Sa bahay panuluyan ay nagkaroon ng pagkakataong makausap ni Andoras si Adwayan hingil sa hindi nila pagkakaunawaan, una ay nagpasalamat si Andoras sa pagkakagamot nito sa kanya sa natamong sugat niya sa labanan nila ni Narvas, tinangap naman ni Adwayan ang pasalamat at sinabing kahit sino ay gagawin ang bagay na iyon, Tinanong niya si Adwayan kung bakit tila mabigat ang dugo nito sa kanya, sinabi ni Adwayan na hindi naman mabigat ang loob niya dito, sadya lamang na magkaiba ang kinalakhan nila at pamamaraan, lumaki siyang mahal ang mga pachnea samantalang si Andoras ay lumaking pumapatay ng mga pachnea. Nagpaliwanag naman si Andoras at sinabing hindi sila pumapatay ng walang dahlan, ang mga pachnea ay regalo sa panginoong Emre at nararapat na pakinabangan. Ngunit hindi ganoon ang tingin ni Adwayan sa mga pachnea, silay mga nilalang din ng encantadia na may karapatang mabuhay, hindi pa ba sapat ang biyaya ng matabang lupa upang sila'y mabuhay? Mukhang hindi sila talaga magkakaintindihan nito. Iniba na lamang ni Andoras ang usapan at sinabing gabi na at maaga pa ang gising nila bukas, niyaya niya itong umakyat na at matulog, ngunit tumangi si Adwayan at sinabing magpapahangin muna siya. Iniwan niya si Adwayan ngunit sinulyapan niya ito, kung hindi lamang ito ganoong kasungit ay tiyak na iibig siya dito, napakaganda niyang encantada at matapang. Ganun ang dilag na pinangarap niya. Tumalikod na siya ng patuluyan at umakyat. May kurot na naramdaman sik Adwayan hingil sa pag-iwan nito sa kanya ang akala kasi nito ay sasamahan siya sa gabing iyon, ngunit umalis ito. Parang hindi talaga bukal sa loob nito ang makipagkasundo sa kanya. Sandali lamang at umakyat na siya, napansin niyang nakhilig si Andoras, tila tulog na. Nais niya pa sanang makausap ito. Kung alam niya lamang na pinagmasdan siya ni Andoras mula sa bintana at binabantayan siya, kahit na kasi sabihing may taglay na kapangyarihan si Adwayan ay babae pa rin ito. Nais niyang siya ang magprotekta rito.
Lumipas ang magdamag…
Malaki ang lupain ng Topazio, malayo ito sa totoong nangyayari sa lupain ng encantadia, payapa dito na tla walang anumang paghihirap na nadarama. Tinungo nila ang lugar ng babaylan ng Topazio kinaumagahan upang doon magtanong. Ngunit hindi sila pinayagan na makita ang babaylan. Tila wala ng ibang paraang naiisip si Aquilla, kayat tinangal nito ang kanyang baluwana. Tanging pagyuko ang naisukli ng mga angkan ng Tupas, tumambad sa kanila ang matagal ng nawawalang Reyna Helmechia, mawala ito sa kasagsagan ng digamaan sa lupain ng Redentor.
Laking gulat ng 3 ng malaman na ang kasa kasama nila ay ang Reyna Helmechia, bata pa lang sila ay marami na silang naririnig na kwento hingil sa patas at mapayapang pamumuno ng Reyna. Lumabas ang babaylan at humingi ito ng paumanhin, nagpaliwanag ito hingil sa pagtatago nila sa batang ipinatapon ng Reyna ng Adia na si Reyna Ferona, pinaniniwlaan kasi ng mga Tupas na may basbas ni Emre ang bata, mula daw kasi ng dumating ito doon ay iniiwasan na sila ng malalakas na bagyo, nananatiling payapa ang hangin, bagay na maganda para sa tulad nilang nabubuhay sa paglalayag, pangingisda atbp gawaing dagat. Agad na ipinatawag ng babaylan ang mag-asawang nag-aruga kay Onestes, malambot ang tabas ng mukha nito at mahaba ang buhok ang mga mata nito'y kulay asul na tila isang payapang kalangitan.
Pinaliwanag ni Helmechia ang kanyang pakay sa dalaga ngunit hindi niya na ito dinetalye, mahirap na at baka may mga matang nakaaligid, naunawaan naman ng mga Tupas ang ibig ipahiwatig ng Reyna kaya't hinayaan na nilang dalhin nito si Onestes. Malungkot sila sa paglisan niu Onestes, nagsabi naman si Onestes na huwag silang mag-alala at hindi sila pababayaan ng Panginoong Emre. Mahinhin ito at pinong pino ang pag-uugali malayo kay Adwayan na magaslaw at palaban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento