mahal ang mga pachnea samantalang si Andoras ay lumaking pumapatay ng mga pachnea. Nagpaliwanag naman si Andoras at sinabing hindi sila pumapatay ng walang dahlan, ang mga pachnea ay regalo sa panginoong Emre at nararapat na pakinabangan. Ngunit hindi ganoon ang tingin ni Adwayan sa mga pachnea, silay mga nilalang din ng encantadia na may karapatang mabuhay, hindi pa ba sapat ang biyaya ng matabang lupa upang sila'y mabuhay? Mukhang hindi sila talaga magkakaintindihan nito. Iniba na lamang ni Andoras ang usapan at sinabing gabi na at maaga pa ang gising nila bukas, niyaya niya itong umakyat na at matulog, ngunit tumangi si Adwayan at sinabing magpapahangin muna siya. Iniwan niya si Adwayan ngunit sinulyapan niya ito, kung hindi lamang ito ganoong kasungit ay tiyak na iibig siya dito, napakaganda niyang encantada at matapang. Ganun ang dilag na pinangarap niya. Tumalikod na siya ng patuluyan at umakyat. May kurot na naramdaman sik Adwayan hingil sa pag-iwan nito sa kanya ang akala kasi nito ay sasamahan siya sa gabing iyon, ngunit umalis ito. Parang hindi talaga bukal sa loob nito ang makipagkasundo sa kanya. Sandali lamang at umakyat na siya, napansin niyang nakhilig si Andoras, tila tulog na. Nais niya pa sanang makausap ito. Kung alam niya lamang na pinagmasdan siya ni Andoras mula sa bintana at binabantayan siya, kahit na kasi sabihing may taglay na kapangyarihan si Adwayan ay babae pa rin ito. Nais niyang siya ang magprotekta rito.
Lumipas ang magdamag…
Malaki ang lupain ng Topazio, malayo ito sa totoong nangyayari sa lupain ng encantadia, payapa dito na tla walang anumang paghihirap na nadarama. Tinungo nila ang lugar ng babaylan ng Topazio kinaumagahan upang doon magtanong. Ngunit hindi sila pinayagan na makita ang babaylan. Tila wala ng ibang paraang naiisip si Aquilla, kayat tinangal nito ang kanyang baluwana. Tanging pagyuko ang naisukli ng mga angkan ng Tupas, tumambad sa kanila ang matagal ng nawawalang Reyna Helmechia, mawala ito sa kasagsagan ng digamaan sa lupain ng Redentor.
Laking gulat ng 3 ng malaman na ang kasa kasama nila ay ang Reyna Helmechia, bata pa lang sila ay marami na silang naririnig na kwento hingil sa patas at mapayapang pamumuno ng Reyna. Lumabas ang babaylan at humingi ito ng paumanhin, nagpaliwanag ito hingil sa pagtatago nila sa batang ipinatapon ng Reyna ng Adia na si Reyna Ferona, pinaniniwlaan kasi ng mga Tupas na may basbas ni Emre ang bata, mula daw kasi ng dumating ito doon ay iniiwasan na sila ng malalakas na bagyo, nananatiling payapa ang hangin, bagay na maganda para sa tulad nilang nabubuhay sa paglalayag, pangingisda atbp gawaing dagat. Agad na ipinatawag ng babaylan ang mag-asawang nag-aruga kay Onestes, malambot ang tabas ng mukha nito at mahaba ang buhok ang mga mata nito'y kulay asul na tila isang payapang kalangitan.
Pinaliwanag ni Helmechia ang kanyang pakay sa dalaga ngunit hindi niya na ito dinetalye, mahirap na at baka may mga matang nakaaligid, naunawaan naman ng mga Tupas ang ibig ipahiwatig ng Reyna kaya't hinayaan na nilang dalhin nito si Onestes. Malungkot sila sa paglisan niu Onestes, nagsabi naman si Onestes na huwag silang mag-alala at hindi sila pababayaan ng Panginoong Emre. Mahinhin ito at pinong pino ang pag-uugali malayo kay Adwayan na magaslaw at palaban.

Huwebes, Hunyo 16, 2011
LABANAN PT. 11
May 2 araw din ang ginugol nila sa pagbabaybay ng dagat, sa oras na iyon, nais sanang kausapin ni Andoras si Adwayan hingil sa kanilang hindi pagkakaunawaan, hindi kasi lingid sa kaalaman niya na hindi palagay ang loob sa kanya ni Adwayan, pagbaba nila sa lupain ng Topazio na pagmamay-ari ng angkan ng mga Tupas ay ikinataka nila ang payapang panahon, sa pagmamasid kasi sa ulap ay dito sa lugar na ito ang tahakin ng masamang panahon, ngunit maaliwalas ang panahon.
Nagtanong tanong sila hingil sa kinaroroonan ng batang ipinatapon sa lugar na iyon, ngunit walang magbigay ng impormasyon sa kanila, maggagabi na noon kaya't pumunta sila sa isang bahay panuluyan, doon ay nagdesisyon silang magpahinga muna, at bawiin ang mga lakas nila sa mahabang paglalakbay.
Sa kaharian naman ng Adian ay humarap ang isang sugatang si Camus kay Reyna Ferona, isinalaysay niya ang pagkabigo nila sa kanilang misyon. Sinabi niyang ang isa sa kanila ay magaling sa pana, ang isa ay isang dalagang encantada, ang isa ay isang binatang magaling sa espada at may isang babaeng nakatakip ng baluwana. Nagalit si Reyna Ferona kay Camus, ang lakaw daw ng loob nitong humarap sa reyna, gayong alam naman niyang hindi nagtagumpay ang misyon nila. At karapat dapat lamang ditong bigyan ng parusang kamatayan. Ngunit nakiusap si Camus na bigyan pa siya ng isang pagkakataon, tinanong siya ni Reyna ferona kung ano pang maipaglilingkod ni Camus gayung natao siya sa mga rebelde. Sinabi niyang alam niya ang kakayahan ng bawat isa dito at malaki ang maitutulong niya. Ngunit hindi nakinig si Reyna Ferona, dinampian niya ng kanyang hintuturo ang ulo ni Camus at naglaho ito.
Sinamo niya ang 2 sa kanyang 12 heneral, si Hen. Gamillo at Hen. Dostemor, ang heneral ng ika pito at ika labin dalawang pulutong. Tinawag niya rin ang matandang si Orke at hiniling na basahin ang prediksyon sa aklat ni Cassiopeia.
Muling dumating si Orke, nakarating dito ang balitang namatay na si Axillo, hinala niyang namatay ito sa kamay ng ibang kapitan ng Adian, umaasa siyang napadala ang mensahe ng nilalaman ng aklat ni Cassiopeia sa mga tagapagligtas.
Inutos ng Reyna Ferona kay Orke na basahin ang aklat muli niyang kinumpas ang kamay niya at lumapit ang aklat. Binuklat ni Orke ang aklat, unti unting lumitaw ang mga talatang
"Ang mga paa, ay mapipilayan, ngunit sa pilay na ito uusbong ang kapangyarihan, Ang mga bato ng sinaunang encantadia ay muling kikinang"
Nabahala si Orke sa nabasa, alam niyang may mamamatay sa mga encantada, kaya't nung tinanong siya ng Reyna hingil sa nilalaman ng nasusulat ay muli niyang nabangit ang mga katagang " ang Reyna ay mananatiling Reyna at Ang pachnea ay mananatiling pachnea"
"Kung hindi ako nagkakamali at talaga namang hindi ako nagkakamali ay nabangit mo na ang mga bagay na iyan sa akin, wala na bang ibang alam na sabihin ang libro kundi ang mga katagang yaon" sabi ng reyna
"Ngunit ang mga nasusulat po sa libro ay iyon at iyon din magbabago lamang ito kung may mahalagang bagay na magaganap" palusot ni Orke
"Ganoon ba? Marahil tama ka, makakaalis ka na" sabi ng Reyna
Tila nakahinga ng maluwag si Orke sa winikang iyon ng Reyna Ferona, akmang aalis na si Orke ng…
"Sandali laman po aking Reyna, ang matandang iyan ay nagsisinungaling" pagsamo ng Heneral Gamillo.
Galit na binalingan ng Reyna si Orke, "Tunay ba ang sinabi niya Orke" tanong ng Reyna
"Ang mga nilalaman po ng aklat ni Cassiopeia ay walang kasinungalingan" paliwanag ni Orke
"PAchnea hindi ko winikang ang libro ang mali kundi ang dila mo matandang mali mali" ani Gamillo.
"Ang iyong mga tagapagligtas ay mamamatayan ngunit ang mga ito ay magiging makapangyarihan dahil doon, Sabi rin sa aklat na makukuha ng mga tagapagligtas ang sinaunang brilyante ng encantadia, ang brilyante ng lupa,apoy,tubig, hangin at liwanag" dagdag pa ni Gamillo
Gulat na gulat si Orke sa narinig, nagtaka siya kung paano nalamn ng isang taga Adian nang nilalaman ng aklat, tanging piling encantada lamang ang binabahagingan ng ganoong kakayahan
Isang malakas na sampal ang natangap ni Orke, binalaan siyang sa susunod na magsisinungaling siya ay papatay ang Reyna ng isang encantada..

Lunes, Hunyo 13, 2011
LABANAN SA SETRO PT 10
Iniwan na ni Andoras ang walang buhay na katawan ni Mostar, nagtagpo tagpo sila sa bahay panuluyan, na tila siya lamang ang may malalang sugat, ang mag-asawa naman na nagsuplong sa kanila ay tila takot na takot, kaya't minabuti nilang lisanin ang bahay. Malakas pa rin ang ihip ng hangin dulot ng bagyo, malalakas ang hampas ng tubig sa dagat at hindi nila alam kung saan pupunta, nagdesisyon si Aquilang pumunta sa gubat upang doon ay masamo niya ang mga puno upang magsilbing kanilang silungan. At ganon ga ang kanilang ginawa, sa pagtataka ni Ravenum ay hindi niya na nakita ang katawan ni Camus doon, isinawalang bahala na lamang niya iyon. Marahil ay nakatakas na ito, bmalik sa Reynang pinagsisilbihan nito. Doon na sila nagpalipas ng gabi, dumating ang umagang payapa, mataas ang sikat ng araw, pumunta sila sa dalampasigan at nakilala ang manlalayag na si Primo, siya ang pinuno ng mga manlalayag doon, sa totoo lang ay kadarating lang nito, galing sa paglalayag, malakas ang loob nito upang suungin ang unos na dumaan kagabi, nakiusap sila Aquila kung maaring itawid sila sa dagat na pula papuntang lupain ng Damian. Tinanong sila ni Primo kung anong pakay nila sa lugar na iyon, malakas daw kasi ang ulan at siguradong nabulabog ang halimaw ng dagat, nabahala si Adwayan, "Halimaw ng dagat? Hindi ba't matandang kuwento lamang iyon" takot na wika ni Adwayan.
Hinubad ni Primo ang kanyang pangitaas at ipinakita sa kanila ang malaking pilat nito sa kanyang likuran, "Gawa ito ng kwentong sinasabi mo binibini, ang mag katulad nila ay nahihimbing sa kailaliman ng dagat, hindi sila namiminsala kung hindi mo sila gagalawin" pagmamalaking sabi ni Primo.
"Tama na ang kwento, maitatawid mo ba kami o hindi" inip na sabi ni Andoras.
"Pagpasensyanhan mo na siya at laking bundok ang isang yan" inis na sabi ni Adwayan.
"At siya naman ay laki sa lugar ng mga Hollias" sabi naman ni Andoras
"Mas maigi pa ang mga Hollias na asal tao kesa sa bandido na asal hayop" galit na sabi ni Adwayan
"Itigil niyo na yan, at walang maidudulot na maganda ang bagay na iyan" pigil ni Aquila sa dalawa.
Hindi lingid sa kaalaman ni Aquila ang pagkainis ni Adwayan kay Andoras, marahil na rin ay dahil isa itong mangangaso, malapit sa mga hayop si Adwayan.
"Ihahanda ko lang ang Yesla at pagkatapos ay tutuloy na tayo, nga pala eto ang aking gelatang nagngangalang si Gumos, katulad ng kanyang amo ay maasahan siya at matapang" sabi ni Primo habang hinihimas ang kanyang Gelata.
Maya maya pay tumuloy na sila sa kanilang paglalakbay, di nagtagal, napansin ni Adwayan napansin ni Adwayan na natatakot si Gumos, umungol itong parang umiiyak. "May malaking nilalang na gumagalaw sa ilalim natin" sabi ni Adwayan, naiintindihan niya ang mga sinasabi ng mga pachnea dahil na rin siguro lumaki siya sa piling ng mga ito, o dahil sa taglay niyang kakyahan,
Mula sa ilalim nila ay umahon ang napakalaking halimaw, may pangil itong tulad ng sa isang pating, at kaliskis na tila sa isang palaka, ang mga mata nito ay kamukha ng isang isda, may mga galamay na napapalibutan ng tinik, nakakatakot.
Pumormang panlaban si Ravenum at Andoras ngunit pinigilan sila ni Adwayan, lumapit si Adwayan sa halimaw at iniabot niya ang kamay niya dito. Pinigilan siya ni Andoras dahilan upang mahulog silang 2 sa dagat, sa ilalim ay nakit nila ang 3 maliliit na nilalang na kawangis ng halimaw ang lumalangoy kasunod nito, napagtanto nilang pinoproteksyonan lang ng nilalang ang kanyang mga sanggol, umahon ang 2 at sumampang muli sa Yesla, hinawakan ni Adwayan ang nilalang at nagliwanag muli si Adwayan, lumisan ang nilalang na tila naiintindihan ang nais ipahiwatig ni Adwayan, Natuwa si aquila sa nakita napansin niyang unti unti ng lumilitaw ang kakayahan ni Adwayan.

Linggo, Hunyo 12, 2011
LABANAN SA SETRO PT 9
Samantalang sa kagubatan ay nanatiling nakakubli si Ravenum, nagsimula ng maasar si Camus at ikinalat ang aura ng sinulid niya sa buong kagubatan, mistulang nabalutan ng sapot ang buong gubat. Tinamaan ng isa sa mga sinulidni Camus si Ravenum, dahilan upang malaman ni Camus kung saan nagtatago si Ravenum, humabi siya ng isang armas na gawa sa mga sinulid ng aura niya at sinugod ang punong kinatataguan ni ravenum, mablis namang nakaiwas si Ravenum papalayo sa puno, nawasak ang puno sa lakas ng pagatakeng ginawa ni Camus, Sinubukang gumanti ni Ravenum gamit ang kanyang pana ngunit naiwasan ito ni Camus, pati ang mga pana niya ay nababalot na rin ng sinulid kayat madaling nakokontrol ni Camus ang direksyon nito. Tila wala ng natitirang paraan si Camus kundi gamitin ang kapangyarihan ng pana. Sinambit niya ang sumpa ng kanyang gagamiting paraan.
"Hihiwa sa nipis ng dilim, daang palasong pinanday ng diyos, gamit ang patalim ng espadang Venul, gamit ang kalasag na Celestiyal, ang walang hangang kapangyarihan ng 4 na banal na diwata, sinasamo ko kayo gamit ang palasong gawa sa tungkod ng babaylang si Imao"
Kinilabutan si Camus alam niya ang sumpang yon, iyon ang pagtawag sa banal na kapangyarihan ng mga encantada. Humabi siya ng libong sibat na gawa sa kanyang sinulid at inutusan sumugod kay Ravenum,
"Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang tapusin ang sumpang ganyang kalakas?" wika ni Camus sabay ng kanyang pagsugod
"Huli ka na! Banal na Palaso!!" sigaw ni ravenum
Mistulang natunaw na yelo ang mga sinulid ni Camus, wala itong nagawa sa paraan na iyon. Si Camus ay humandusay, nawala ng malay.
Si Andoras naman ay nahihirapan kay Mostar, napakabilis nito, sumambit pa si Mostar ng isang sumpang mula sa angkan ng Adia,
"ikukubli ng dilim ng gabi ang liwanag ng pag-asa, ang mga mata ng diablo ay manonood sa kailaliman ng buwan, sa ngalan ng maalamat na orakulong matanda pa sa panahon, tinatawag ko ang pangil ni Holkias"
Pagkatapos mabigkas ni Mostar ang sumpa ay nagkaroon siya ng talong kamukha, apat na ngayon ang kakalabanin ni Andoras, sumugod ng sabay sabay ang apat at tinamaan saiya sa hita, hindi siya makatayo ngunit nagtaka siya, ang pagkakaalam niya ay apat ang sumugod ngunit isa lang ang naging sugat niya, napagtanto niyang ilusyon lang ang tatlo, ngunit paano niya malalaman kung sino ang tunay na Mostar, muli itong sumugod at kaliwang binti naman ang napinsala sa kanya.
"Pagpipirapirsuhin kita hangang sa hndi ka na makilala" saad ni Mostar
Nag-isip si Andoras ng maari niyang ipanlaban, hindi siya magaling sa sumpa lumaki siyang ang tanging alam niyang mahika ay ang mahikang Apoy ng liwanag ginagamit ito upang pansamantalang pinsalain ang paningin ng kalaban dahil sa sobrang liwanag ginagamit din ito upang magsilbing liwanag sa madidilim na lugar. Naisip niyang subukan ang mahikang ito, lumayo siya tinaas ang kamay at tinawag ang Apoy ng liwanag, nagsisigaw sa hapdi ng mata si Mostar, "kung inaakala mong mapipigilan mo ako sa pamamagitan ng pagpinsala ng aking paningin, nagkakamali ka dahil mas malakas ang pang-amoy ko" sabi ni Mostar at tinunton nito ang kinaroroonan ni Andoras gamit ang kanyang pang-amoy, tatpusin niya na ito, ngunit bago pa bumaon ang matatalim niyang ngipin kay Andoras ay bumaon na sa kanyang dibdib ang espada nito, Tinanong niya kung paano niya nalaman kung alin ang totoo sa mga ilusyon, sinabi ni Andoras na nahirapan siyang tukuyin kung alin ang totoo dahil sa madilim, ginamit niya ang liwanag at nakitang iisa lang sa 4 ang may taglay na anino at ito nga ang pinatamaan niya ng espada.
"Ngumiti si Mostar at nagpasalamat sa isang magandang laban ngunit sinabi rin nito na kung iyon lang ang kakayahan niya ay mahihirapan siyang makalapit sa Reyna, dahil sa mga heneral pa lamang ay mamatay na siya.

Sabado, Hunyo 11, 2011
LABANAN PT 8
Ngunit isinantabi ni Axillo ang bagay na iyon, imposibleng maging si Reyna ang babaeng nakasuot ng baluwana, ngunit nakasisiguro siyang isa itong makapangyarihang encantada.
Nag-umpisa ng bumuhos ang ulan ang mga maninipis na sinulid ng aura ni Camus ay unti unti ng nawala sa paningin ni Ravenum, bagay na ikinasiya ni Camus, hindi niya na mahuhulaan ang gagawin niya dito, nagdesisyong lumayo at magtago sa paningin ni Camus si Ravenum tumungo siya sa maliit na kagubatan, at tulad ng inaasahan ay sinundan siya ni Camus.
Sina Sipya naman at Adwayan ay patuloy sa paglalaban, delikado ang lagay ni Adwayan lalo nat paubos na ang kanyang punyal, sa huling punyal niya ay nagdesiyon siyang patamaan ang kamay ni Sipya sabay susugurin niya ito ng kanyal espada. GAnun nga ang pinalano niya nag-abang siya ng magandang pagkakataon, at ng dumationg ang oras na yon ay binato niya ng ubod lakas ang kanyang punyal na inaasinta ang palad ni Sipya, tumagos ang punyal at napako sa puno ang isang kamay ni Sipya, susugod si Adwayan ngunit pinigilan siya ng isang kamay nito, sa di inaasahang pagkakataon ay nakita niya ang pana na ginamit kanina ni Ravenum, pinulot niya ito at plano niyang isaksak kay Sipya, ngunit naramdaman niyang nahihilo siya, parang nawawala ang ulirat niya, lumayo siya at malakas na halakhak ang ginanti ni Sipya, sinabi niyang nakalimutan ata ni Adwayan na siya ang biniyayaan ng kapangyarihan ng kamandag, ang simpleng pagdampi ng buhok kanina ni Sipya sa kanya ay nagdulot paglipat sa kanya ng kamandag, naisahan siya nito.
Si Andoras naman ay tila sinusuwerte, nawala ang halimaw na lakas ni Mostar sa pagtakip ng ulap sa liwanag ng buwan, malakas parin ito at nasa anyong taong lobo pa rin, ngunit hindi tulad ng una niyang pagsugod, kakayanin niya na ito, binunot niya ang isa pa niyang espada at pumormang panlaban, Si Mostar naman ay Umalulong at muling nag-ibe ng anyo, isa na itong ganap na lobo, higit na malaki kesa sa isang normal na lobo, singlaki ito ng isang kalabaw, sinugod siya nito, totoong nawala na ang lakas ni Mostar ngunit napakabilis naman nito, nawawala ito sa dilim ng gabi, hindi niya masundan, higit na mabilis kesa kay Narvas.
"Babae huling pagsamo kong tangalin mo ang baluwana at magpakilala" wika ni Axillo, ngunit tumangi si Aquila, sumugod ito kay Axillo, humuhuni ang lupa sa kanyang pagsugod, aatras sana si Axillo ngunit tila nagkarro ng kamay ang lupa at hinuli ang kanyang mga paa, namalayan na lamang niya na nakatutuok na sa leeg niya ang mga arnis ni Aquila.
"tapos na ang laban na ito, bago kita paslangin nais kong malaman kung bakit ka naglilingkod kay Ferona" Sabi ni Aquila, Mayamaya'y nakikita ni Aquila ang tubig sa kamay ni Axillo, ang kaninang kadenang tubig na ginamit niya sa isang Akor ay nag-iba ng anyo, isa na itong armas na pandigma may ,mga matatalas na patalim sa dulo, anim na kuwerdas ng kadenang tubig, winasak nito ang lupang kaninang may tangan sa paa niya, agad agad na lumayo si Aquila. Tinangal nito ang baluwana nito at namangha si Axillo, daglian niyang binawi ang kadena ng buhay at yumuko sa harap ng babaeng kanina ay kanyang kalaban.
Si Adwayan naman ay tuluyan ng nawalan ng malay, naka higa ito sa putikang lupa, nilapita siya ni Sipya upang ihatid ang huling pagsugod, desidido siyang tapusin si Adwayan, akmang iababaon ni Sipya ang kanyang mga kuko sa walang malay na katawan ni Adwayan ng bumangon si Adwayan at itinulak papunta sa kanyang direksyon ang sarili niyAng mga kuko, bumaon ang kuko sa katawan ni Sipya, pareho na silang may lason, parehong nanghihina, ngunit ng oras na hihimatayin na si Adwayan ay biglang nagliwanag ito, lumipad ang mga tuyong dahon patungo sa kanyang direksyon, binalot siya nito, nagliliwanag, tila nawawala ang epekto ng lason, lumalakas siya, ilang sandali pa ay bumalik na ang buo niyang lakas, nakita iyon nila Aquila at Axillo, na ngayon ay magkasama na. si Sipya ay nakahandusay na sa putikan, paalis na sila ng bumangon si Sipya at sinugod si Aquila, nakita iyon ni Axillo at itinulak papalayo si Aquila, bumaon ang mga pangil ni Sipya sa leeg ni Axilo, inundayan naman ni Adwayan ng saksak si Sipya
" Ang lason sa laway ko ay daang beses na mas makamandag kaysa sa kamandag ng aking kuko" wika ni Sipya at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
"Nakita ko ang ginawa mo kanina ng pagalingin mo ang sarili mo, tulungan mo siya , pagalingin mo siya" utos ni Aquila
Ngunit hindi alam ni Adwayan ang gagawin,a ang alam niya ay kusang gumalaw ang mga dahon patungo sa kanya, hindi niya alam kung kaya niya bang tulungan ang naghihingalong si Axillo. Nilapit niya ang mga palad niya dito gaya ng dati niyang ginawa kay Andoras ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay hindi ito umubra. Tuluyang binawian ng buhay si Axillo, nakadama ng galit si Adwayan sa sarili dahil wala siyang nagawa sa ganoong sitwasyon. Sinabi ni Aquila na walang panahon para magluksa, at aalalahanin ng mga encantadia ang kabayanihang ginawa ni Axillo, ngunit hindi naintindihan ni Adwayan ang binangit ni Aquila, kanina lang kasi ay kaway nila ito, ano naman kayang kabayanihan ang ginawa ni Axillo?

Huwebes, Hunyo 9, 2011
LABANAN SA SETRO PT 7
May konting piging na idinaos sa gabi ng pamamaalam ni Ravenum sa lugar ng mga Akor, sinabi ni Aquila na aalis sila bukas ng umaga, malayo pa ang lalakbayin nila, tatawirin pa nila ang pulang dagat upang makarating sa bayan ng Damian, lugar kung saan ipinatapon ang dating batang si Onestes,
Mahimbing na pinalipas ng 4 ang gabi, at pagsilip nga ng haring araw ay naglakbay na sila.
----
Maya maya pa sa lugar ng mga Akor ay may apat na sundalo ang dumating, masasabi mong may posisyon ang mga ito dahil sa mga baluti nila, naiiba sa normal na sundalo ng Adian, sila sina Axillo, Camus Sipya at Mostar. Tinungo nila ang matandang tagapangalaga, ngunit mariin silang pinigilan ng isang sundalong Akor, sinabi niyang nagpapahinga ang tagapangalaga at hindi ito maaring makita ng kahit na sino, nagalit si Mostar at binitbit ang sundalong Akor, sabay inihagis palayo, aktong susugod sana ang iba pang sundalo ngunit sa kanilang pagtataka ay hindi na sila makagalaw, nalaman lang nila na si Camus ang may kagagawan ng bangitin ito ni Sipya, sinabi ni Sipya kay Camus na ipagpatuloy lang ang ginagawa at tatapusin niya ito gamit ang kaniyang lason, pinigilan naman sila ni Axillo at sinabing hindi iyon ang pakay nila sa pagpunta sa bayan na iyon, hindi makikipagtulungan ang mga Akor kung gagamitan nila ito ng dahas, nilapitan niya ang sugatang sundalong Akor na binasibas ni Mostar, Sa mga kamay ni Axillo ay dumaloy ang kadenang tila tubig at wariy iginapos ang sugatang sundalong Akor, laking gulat ng mga Akor ng makitang gumagaling ang sugatang sundalo, napagtanto nila na ang isang ito ay isang engkantada, gumagamit siya ng kapangyarihan ng tubig at metal, marahil ay mula sa Angkan ng Postra, lalo silang nadismaya kay Axillo, isang engkantada na naglilingkod kay Ferona? Batid ni Axillo ang mapanghusgang mga mata na nakatingin sa kanya, sinabi niyang, tumungo na sila sa lugar ng Damian sa kadahilanang duon pinatapon ang isa pang bata, sa pagtalikod nila ay isang bata ang bumato ng putik sa kapa ni Axillo, tiningnan niya ang bata at tinawag siya nitong taksil, akmang susugurin ni Mostar ang bata ngunit muli siyang pinigilan ni Axillo.
Sila Aquila naman ay naghahanap ng mahihiram ng panlayag na tinawag na Yesla na hinihila ng isang pachneang nabubuhay sa tubig na kung tawagin ay Gelata. Mukha itong malaking kalabaw na may buntot ng isda, may matang nakaluwa na til sa isang isda, ngunit bawat pagtanungan nilang manlalayag ay tinatangihan sila, may parating daw kasing bagyo, at mas makabubuti kung maghihintay na silang umalis ang bagyo, nag-alala naman si Aquila at sinabing wala silang sapat na oras para hintayin pa ang pagpawi ng sama ng panahon. Tumangi naman si Adwayan at sinabing mas makabubuti kung susundin nila ang mga manlalayag, kabisado nila sang dagat at wala silang karanasan a pagtawid ng dagat. Humanap sila ng murang bahay panuluyan ngunit ng wala silang makita ay nakiusap sila sa ilang bahay na makituloy, isang maliit na bahay ang pumayag na magpatuloy sa kanila, pagmamay-ari ito ng mag-asawang mula sa angkan ng Jabuya, ang angkang may kakayahang tawagin ang mga isda, sinasabing sila ay mula sa dugo ng mga sirena.
Lingid sa kaalaman nila Aquila ay sinuplong sila ng 2 mag-asawa dahil na rin sa pabuyang nakalaan sa kanilang pagkakadakip, naulinigan ni Adwayan ang pagdating ng 4 na kapitan, malakas ang pang-amoy niya, dahil na rin siguro sa lugar na kinalakhan niya, sinabi niya ito kay Aquila, at nagdesisyon silang dumaan sa bintana para tumakas, rinig na rinig nila ang galit ng mga taong kausap ng 2 mag-asawa ng malaman na wala na sila sa lugar, narinig din nila ang hiyaw ng tulong ng asawa, ngunit walang dumarating, sumugod si Adwayan sa lugar ng mag-asawa, plano niya itong tulungan, wala ng magawa sila Aquila kundi sundan si Adwayan, pagbukas ng pinto ay nakita nilang sakal sakal ang babaeng Jabuya ng isang taong lobo, sabay sabi nitong, nandiyan na ang pakay niyo, alam naman niyang darating ito pag narinig ang sigaw nila, at ng magtanong ang mag-asawa tungkol sa pabuya ay nilapitan sila ni Sipya, ang akala ng dalawa ay iaabot ang pabuya, ngunit isang baon ng matalas na kuko ni Sipya ang natangap nila.
"Ako si Sipya ang kapitan na tinawag na kamandag, maisasalba niyo sila kung susuko kayo samin ng matiwasay, Magmadali lamang kayo sa inyong desisyon dahil mabilis ang pagkalat ng aking kamandag" saad ni Sipya
"Ang mga katulad mo ang hindi tumutupad sa pinag-usapan, alam kong tatapusin mo kami sa oras na sumuko kami" sabi ni Adwayan, sadyang malaki ang galit niya sa mga ito.
"Matalino ang binibini, mukhang may potensiyal isasalba ko kayo ng mga kasama mo kapag sumuko kayo, at hihilinging ilagay sa pangangalaga ko" ani Camus
"Sheda, walang karangalan ang mga katulad mong Adian, tatapusin ko ang pangugulo niyo para sa karangalan ng mga Akor. Sabi naman ni Ravenum
Napansin ni Aquila ang isa sa 4 may aura ito ng isang Encantada kaya kaniya itong inurirat,
"ikaw lalaking may suot na kulay bughaw na kapa, isa kang encantada hindi ba? Nawala na ba ang karangalan mo kaya't sumapi ka sa Adia?"
Mabilis namang sumagot si Axillo, " Wala ka sa posisyon para kuwestiyunin ang karangalan ng aking pagiging Encantada, mga simpleng rebelde lang kayo na nagdudulot ng gulo sa Encantadia"
"Lumapit ka at sagutin ang espada ko at malalaman mong may karapatan akong kuwestiyunin ang pagiging encantada mo" seryosong sabi ni Aquila
Isang wasiwas ng mga kuko ni Mostar na naganyo ng taong lobo ang muntik ng tumama kay Andoras, ngunit nasanga niya iyon ng kanyang espada. "Mabilis ka, nakakatuwa at mukhang malilibang ako sa larong ito" sabi ni Mostar.
"Tingnan natin kung malibang ka pa kapag nagkalat na ang dugo mo sa lupaing ito, nasisigurado kong mas malansa pa yan sa mga isdang kinakbuhay ng mga tao dito" sabi ni Andoras habang itinutulak palayo ang mga kuko ni Mostar gamit ang kanyang espada,
Sinugod naman ni Adwayan si Sipya gamit ang kanyang punyal, alam niyang kailangan niyang iwasan ang bawat kuko nito dahil sa nakita niya ang paraan nito. Nagdesisyon siyang dumistansiya dito at gamitin ang mga punyal niya at ibato sa direksyon ni Sipya, ganun ang itinuro sa kanya ni Aquila.
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naramdaman ni Adwayan na hindi niya maigalaw ang katawan niya, pasugo na ang mga kuko ni Sipya sa kanya ng nagliparan ang mga pana ni Ravenum sa lugar ni Camus, malinaw sa mga mata ni Camus ang mga malalabong sinulid na gawa sa aura nito ang binaibid kay Adwayan, Nagulat si Camus sa pinamalas ni Ravenum, alam niyang mahihirapan siya rito. Isang ngitia ang sinukli ni Ravenumsa kalaban sabay sabing "Maari pa kayong sumuko kung nanaisin niyo"
"Tangalin mo ang iyong baluwana babae, sigaw ni Axillo, dumistansiya na rin sila sa lugar ng iba pang naglalaban, ngunit sa halip na tangalin ni Aquila ang kanyang baluwana ay hinugot niya sa kanyang baywang ang kanyang arnis, Nagulat si Axillo sa nakita, alam niya ang alamat ng Arnis na iyon, alam niya kung sinong nagmamay-ari noon, ang Reyna ng sinaunang nangalaga sa brilyante ng lupa, Ang Reyna Danaya………………

Martes, Hunyo 7, 2011
LABANAN SA SETRO PT. 6
Mataas na ang araw ng magising si Andoras, sa pagtataka niya ay naghilom na ang kanyang mga sugat, nagtaka rin si Aquila sa kadahilanang hindi naman siya ang may gawa noon, tinangi din ni Adwayan ang bagay na iyon, Ngunit sa totoo ay kagagawan yon ni adwayan na mismong siya ay kinagulat nya rin, Nais niyang ilihim ang bagay na iyon hangat hindi niya pa lubusang nauunawaan ang kakayahan niyang iyon.
Nagpatuloy sila sa paglalakbay, ang susunod na bayan ay mula sa angkan ng mga nuno at duwende, kabilang dito ang angkan ng Akor, pakay nilang kunin si Ravelum, bago pa man sila makapasok ng bayan, ay nagtanong na si Adwayan kung para saan ba at naglalakbay sila, wala siyang alam sa babae, at siya ay pangkaraniwang engkantada lang, wala namang pakialam si Andoras, basta makakakitil siya ng buhay ng ilang sundalong Adian ay masaya na siya, sundalong Adian kasi ang kumitil sa nanay-nanayan niya sa bundok ng Mustre. Tumugon si Aquila at sinabing may paniniwalang sila ang nabangit sa propesiya ng aklat ni Cassiopeia. Marahil ay nahihibang na si Aquila pakiwari ni Adwayan at Andoras, oo nga at may kakayahan si Andoras sa espada ngunit kung ikukumpara sa mga kapitan o heneral ay wala siyang panama, ang isang bayarang mamamaslang nga ay muntik niya ng ikamatay, lalo naman si Adwayan, na ang unang alam lang ay mangagat at mangkalmot, pasalamat na nga lang kay aquila at natuto siyang humwak ng armas ngunit alam niyang baguhan pa lang siya dito. Inisip na lang nila na baka malalakas ang iba pa nilang makakatagpo, ngunit mariing itinangi iyon ni Aquila, at sinabing mga bagito rin silang katulad ng 2. Isang malalim na buntong hininga ang sinukli ni Adwayan at sinabing nagpapakamatay sila.
Tumungo sila sa landas patungo sa angkan ng Akor, isang kasiyahan ang nagaganap sa buong bayan, alam nilang nagbalik na ang Reyna lalo na at mga lamang lupa sila, alam nila kung ang Reyna ng lupa ay nagbalik na, isang pulutong ng nagkakagulong mga Akor ang sumalubong sa kanila, tangan nila ang mga kayamanang ipon na inalay kay Aquila, laking pagtataka naman nila Adwayan at Andoras, nagkatinginan, sigurado na silang importanteng tao ang kanilang kasama, sa pagyuko ng mga Hollias, sa paggalang na ipinakita ng matandang babaylan ng bundok ng Mustre at ngayon sa lupain ng Romera sa piling ng mga Akor. Agad ipinakita ng mga Akor si Ravelum, binata na ito at makisig, may mga mata itong nagliliyab , may katangkaran, nakasuot ng pandigmang Akor, at panang binasbasan ng tunkod ni Imao. Magaling at asintado ang mga duwende at nuno, liumalaki kasi silang pana ang gamit sa paghanap ng mga pagkain, bagay na natutunan ni Ravelum. Alam na ng mga Akor ang pakay ni Aquila sa kanila, sinabi nilang hinanda na nila ang mandirigma sakaling kailanganin nila ito, ngunit ang kakayahan na nalaman niya ay sapat lamans para sa isang sundalong Akor, hindi kalakasan.
"Sapat na ang ginawa niyo, at maraming salamat" ang wika ni Aquila.
----
Sa lugar naman ng Adian ay nakarating kay Reyna Ferona ang pagkagapi ng bayarang mamamaslang na si Narvas, nagngangalit siya sa balitang natangap, tinawag niya ang 3 magkakapatid na kapitan, si Sipya ang nagtataglay ng kapangyarihan ng kamandag, si Mostar ang may angking kapangyarihan ng taong lobo, at si Camus na biniyayaan ng kakayahan ng pagkontrol.
Inutusan silang tugisin ang mga nilalang na pumaslang kay Navras, Sumangayon ang 3 at sinabing mas makakabuti kung magsasama sila ng isang engkantada, Hinayaan naman sila ng Reyna at sinabing isama ang kapitan na si Axillo ang engkantadang gumagamit ng kadena ng buhay. Sinama nila si Axillo hindi upang tulungan sila, sinama nila ito upang patunayan sa reyna ang kataksilan nito, alam ng tatlo na ito ang nagbibigay ng pagkain sa mga bilanggo, at ito rin ang nagdesisyong bigyan ng 20 minutong pahinga sa trabaho ang mga alipin. Kung hindi namn nila mapatunayan, ay papaslangin nila ito at sasabihing napaslang ng rebeldeng kinaharap nila.

LABANAN PT 5
Nagpatuloy si Aquila at Adwayan sa paglalakbay, tuwing mahihinto sila ay tinuturuan siya ni Aquila sa tamang paghawak ng sandata, pana, espada, maso, sibat, maging ang simpleng kutsilyo ay tinuro niya dito. Gabi na ng matunton nila ang paanan ng bundok ng Mustre, nagdesisyon silang magpalipas ng gabi sa paanan, delikado ang bundok lalo na at gabi na, nagsindi sila ng maliit na apoy upang magsilbing init sa malamig na gabi, ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay bnati sila ng mga armadong grupo ng engkantada, at iniutos na sumama sila dito, Dinala sila nito sa isang kuweba kungsaan naghihintay ang pinuno ng mga bandidong engkantada. At naroon si Andoras sa piling ng pinuno ng bandidong kinilala niyang Ama, Balton ang pangalan ng pinuno, may katawan ng isang mangangaso, malalim ang mata, at may kasuotang gawa sa patay na Dorero, isang uri ng pachnea, bagay na hindi nagustuhan ni Adwayan. Nagpaumanhin si balton sa pagdakip na ginawa ng kanyang mga kasama, nais lang daw nilang makasigurado na hindi sila espiyang pinadala ng kaharian ng Adia. Sumagot naman si Aquila na makasisiguro silang hindi sila Espiya ngunit may pakay siya sa kanilanng grupo. Mabilis na naghinala ang matandang babaylan at inutos na tangalin ni Aquila ang takip sa kanyang mukha, lumapit ang matandang babaylan upang hablutin ito, ngunit mga damong tila nagsasayawan ang nagsilbing panangga ni Aquila dito, susugod sana ang iba pang mga bandido ng pinigilan sila ng matandang babaylan, lumuhod sa harapan ni Aquila ang matandang babaylan at humingi ng tawad, alam niya ang paraan at kapangyarihang iyon, nakikilala niya ang misteryosong babaeng nagtatago sa pangalang Aquila.
Ngunit ng tanungin ang matanda ni Balton kung bakit ay nanatiling tikom ang bibig nito, marahil ay naunawaan niya kung bakit nais nitong itago ang kanyang pagkakakilanlan.
Hinablot ni Aquila si Andoras sabay sabing "dadalhin namin ang binatang ito". Tumayo si Balton upang pigilan si Aquila ngunit sinuway siya ng babaylan. Ng mapagtanto ni Balton na wala siyang magagawa ay hinamon niya sa isang labanan si Aquila, at kung siya ay matalo ni Aquila ay malayang makakasama ang kanyang anak-anakan sa kanila. Tinakda ang labanan bago sumigaw ang haring araw.
Tahimik na nanonood ang lahat ng diwata, magsisimula na ang laban ng kanilang pinuno sa estrangherang nakatakip ang mukha. Matagal tagal na rin ng huli nilang makita ang bangis ng kanilang pinuno, nakasisiguro silang walang laban ang balingkinitang babae. Nilabas ni Balton ang Palakol ni Destal, may 2 metro ang haba ng hawakan na gawa sa kahoy at isang metro ang haba ng talim. Si aquila ay pinilang pumutol ng 2 diretsong sanga sa puno malapit sa kanya, at iyon ang nagsilbi niyang sandata. Sinugod siya ni Balton na winawasiwas ang malking palakol ngunit gaya ng inaasahan ni Aquila ay hindi ito ganong kaliksi marahil na rin ay sa laki ng pangangatawan nito at sa laki na rin na hawak nitong sandata, isang malakas na wasiwas ang simulang panugod ni balton, naiwasan ito ni Aquila at nakalayo, sa ganoong posisyon ay hindi siya kayang abutin ng palakol, ngunit ibinato ito ni balton, huli na upang umiwas pa siya, sa gulat ng lahat ay pinigilan ni Aquila ang palakol sa pamamagitan ng pagsalo nito sa sa kanyang talim gamit lamang ang kanyang kamay, iniabot niya ang palakol sabay sabing "ang mga mineral na nagmula sa lupa ay pagmamay-ari ko, gawa sa kahoy at metal ang armas mo, bagay na sakop ng aking kapangyarihan."
Isang malakas na hiyawan ang sinukli ng mga bandido sa namalas nilang labanan, isang piging ang naganap, para sa pagdayo sa kanila ng magiting na mandirigma at para rin sa paglisan ni Andoras, nanumpa rin ang mga bandido ng katapatan kay Aquila. Nagpasalamat naman si Aquila sa tinuran ng mga bandido at sinabing kinakailanga nila ang lahat ng tulong na makukuha nila, sinabi niya ring lilisanin nila ang lugar bago pa ang umaga.
Sa kanilang paglisan ay nakasunod ang 2 matalim na mata, mga mata ng mamamaslang na si Navras, uhaw sa dugo.
Dumaan sila sa disyerto ng Penopyo,isang disyertong walang nabubuhay na nilalang, mainit at pawang mga butil na buhangin ay iyong makikita, isang malawak na lupain na punong puno ng buhangin. Isang lugar na hindi dinadatnan ng luha ng bathala, lugar na kinalimutan na ng panahon.
Sa kalagitnaan ng paglalakbay ay bumagsak si Adwayan, hindi siya sanay sa ganoong kundisyon ng klima, nabuhay siyang sagana sa mga kakahuyan at mahanging klima. Ito rin ang pagkakataong hinihintay ni Navras, ang hintaying manghin ang mga kalaban at saka niya ito susungaban. Hinugot nito ang balikukong patalim sa harap ng 3 sabay wikang "Kailangan ko ng mga buhay niyo" Hinugot ni Andoras ang kanyang espada, sanay siya sa pakikipaglaban, lumaki siya sa piling ng mga mangangaso at bandido. Kung sa sandata lang ay alam niyang hindi siya pahuhuli dito, ngunit nagkamali siya, bihasa ang mamamaslang sa paggamit ng patalim na kung tawagin ay Nimbula isang patalim na bumabalik sa may-ari sa oras na ihagis niya ito. Puro pagsanga ang nagawa ni Andoras samantalang si Aquila ay idinistansiya ang naghihinang si Adwayan. Isa lang ang ginagamit na Nimbula ni Navras nag-aalala si Andoras kung anong gagawin niya sa oras na ibato nito ang isa pang Nimbulang hawak nito. Mabilis si Navras sa pagpalit palit ng lugar at pagsalo nito, mahirap sundan ng mata, Isang matalim na punyal ang tumama sa likuran ni Andoras sa pagwasiwas nito sa pangalawa nitong Nimbula. Napaluhod si Andoras sa natamong sugat. Nanatiling nakamasid lamang si Aquila, inisip niyang ito ang pinakamagandang pagkakataon upang masubok si Andoras, nagkunwari siyang inaalagaan si Adwayan, ngunit ang totoo ay mabuti ang lagay ni Adwayan, inisip niyang makikialam na lamang siya sa oras na manganganib ang buhay ni Andoras. Sa gitna ng labanan ay makailang beses na tinamaan ng punyal ng Nimbula si Andoras, sa panahon na iyon ay narinig niya ang sigaw ni aquila, "ang kahinaan ng Nimbula ay ang lakas nito" Ngunit hindi niya iyon maintindihan, hindi rin naman iyon pinansin ni Narvas, sa kadahilanang hindi niya rin iyon maintindihan, malakas ang kakayahan niya at matalas ang Nimbula, hindi maaring maging kahinaan nito ang kanyang talas. Napansin ni Andoras na bumabalik ang Nimbula kay narvas sa oras na ihahagis niya ito, noon niya lamang lubusang naintindihanang sinasabi ni Aquila, hindi niya masundan sa bilis si Narvas, bagkus ay susundan niya kung saan direksyon babalik ang Nimbula at itatarak ang kanyang espada, ngunit kung iiwasa niya ito ay babagal ang paghabol niya dito at mawawalan siya ng pag-asang manalo at mahuhulaan ni Narvas ang ibig niyang gawin kaya nagdesisyon siyang tangapin ang susunod na atake ni Narvas at ganoon nga ang ginawa niya, hinintay niya ang muling pagbato ni Narvas ng Nimbula,isang malalim na sugat ang tinamo niya sa pagghit ng Nimbula sa kanyang dibdib halos himatayin siya sa sakit na naramdaman, ngunit pinilit niya pa ring sundan ang direksyon na tatahakin ng Nimbula, sabay tarak ng espada sa direksyon na iyon, hindi nga siya nagkamali, naroon at naghihintay na bumalik sa kanya ang kanyang sandata. Nanalo siya, ngunit kasabay ng kanyang pagkapanalo ang pagkawala ng kanyang ulirat.
Buong pagmamalaking binitbit ni Aquila ang walang malay na si Andoras, tinawag niya ang mga buhangin at ginawa sila nito ng isang maliit na masisilungan, at doon sila nagpalipas ng magdamag,

LABANAN SA SETRO PT.4
Nakarating kay Reyna Ferona ang pangyayari sa bahay panuluyan at inuutos ang pagtatala ng imahe ng dalawa sa libro ng Andreas, libro na naglalaman ng mga kriminal at pabuyang nakalaan sa pagkakadakip o pagpatay sa kanila.
Nagtaka siya nung sabihing may kakayahang tumawag ng mapanganib na halaman ang nakasagupa ng mga sundalong Adian, ang alam niya ay nalipol na niya ang angkan ng Floren ang angkan na nagmula sa linya ng dugo ni Reyna Danaya. Inisip niyang may nakaligtas, pero sa tingin niya'y hindi ito dapat pag-aksayahan ng panahon, tinawag niya ang bayarang mamamaslang na si Navras, at inutos ang pagtugis sa 2 nilalang.
Tinawag niya rin ang kanyang heneral na si Leveros at inutos na kunin sa kulunga ang matandang si Orke, nais niyang marinig ang mga kuwento sa Aklat Ni Casiopeia, karamihan sa mahahalagang kayamanan ng mga diwata ay pagmamay-ari na ni Reyna Ferona, kasama na nga ang Aklat ni Casiopeia. Ngunit kailangan niya ng isang engkantadang may angking talino at abilidad na maintindihan ang mga nakasulat dito, dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ang matanang si Orke.
Ilang sandali pa ay dumating na nga si Orke, nakagapos, payat na payat na at tila hinang hina na, biniro siya ng reyna na kung maaari ay huwag muna itong mamamatay, dahil hindi pa ito nakakakita ng kapalit niya, huwag daw itong mag-alala dahil sa oras na makakita na siya ng kapalit niya ay siya na mismo ang kikitil sa buhay ni Orke, sinabi niyang ipagmalaki niya at ang reyna ang tumapos ng buhay niya.
Sa isang kumpas ng kamay ng Reyna ay lumapit ang libro ni Casiopeia, libong taon na ang lumipas ng ilipat ni Casiopeia ang kaalaman niya rito, ngunit nananatili itong bago at kumikinang sa ginto. Inutos niyang basahin ang mga bagong laman ng Propesiya at sabihin kung anong ibig ipahiwatig nito. Isang butil ng ginto ang kinakailangan sa pagbukas ng libro ang ginto ay nagiging tila isang papel na dumadagdag sa pahina ng libro,
Tumambad kay matandang Orke ang nasusulat sa libro
"Apat ay magiging Anim, walo, sampu at labing dalawa, heto na ang umaga"
-berso 21 pahina 453322 aklat ni Casiopeia
Alam ni Orkeng magtatagpo ang 5 sinag ngunit hindi niya maipahiwatig kung bakit naging 12 ang paa gayung dapat ay 10 lamang, alam niya rin na kailangan niyang magsinungaling sa Reyna upang ikubli ang tunay na magaganap, Iniba niya ang nakasulat, si Orke ay may kakayahan din ng panlilinlang, kaya niyang ibahin ang korte ng isang bagay gamit ang ilusyon. Ngunit ang ilusyon ay mawawalan rin ng bisa paglipas lang ng ilang sandali, sapat na ang oras na iyon upang malinlang niya ang Reyna, sinulat niya ang mga katagang
"Ang pachnea ay mananatiling pachnea at ang Reyna ay mananatiling Reyna"
Halakhak na matunog ang sinukli ni Reyna Ferona, sabay sabing pinasisiya siya ni Orke, inutos niya ring ibalik na sa kulungan si Orke at bigyan ng masarap na ulam ngayong gabi, ang 1 piraso ng tinapay na may amag ay gawing 2 at ang tubig ay lagyan ng asin upang magkalasa. Nagpasalamat si Orke sa panunuyang ginawa ng Reyna, lingid sa kaalaman ng Reyna na siya ang nalinlang.
Sa kulungan ay naroon ang iba pang engkantada, mga nanlilimahid, buto't balat at nanghihina, ang dating makisig na heneral na si Menos ay isa ng matandang binawian ng boses, kagagawan ng setro ni Camilla. Ang mga sumpang nalalaman niya ay hindi na mabigkas isa na siyang matndang walang kalaban laban. Tuwang tuwa si Orke na binalita sa iba ang laman ng propesiya, natuwa ang iba ngunit ang karamihan ay tila nadismya na hangang ngayon ay naniniwala pa rin siya sa Diyos at propesiya, matagal na asing tumalikod sa pananampalataya ang iba dito. Ngunit ipinagkibit balikat na lamang iyon ni Orke. Dumating ang hapunan at ganun na nga ang naibigay kay Orke, sa iba naman ay Tig-kalahating tinapay na may amag at maruming tubig na galing sapa, lumapit si Orke sa mga bata at gumawa ng ilusyon ng masarap na pagkain kapalit ng tinapay at tubig. Isang pampalubag-loob sa kumakalam na sikmura

LABANAN PT3
Isang babaeng nakatakip ng baluwana, isang uri ng panakip sa mukha ng mga kababaihan ang nagmamasid sa 5 gamit ang Kotar ni Bersillius, isang uri ng krystal na ginagamit sa digmaan upang magespiya sa kalaban. Hinihintay niya ang tamang oras, kung kailang ay hindi niya rin alam. Una siiyang tumungo sa lugar ni Adwayan, sa dulong hilaga ng Hordes sa lugar kung saan malayang nabubuhay ang mga uri ng hayop, balak niyang kunin si Adwayan, desidido siyang tupadin ang propesiya sa aklat. 2 malalaki at matatalas na pangil ang sumalubong sa kanya sa bungad pa lang ng Hordes, ngunit sa sulyap sa mga mata nito ay biglang umamo ang Pachnea, isang hawak sa sanga at tumubo ang tila napakatamis na bunga na binigay niya sa pachnea. Kahangahanga.
Tumungo siya sa lugar ng mga Hollias, mga matataas na uri ng pachnea, may kakayahan silang mag-isip ng tila isang normal na nilalang, at naroon nga si Adwayan, nababalot siya ng damit na gawa sa dahon, pinagtagmi tagmi, panapin sa paa na gawa sa kahoy, mahaba ang buhok at nagtataglay ng ganda ng isang Sangre, kaayaaya para sa isang nilalang na lumaki sa piling ng mga pachnea,
Nakipag-usap ang misteryosong babae sa matatandang Hollias, at hiniling niya ang basbas na maisama si Adwayan sa kanyang pag-alis. Hiniling ng mga Hollias na tangalin ng babae ang takip nito sa mukha pero mariin siyang tumangi at sinabing pinagbawalan siya ng Diyos na si Emre na Ipakita ang kanyang mukha, hindi naging madali ang pakikipagkasundo sa mga Hollias, sinabi nilang may dalang suwerte si Adwayan at mula ng dumating si Adwayan ay naging maganda ang tubo ng kanilang pananim, Inalok ng babae ang buto ng puno ni Onad, na nagbibigay ng matabang lupa sa lupaing nakatanim ito, isang buto na pag-mamay-ari ni Sangre Danaya, nagtaka ang isa sa mga Hollias at tila ba pamilyar ang mga mata ng babae, ng napagtanto ng Hollias ay bigla siyang yumuko at humagulgol, sabay wikang ang tagal naming hnintay ang iyong pagbabalik. Lumisan sila Adwayan at ang babae sa lugar nanatiling mga ngiti ang sinukli ng Hollias, ngitng punong puno ng pag-asa na darating na ang wakas ng pang-aapi, babalik na ang kapayapaan, bumalik na siya.
Naglakbay ang 2 patungo sa bundok ng Mustre, sinabi ng babaeng tawagin na lang siya Aquila ni Adwayan. Ngumiti lang si Adwayan, hindi siya kampante sa babae, tila ba may bukod sa kanyang mukha ay may iba pa itong inililihim mula sa kaniya. Ngunit sabi naman ng mga Hollias ay magtiwala siya rito ng buong puso.
Sa kanilang daan ay huminto sila sa lupain ng Anotor, lupain na pinamamahalaan ni Heneral Dobleras, pinuno ng ikatlong debisyon ng pulutong ni Reya Ferona, kailangan nilang daanan ang bayan na ito upang marating ang bundok ng Mustre, Huminto sila sa isang bahay panuluyan upang magpalipas ng gabi, na sa baba ay may nagkakagulong mga sundalong Adian, malalakas na tawanan ang maririnig mula sa mga ito, mga engkantada ang nagsisilbi sa mga ito, naging alipin na lang ang mga engkantada simula ng maalamat na digmaan sa lupain ng Redentor, isang engkantada ang sinubukang bastusin ng isa sa mga sundalong Adian, ngunit nanlaban ito, isang malakas na sampal ang sinukli ng sundalo, Inutusan ni Aquila si Adwayan na umakyat na at huwag pansinin ang nagaganap na awayan, ngunit ng narinig ni Adwayan ang isa pang matunog na sampal ay hindi ito nakapagpigil at sinungaban niya ang isa sa mga sundalo, Tila ba isang nagwawalang pachnea ang sumugod sa sundalo, isang mabangis na nilalang na handang kitlin ang buhay ng sundalo. Tumayo ang iba pang mga sundalo ngunit ng akmang tutuong sila ay mga baging na may tinik ang pumulupot sa kanila, kagagawan ito ni Aquila, na nagbantang isang maling hakbang nila ay babaon ang mga tinik sa kanilang malalambot na katawan pipigain sila hangang mawalan ng buhay, bumitaw si Adwayan sa pagkakapasan sa isan sundalo, Nakipagkasundo si Aquila na pakakawalan sila kung mananatiling lihim ang nangyari sa lugar na iyon at pumayag naman ang mga sundalo, bagay na hindi ikinatuwa ni Adwayan, kahit kasi sa malayong lugar ng Hordes ay maririnig mo ang balita ng pang-aapi ng mga Adian, kaya lumaki siyang may galit sa mga ito.
Dali daling nagdesisyon si Aquila na umalis, sa kadahilanang maaring hindi tumupad sa kasunduan ang mga sundalong Adian at sila'y tugisin, kailangan manatiling lihim ang kanyang misyon hangang dumating ang tamang oras, ngunit mariing tumangi si Adwayan, sinabi nilang nararapat lang lalo na manatili sila sapagkat ang mga engkantadang maninilbi ang mananagot kapag hindi sila natagpuan ng mga ito. Isang mariing suntok sa sikmura ang tinugon nI Aquila, dahilan upang mawalan ng malay si Adwayan at sapilitang dalhin ni Aquila at itago sa katabing gubat nito.
Nagising si Adwayan na mahapdi ang sikmura, tanaw na tanaw niya ang usok na nagmumula sa bayan, iyon ang lugar ng panuluyan, natanaw niya sa di kalayuan si Aquila na pinagmamasdan ang apoy, sinugod niya ito at mariing sampal ang ginanti niya dito, Nanatiling tahimik si Aquila at umiiyak, kinuwestiyon siya ni Adwayan sa desisyong ginawa niya, kung paano siyang nakatitiis na pinapanood ang apoy, samantalang sana ay nakatulong sila, Sinabi ni Aquilang hindi pa ito ang tamang oras, at mas makatutulong kung maghihintay sila. Hindi ito matangap ni Adwayan, sinabi niyang babalik siya sa bayan at tutulong. Hindi siya pinigilan ni Aquila sabay tinanong kung anong kaya niyang gawin, marahil ay nandoon na ang isa sa mga kapitan o ang isang heneral, ano ba ang kaya niyang gawin lalo na at sa isang ordinaryong Adian ay galos at kalmot lang ang nagawa niya. Natigilan si Adwayan alam niyang may katotohanan sa sinabi ni Aquila, ganon ang paraan ng pakikipaglaban niya, ganon ang natutunan niya sa mga pachnea. Sinabi ni Aquilang sa tagal niyang pinagmamasdan ang hirap ng mga engkantada, hindi lang sunog ang nakita niyang paghihirap, na ang mga bagay na ito ay normal na sa pang-arawaraw. Hindi sa wala siyang ginagawa dito, wala lang talaga siyang kakayahang gawin ang lahat ng mag-isa. Namulat si Adwayan at hiniling kay Aquila na turuan siya ng paraan ng pakikipaglaban. Sumang-ayon si Aquila sabay sabing ituturo rin niya dito ang paggising sa kaniyang kapangyarihan.

ANG LABANAN SA SETRO NI REYNA CAMILLA PT 2
Kumalat ang propesiya na ikinatakot ng reyna ng Adia na si Reyna Ferona, tinungo niya ang angkan ng natitirang mga Engkantada at pinapatay lahat ng nagdadalang engkantada. Dinayo niya ang dulong lupa ng Dimas at nilipon ang angkan ng Velom, angkan ng magigiting at mga bayani, ngunit ang nasasakupan niyang 5 angkan ng Engkantada ay hinayaan niya, pawang mga alipin nga lang naman sila, baliw lang ang maniniwalang dito mangagaling ang mga sugo, ang mga kapangyarihan nga naman ng 5 angkan ay para sa paggawa at hindi pandigma.
30 gabi ng diyos ang lumipas at sabay sabay na isinilang ang 5 sangol na nagmula sa bawat angkan, Nakaabot ang kaalamn na ito kay Reyna Ferona pero isinawalang bahala niya ang bagay na ito, imposible siyang gapihin ng hamak na dugong alipin lalo na at hawak niya ang setro ni reyna Camilla. Lingid sa kaalaman ng Reyna ay may bigis ang mga sangol(Ang bigis ay ang tawag ng mga Engkantada sa mga balat o birthmark). Ang isa ay kulay pula at parang naglalagablab na apoy, sinasabing narinig ang iyak ni Efeso, ang ikatlong gabay diwa ng apoy kasabay ng pag-iyak ng bata tinawag nila itong Ravelum na ang ibig sabihin ay nagniningas na apoy, ang isa ay may bigis na korteng buto, na wariy isang buto ng matatag na punongkahoy, sinasabing kinasiyahan ang bata ni Sangre Danaya, pinangalanan nila itong Adwayan, na ang ibig sabihin ay matatag na punong kahoy. Ang ikatlo ay may bigis na korteng espada, sinabi ng mga babaylan na ibinaon ni haring Ibarro ang kanyang patalim sa katawan ng musmos na sanggol, pinangalanan nila itong Andoras na ang ibig sabihin ay marangal, ang ikaapat ay may malabong bigis na animoy dampi lang ng hangin, banayad. Sinasabing hinalikan siya ng hangin ni Sangre Amihan, pinangalanan nila itong Onestes na ang ibig sabihin ay kalmado, ang ikalima ay may bigis sa kanyang dila, sinsabing ang dila na iyon ay pagmamay-ari ni reyna Alena, pinangalanan siyang Celestiya, na ang ibig sabihin ay boses, kasabay ng unang iyak ng mga sanggol ang malakas na unos na naranasan ng kaharian ng Adia. Sinabi ng mga matatandang engkantada na nag-uumpisa na ang propesiya ng aklat ni Casiopeia.
Nagbabala ang mga babaylan ng Adia kay Reyna Ferona na may posibilidad na mangyari ang propesiya, inutos ng reyna na dakpin ang 5 sanggol at itapon sa 5 dulo ng lupain ng Encantadia. Baka nga naman mag-aklas ang mga alipin kung ipapapatay niya ito, hindi sa natatakot siya na baka magapi siya ng mga alipin, ngunit sino na lang ang maglilingkod sa mga Adian kapag tinapos niya ang mga ito.
Lumipas muli ang 20 gabi ng diyos at ang 5 ay namulat sa kanya kanyang lugar, si Ravelum sa lupain ng Romera at inaruga ng 2 mag-asawang Akor, mga nilalang na mula sa lahi ng mga duwende, Si Adwayan sa kanlungan ng matataas na uri ng Pachnea, Si Andoras sa bundok ng Mustre sa pangangalaga ngmga bandido at mangangaso, Si Onestes na inaruga ng naghahabi ng gurit, isang uri ng kasuotan ng mga Tupas, mga mangagapas ng lamang dagat, at si Celestiya sa isang matandang bulag. Lingid sa kaalamn nila ay may mga matang nagmamatyag sa kanilang pagsibol, mga matang pamilyar na sa paningin ng Diyos na si Emre.
Lumaki ang 5 na walang alam sa taglay nilang kakayahan, nanatiling nakakubli ang mga iyon, wariy naghahanda sa araw ng pakikipagsapalaran, na magsisimula sa susunod na bukang liwayway.
"5 sinag na uundap undap, magniningas pagdating ng alab, ang alab na dating nabuwag, magaapoy pagdating ng sinag"
-berso 34 pahina 32566 aklat ni Casiopeia
"Magbabalik ang dating nawala, mayayanig ang mga sumumpa'
-BERSO 45 pahina 3465 aklat ni Casiopeia
LABANAN SA SETRO NI REYNA CAMILLA
Libong taon,matapos ang labanan sa setro ng unang Engkantada, matapos pa ang pagbagsak ng Etheria, pagkatapos ng alamat ng 4 na sangre, makalipas pa ang digmaan sa aklat ni Casiopeia, pagkayari pa ng alamat ng batang Engkantada na si Elestria, daang taon matapos ang labanan sa pulang ilog, pagkatapos ng magiting na pagtatangol ni haring Amek sa lupain ng Davinas, at pagbagsak ng matayog na kastilyo ng Enehru………………………………………………..
Naririto at natitipon ngayon ang 12 lahi na bumubuo sa encantadia, sa lupain ng Redentor, lugar ng mga nasawing bayani at heneral ng digmaan, dito isang digmaan na naman ang nagbabadyang maganap, isang laban na masusulat sa lahat ng dahon ng puno ni Danaya, ang laban ng dangal ng bawat nilalang ng encantadia, ang laban sa pagbawi ng setro ni reyna Camilla.
12 pulutong ng mga pinakamalalakas na heneral na pinangungunahan ni reyna Helmechia, ilan sa kanila ay sina Hen. Argus bayani ng 7 dagat, siya ang gumapi sa dayuhan na nagtangkang sakupin ang hilagang bahagi ng Davinas, Si Hen. Aia ang matapang na babaeng heneral na nagmamay-ari ng maalamat ng yelong espada ng bayaning si Silva na ang lahat ng nasa paligid ay nagiging yelo pati na ang hangin, Si Kapitan Mendros, ang kaisa isang bayaning nakabalik matapos maglayag sa karagatan ng Apollonia. Naroon din ang matandang si Orke, isa siya sa mahigpit na tumutol sa digmaan na ito, sinabi niyan isang malagim na katapusan ang naghihintay sa lahi ng encantada, sinasabing ang Matandang si Orke ay isa sa mga biniyayaan ng talino na maunawaan ang matatalinhagang sulat sa aklat ni Casiopeia.
Dito sa Gitna ng Lupain ng Redentor, ay inaasahan nilang salubungin sila ng puwersa ng Adia, ang lahing biniyayaan ng kapangyarihang tumawid sa buhay at kamatayan. Ilang sandali na lang at ang malakas na ugong ng digmaan ay magsisimula na, ilang sandali na lang at ang mga pana sibat at espada ay magpapang-abot na. Heto na at may natatanaw na silang nilalang, isang nakabibinging katahimikan ang sinukli ng pwersa ng Encantadia, wari'y isang katahimikan bago ang isang malakas na unos.
"Isang bata" sigaw ni Amadar na may matang matalas pa sa mata ng lawin, malinaw pa sa sinag ng araw, na kahit ang madilim pa sa takipsilim ay mistulang araw sa kanyang paningin. Ang nakabibinging katahimikan ay napalitan ng tawanan, "Amadar magsama ka ng dalawang tao at puntahan ang bata, siguruduhin niyong mailagay siya sa ligtas na lugar" utos ni reyna Helmechia. Iyon lang at dali-daling tumungo si Amadar at dalawang iba pa sa lugar na kinarororoonan ng bata.
""Anong ginagawa mo dito, alam mo bang delikado ngayon dito? Hndi ba nasabihan ang tribo ninyo at naririto ka, Anong angkan ba ang pinagmulan mo? Tanong ni Amadar
"Kayo ba ang pulutong ng mga Enkantada" ang tanong ng batang musmos. Isang maikling OO ang narinig kay Amadar at pagkatapos ay nawala ang 3 na parang bula, malalakas na ugong ang narinig ng gabing yon at pag-iyak ng bukang liwayway ay tumambad ang libo-libong bangkay ng lahing engkantada.
Walang sinumang makapagsabi kung anong nangyari ng gabing yon, kahit ang hangin ni Amihan ay tikom ang bibig sa pangyayari ng gabing yon. Nabigo ang lahing Enkantada.
"Ang gabing Madilim, ay didiligan ng dugo ng magigiting, isang ngiti ang manlilinlang, magiging bingi ang Diyos na si Emre sa sigaw ng bawat nilalang.
-berso 34 pahina 5904 sa aklat ni Casiopeia.
"Matalim na halakhak ng Isang Reyna, Ngiting matalas pa sa espada ni Haring Ibrahim, gughit sa bawat puso at leeg ng bawat nilalang"
-berso 23 pahina 28849 sa aklat ni Casiopeia
"Mananatiling madilim ang mga susunod na gabi, mahihimbing ang Diyos na si Emre ng 30 taon, 30 taong walang araw, 30 taong mawawala ang apoy ni Pirena"
-berso 46 pahina 5907 sa aklat ni Casiopeia.
Sa mga panahon ngang iyon ay nadurog ang puso ng lahing engkantada, naubos ang mga angkan na lumaban, nagtago sa liblib ang mga walang kakayahan, Nasakop ng puwersa ng Adia, ang 12 kaharian ng Engkantadia, Bumitaw sa pananalig ang karamihan ngunit nanatili sa paniniwala at pananampalataya ang 5 angkan ng engkantada, Ang Angkan ng Embre, ang angkan na biniyayaan ni Sangre Danaya na Kumontrol sa mga halaman, sila ang inaasahan ng mga Angkan sa masaganang ani, Ang Angkan ng Tendro, ang biniyayaan ni Sangre Alena ng magandang tinig, sila ang mga dating nag-aaliw tuwing may kasiyahan sa kaharian, Ang Angkan ng Hebro, ang may abilidad ng kakayahan ng liwanag, mula sa apoy ni Pirena, Ang Angkan ng Epesto, ang biniyayaan ng kakayahang metal, mga panday at mason, Ang Angkan ng Ero, ang Angkang biniyayaan ni Reyna Amihan ng banayad na hangin, lahat sila nabibilang sa mababang angkan, karamihan kundi lahat ay mga alipin, ngunit hindi sila bumitiw sa pananalig, hinihintay nila ang pagtupad sa propesiya ng Aklat ni Casiopeia,
"Darating ang araw na may 5 sinag, nakasisilaw, nakagigimbal"
-berso 23 pahina 35541 sa aklat ni Casiopeia
"5 sinag, iisang araw, bumangon na sa wakas sa pagkakaidlip ang Diyos na si Emre"
-berso 12 pahina 35578 sa aklat ni Casiopeia
"Ang sinag ay may tatak, ang tatak ay may kapangyarihan, ang kapangyarihan ay paglaya"
-berso 33 pahina 35590 sa aklat ni Casiopeia
Sinasabing ito ay kabilang sa magaganap na propesiya na Aklat ni Casiopeia. At ang araw na iyon ay malapit ng dumating, malapit na, malapit na kaysa sa inaasahan mo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)