Huwebes, Hunyo 16, 2011

LABANAN PT. 11

May 2 araw din ang ginugol nila sa pagbabaybay ng dagat, sa oras na iyon, nais sanang kausapin ni Andoras si Adwayan hingil sa kanilang hindi pagkakaunawaan, hindi kasi lingid sa kaalaman niya na hindi palagay ang loob sa kanya ni Adwayan, pagbaba nila sa lupain ng Topazio na pagmamay-ari ng angkan ng mga Tupas ay ikinataka nila ang payapang panahon, sa pagmamasid kasi sa ulap ay dito sa lugar na ito ang tahakin ng masamang panahon, ngunit maaliwalas ang panahon.
Nagtanong tanong sila hingil sa kinaroroonan ng batang ipinatapon sa lugar na iyon, ngunit walang magbigay ng impormasyon sa kanila, maggagabi na noon kaya't pumunta sila sa isang bahay panuluyan, doon ay nagdesisyon silang magpahinga muna, at bawiin ang mga lakas nila sa mahabang paglalakbay.

Sa kaharian naman ng Adian ay humarap ang isang sugatang si Camus kay Reyna Ferona, isinalaysay niya ang pagkabigo nila sa kanilang misyon. Sinabi niyang ang isa sa kanila ay magaling sa pana, ang isa ay isang dalagang encantada, ang isa ay isang binatang magaling sa espada at may isang babaeng nakatakip ng baluwana. Nagalit si Reyna Ferona kay Camus, ang lakaw daw ng loob nitong humarap sa reyna, gayong alam naman niyang hindi nagtagumpay ang misyon nila. At karapat dapat lamang ditong bigyan ng parusang kamatayan. Ngunit nakiusap si Camus na bigyan pa siya ng isang pagkakataon, tinanong siya ni Reyna ferona kung ano pang maipaglilingkod ni Camus gayung natao siya sa mga rebelde. Sinabi niyang alam niya ang kakayahan ng bawat isa dito at malaki ang maitutulong niya. Ngunit hindi nakinig si Reyna Ferona, dinampian niya ng kanyang hintuturo ang ulo ni Camus at naglaho ito.
Sinamo niya ang 2 sa kanyang 12 heneral, si Hen. Gamillo at Hen. Dostemor, ang heneral ng ika pito at ika labin dalawang pulutong. Tinawag niya rin ang matandang si Orke at hiniling na basahin ang prediksyon sa aklat ni Cassiopeia.
Muling dumating si Orke, nakarating dito ang balitang namatay na si Axillo, hinala niyang namatay ito sa kamay ng ibang kapitan ng Adian, umaasa siyang napadala ang mensahe ng nilalaman ng aklat ni Cassiopeia sa mga tagapagligtas.
Inutos ng Reyna Ferona kay Orke na basahin ang aklat muli niyang kinumpas ang kamay niya at lumapit ang aklat. Binuklat ni Orke ang aklat, unti unting lumitaw ang mga talatang
"Ang mga paa, ay mapipilayan, ngunit sa pilay na ito uusbong ang kapangyarihan, Ang mga bato ng sinaunang encantadia ay muling kikinang"
Nabahala si Orke sa nabasa, alam niyang may mamamatay sa mga encantada, kaya't nung tinanong siya ng Reyna hingil sa nilalaman ng nasusulat ay muli niyang nabangit ang mga katagang " ang Reyna ay mananatiling Reyna at Ang pachnea ay mananatiling pachnea"
"Kung hindi ako nagkakamali at talaga namang hindi ako nagkakamali ay nabangit mo na ang mga bagay na iyan sa akin, wala na bang ibang alam na sabihin ang libro kundi ang mga katagang yaon" sabi ng reyna
"Ngunit ang mga nasusulat po sa libro ay iyon at iyon din magbabago lamang ito kung may mahalagang bagay na magaganap" palusot ni Orke
"Ganoon ba? Marahil tama ka, makakaalis ka na" sabi ng Reyna
Tila nakahinga ng maluwag si Orke sa winikang iyon ng Reyna Ferona, akmang aalis na si Orke ng…
"Sandali laman po aking Reyna, ang matandang iyan ay nagsisinungaling" pagsamo ng Heneral Gamillo.
Galit na binalingan ng Reyna si Orke, "Tunay ba ang sinabi niya Orke" tanong ng Reyna
"Ang mga nilalaman po ng aklat ni Cassiopeia ay walang kasinungalingan" paliwanag ni Orke
"PAchnea hindi ko winikang ang libro ang mali kundi ang dila mo matandang mali mali" ani Gamillo.
"Ang iyong mga tagapagligtas ay mamamatayan ngunit ang mga ito ay magiging makapangyarihan dahil doon, Sabi rin sa aklat na makukuha ng mga tagapagligtas ang sinaunang brilyante ng encantadia, ang brilyante ng lupa,apoy,tubig, hangin at liwanag" dagdag pa ni Gamillo
Gulat na gulat si Orke sa narinig, nagtaka siya kung paano nalamn ng isang taga Adian nang nilalaman ng aklat, tanging piling encantada lamang ang binabahagingan ng ganoong kakayahan
Isang malakas na sampal ang natangap ni Orke, binalaan siyang sa susunod na magsisinungaling siya ay papatay ang Reyna ng isang encantada..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento