LUGAR: DAMBANA NG APOY
ORAS: Ika-80 oras ng araw, pag-inog ng ikatlong kalahating buwan.
PAKAY: Ang brilyante ng Apoy.
Takang taka pa rin si Helmechia na nawala sa paningin niya ang pag-alis ng bulag at ni Celestiya, matagl niya itong minatyagan, Mula pa noong bata sila ay alam niya kung saan makikita ito, ngunit ang lahat pa la ng nakita niya kay Celestiya ay pawang huwad lamang, nais niya tuloy malaman kung sino ang matandang bulag na nangalaga kay Celestiya, paano niyang nagawang ikubli ang tunay nilang pagkakakilanlan.
Ngunit wala ng oras narito na sila sa lugar ng Dambana ni Pirena. Nakatayo ang isang Kastilyong Napapaligiran ng apoy na hindi maapula, sinubukang gumamit ni Helmechia ng lupa upang tabunan ang apoy ngunit kahit lupa ay nag-apoy, napakalakas na kapangyarihan. Pihadong nandito na nga ang Diyosa ng Apoy na si Pirena.
Abala sila sa pag-iisip kung paano makakapasok ng may narinig silang nagsalita sa likuran nila, "Narito pala ang mga Pachne", Nanlaki ang mata nila ng makita nilang ang nagsalita ay ang tinakasan nilang 2 heneral si Dostemar at Gamillo. "Ngayon titiyakin naming wala ng tatakas" Ani Dostemar na kung noon ay nakamasid lang ngayon ay hawak hawak na niya ang tabak ni Porsellius, muling sinamo ni Helmechia ang espada ng Galvaira, susugod sana si Ravenum gamit ang panang ginawa mula sa tungkod ni Imao ngunit nilamon siya ng apoy na nakapalibot sa kastiyo, himala hindi siya napaso, babalik sana siya sa lugar ng labanan, ngunit pinigilan siya ni Reyna Helmechia, Sinabi sa kanyang ikaw lang ang pinahintulutan ni Hasan Pirena upang makita siya, inutusan niya itong tumuloy sapagkat wala rin itong maitutulong sa kanila kung mananatili ito, bumalik na lamang ito kapag hawak na nito ang brilyante ng apoy.
Tumungo nga si Ravenum ngunit nag-aalala ito sa kalagayan ng mga kaibigan, alam niyang noong huling laban ay wala silang nagawa rito, kung tututusin ay hindi nga gumalaw ang isang heneral ngunit natalo sila ng lubos.
Isang napakalaking pintuan ang binuksan niya, at tumambad sa kanya ang napakalaking pasilyo, wala iyong laman. "Ano ang gagawin ko rito? Tila walang laman ang pasilyong ito, hangal ata ang sinasabi niyang Orke para paglakbayin kami sa lugar na ito" wika ni Ravenum
"Sheda! Kailan ka pa nawalan ng pananalig sa panginoong Emre" Anang isang anino na hawak ang nagliliyab na espada
Sa lugar naman nila Helmechia…
Kinausap ni Helmechia ang 3 na pagtulungtulungan si Gamillo, subukan nilang mabuhay habang wala pa si Ravenum alam niyang hindi sila bibiguin nito.
Siya naman ay haharapin si Dostemar, kung makaalpas siya dito ay tutulong siyang makipaglaban kay Gamillo.
Sumugod nga si Helmechia kay Dostemar ngunit binalot silang dalawa ng isang itim na bagay na may 4 na sulo at dingding, puro itim sa loob unti unting nawalan ng paningin si Helmechia, ngunit si Dostemar ay maliwanag ang pagkakaita sa kanya. "Lumabas ka at magpakita, huwag kang magtago" ani Helmechia.
"Magtago? At sino ang nagtatago? Heto ako sugurin mo ako kung makikita mo ako. At ipapaalala ko lamang sa iyo hindi lamang paningin mo ang mawawala unti unti na ring susunod ang iyong ibang pandama, At…HI… m….na….r……..ako…..Ma…n.g, Unti unting nawala ang pandinig ni Helemechia, Sumigaw siya ngunit hindi niya narinig iyon, Sumigaw nga ba siya o bumulong lang hindi niya na masabi. Isang patalim ang naramdaman niyang bumaon sa kanya, gumanti siya ngunit wala syang natamaan, pinaglalaruan siya ni Dostemar.
Sa labanan naman nila Gamillo ay tila nahihirapan ang 3 ang sayaw ng esapada ni Andoras ay hindi uubra kay Gamillo, Sumugod naman si Adwayan gamit ang kanyang punyal ngunit sa bilis ni Gamillo ay nakaiwas ito at isang suntok sa mukha ang nagpatilapon sa kanya, pumoporma pa lamang si Onestes upang umatake ay isang bola ng kapangyarihan mula kay Gamilo ang tumama sa kanya.
---Sa kastilyo ni Pirena---
"Hasan Pirena alam kong ikaw yan, narito ako upang kuhanin ang brlyante ng apoy" wika ni Ravenum.
"At sa tingin mo bay ganung kadali laman iyon? Kailangan mo munang pumasa sa pagsubok na aking ibibigay bago mo makuha ang aking brilyante, Gusto mo itong makita, Ipakita mo sa akin ang tibay ng puso mo!" sabi ng anino na tuluyan ng nagliyab at nasilayan na ang mukha, ito nga ang banal na encantada ng apoy, si Reyna Pirena.
Hindi maintindihan ni Ravenum ang ibig sabihin ni Reyna Pirena, ang pakiwari niya ay kailangan niyang talunin sa labanan si Reyna Pirena bago makuha ang apoy, Talunin? Nagpapatawa ba siya. Kailangan niya ng isang malaking himala. Ngunit nag-aalala siya sa mga kaibigan niyang nakikipaglaban sa labas. Hindi na siya nag-isip at sinugod si pirena ng kanyang palaso, ngunit bago pa niya mabanat ang palaso ay nagliyab lahat iyon, wala na siyang armas, sumugod siya rito, at isang malaking bola ng apoy ang tumama sa kanya, nawasak ang isang bahagi ng pasilyo sa lakas ng kapangyarihan.
"Binata, sabihin mo lamang kung kaya mo pa, Iisang daliri pa lamang ang nagagamit ko sa iyo" sabi ni Pirena
Sadyang mali ang mga kwento sa libro, hindi lamang pala makapangyarihan ang mga banal na encantada ngunit napakamakapangyarihan, ano ang laban niya rito.
Kumumpas ang kamay ni Pirena at ipinakita rito ang imahe ng kanyang mga kaibigan na unti unting tinatalo ng 2 heneral, at muling sinambit ni Pirenang "Ipakita mo sa aki ang tibay ng iyong puso"
Muling sumugod si Ravenum kay Pirena, muli ay tinamaan siya ng apoy nito, imposible yata kahit ang mahawakan ang buhok ni Reyna Pirena. Minasdan niya ang kanyang mga kaibigan at nakitang tinamaan ng bola ng enerhiya ni Gamillo si Celestiya.
Wala siyang magagawa sa Reyna, nilisan niya ang pasilyo at dali daling tinungo ang lugar ng labanan, wala na siyang pakialam kung hindi niya makuha ang brilyante ang importante sa kanya ay maksama ang mga kaibigan, kahit na ito na ang katapusan nila, mas hindi niya mapapatawad ang sarili sa sandaling bawian ng buhay ang mga kaibigan ng wala siyang nagawa.
Pagdating niya sa labanan ay agad siyang sinugod ni Gamillo, kukunin niya sana ang kanyang palaso ngunit naalala niyang naabo na ang palaso niya kanina, ngunit desidido pa rin siyang salubungin ang espada ni Gamillo, handa na siya lalaban siya para sa ga kaibigan niya t sa encantadia.
Isang pagsabog ang naganap sa pagsugod aniyon ni Gamillo, napaiyak si Adwayan at inisip na hindi na mabubuhay ang kaibigan sa ganoong pag-atake. Si Andoras naman ay nakamasid kay Gamillo, nakita niya ang espada nito na tila natunaw sa isang matinding "APOY"…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento