Ngunit isinantabi ni Axillo ang bagay na iyon, imposibleng maging si Reyna ang babaeng nakasuot ng baluwana, ngunit nakasisiguro siyang isa itong makapangyarihang encantada.
Nag-umpisa ng bumuhos ang ulan ang mga maninipis na sinulid ng aura ni Camus ay unti unti ng nawala sa paningin ni Ravenum, bagay na ikinasiya ni Camus, hindi niya na mahuhulaan ang gagawin niya dito, nagdesisyong lumayo at magtago sa paningin ni Camus si Ravenum tumungo siya sa maliit na kagubatan, at tulad ng inaasahan ay sinundan siya ni Camus.
Sina Sipya naman at Adwayan ay patuloy sa paglalaban, delikado ang lagay ni Adwayan lalo nat paubos na ang kanyang punyal, sa huling punyal niya ay nagdesiyon siyang patamaan ang kamay ni Sipya sabay susugurin niya ito ng kanyal espada. GAnun nga ang pinalano niya nag-abang siya ng magandang pagkakataon, at ng dumationg ang oras na yon ay binato niya ng ubod lakas ang kanyang punyal na inaasinta ang palad ni Sipya, tumagos ang punyal at napako sa puno ang isang kamay ni Sipya, susugod si Adwayan ngunit pinigilan siya ng isang kamay nito, sa di inaasahang pagkakataon ay nakita niya ang pana na ginamit kanina ni Ravenum, pinulot niya ito at plano niyang isaksak kay Sipya, ngunit naramdaman niyang nahihilo siya, parang nawawala ang ulirat niya, lumayo siya at malakas na halakhak ang ginanti ni Sipya, sinabi niyang nakalimutan ata ni Adwayan na siya ang biniyayaan ng kapangyarihan ng kamandag, ang simpleng pagdampi ng buhok kanina ni Sipya sa kanya ay nagdulot paglipat sa kanya ng kamandag, naisahan siya nito.
Si Andoras naman ay tila sinusuwerte, nawala ang halimaw na lakas ni Mostar sa pagtakip ng ulap sa liwanag ng buwan, malakas parin ito at nasa anyong taong lobo pa rin, ngunit hindi tulad ng una niyang pagsugod, kakayanin niya na ito, binunot niya ang isa pa niyang espada at pumormang panlaban, Si Mostar naman ay Umalulong at muling nag-ibe ng anyo, isa na itong ganap na lobo, higit na malaki kesa sa isang normal na lobo, singlaki ito ng isang kalabaw, sinugod siya nito, totoong nawala na ang lakas ni Mostar ngunit napakabilis naman nito, nawawala ito sa dilim ng gabi, hindi niya masundan, higit na mabilis kesa kay Narvas.
"Babae huling pagsamo kong tangalin mo ang baluwana at magpakilala" wika ni Axillo, ngunit tumangi si Aquila, sumugod ito kay Axillo, humuhuni ang lupa sa kanyang pagsugod, aatras sana si Axillo ngunit tila nagkarro ng kamay ang lupa at hinuli ang kanyang mga paa, namalayan na lamang niya na nakatutuok na sa leeg niya ang mga arnis ni Aquila.
"tapos na ang laban na ito, bago kita paslangin nais kong malaman kung bakit ka naglilingkod kay Ferona" Sabi ni Aquila, Mayamaya'y nakikita ni Aquila ang tubig sa kamay ni Axillo, ang kaninang kadenang tubig na ginamit niya sa isang Akor ay nag-iba ng anyo, isa na itong armas na pandigma may ,mga matatalas na patalim sa dulo, anim na kuwerdas ng kadenang tubig, winasak nito ang lupang kaninang may tangan sa paa niya, agad agad na lumayo si Aquila. Tinangal nito ang baluwana nito at namangha si Axillo, daglian niyang binawi ang kadena ng buhay at yumuko sa harap ng babaeng kanina ay kanyang kalaban.
Si Adwayan naman ay tuluyan ng nawalan ng malay, naka higa ito sa putikang lupa, nilapita siya ni Sipya upang ihatid ang huling pagsugod, desidido siyang tapusin si Adwayan, akmang iababaon ni Sipya ang kanyang mga kuko sa walang malay na katawan ni Adwayan ng bumangon si Adwayan at itinulak papunta sa kanyang direksyon ang sarili niyAng mga kuko, bumaon ang kuko sa katawan ni Sipya, pareho na silang may lason, parehong nanghihina, ngunit ng oras na hihimatayin na si Adwayan ay biglang nagliwanag ito, lumipad ang mga tuyong dahon patungo sa kanyang direksyon, binalot siya nito, nagliliwanag, tila nawawala ang epekto ng lason, lumalakas siya, ilang sandali pa ay bumalik na ang buo niyang lakas, nakita iyon nila Aquila at Axillo, na ngayon ay magkasama na. si Sipya ay nakahandusay na sa putikan, paalis na sila ng bumangon si Sipya at sinugod si Aquila, nakita iyon ni Axillo at itinulak papalayo si Aquila, bumaon ang mga pangil ni Sipya sa leeg ni Axilo, inundayan naman ni Adwayan ng saksak si Sipya
" Ang lason sa laway ko ay daang beses na mas makamandag kaysa sa kamandag ng aking kuko" wika ni Sipya at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
"Nakita ko ang ginawa mo kanina ng pagalingin mo ang sarili mo, tulungan mo siya , pagalingin mo siya" utos ni Aquila
Ngunit hindi alam ni Adwayan ang gagawin,a ang alam niya ay kusang gumalaw ang mga dahon patungo sa kanya, hindi niya alam kung kaya niya bang tulungan ang naghihingalong si Axillo. Nilapit niya ang mga palad niya dito gaya ng dati niyang ginawa kay Andoras ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay hindi ito umubra. Tuluyang binawian ng buhay si Axillo, nakadama ng galit si Adwayan sa sarili dahil wala siyang nagawa sa ganoong sitwasyon. Sinabi ni Aquila na walang panahon para magluksa, at aalalahanin ng mga encantadia ang kabayanihang ginawa ni Axillo, ngunit hindi naintindihan ni Adwayan ang binangit ni Aquila, kanina lang kasi ay kaway nila ito, ano naman kayang kabayanihan ang ginawa ni Axillo?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento