Martes, Hunyo 7, 2011

LABANAN PT3

Isang babaeng nakatakip ng baluwana, isang uri ng panakip sa mukha ng mga kababaihan ang nagmamasid sa 5 gamit ang Kotar ni Bersillius, isang uri ng krystal na ginagamit sa digmaan upang magespiya sa kalaban. Hinihintay niya ang tamang oras, kung kailang ay hindi niya rin alam. Una siiyang tumungo sa lugar ni Adwayan, sa dulong hilaga ng Hordes sa lugar kung saan malayang nabubuhay ang mga uri ng hayop, balak niyang kunin si Adwayan, desidido siyang tupadin ang propesiya sa aklat. 2 malalaki at matatalas na pangil ang sumalubong sa kanya sa bungad pa lang ng Hordes, ngunit sa sulyap sa mga mata nito ay biglang umamo ang Pachnea, isang hawak sa sanga at tumubo ang tila napakatamis na bunga na binigay niya sa pachnea. Kahangahanga.

Tumungo siya sa lugar ng mga Hollias, mga matataas na uri ng pachnea, may kakayahan silang mag-isip ng tila isang normal na nilalang, at naroon nga si Adwayan, nababalot siya ng damit na gawa sa dahon, pinagtagmi tagmi, panapin sa paa na gawa sa kahoy, mahaba ang buhok at nagtataglay ng ganda ng isang Sangre, kaayaaya para sa isang nilalang na lumaki sa piling ng mga pachnea,
Nakipag-usap ang misteryosong babae sa matatandang Hollias, at hiniling niya ang basbas na maisama si Adwayan sa kanyang pag-alis. Hiniling ng mga Hollias na tangalin ng babae ang takip nito sa mukha pero mariin siyang tumangi at sinabing pinagbawalan siya ng Diyos na si Emre na Ipakita ang kanyang mukha, hindi naging madali ang pakikipagkasundo sa mga Hollias, sinabi nilang may dalang suwerte si Adwayan at mula ng dumating si Adwayan ay naging maganda ang tubo ng kanilang pananim, Inalok ng babae ang buto ng puno ni Onad, na nagbibigay ng matabang lupa sa lupaing nakatanim ito, isang buto na pag-mamay-ari ni Sangre Danaya, nagtaka ang isa sa mga Hollias at tila ba pamilyar ang mga mata ng babae, ng napagtanto ng Hollias ay bigla siyang yumuko at humagulgol, sabay wikang ang tagal naming hnintay ang iyong pagbabalik. Lumisan sila Adwayan at ang babae sa lugar nanatiling mga ngiti ang sinukli ng Hollias, ngitng punong puno ng pag-asa na darating na ang wakas ng pang-aapi, babalik na ang kapayapaan, bumalik na siya.

Naglakbay ang 2 patungo sa bundok ng Mustre, sinabi ng babaeng tawagin na lang siya Aquila ni Adwayan. Ngumiti lang si Adwayan, hindi siya kampante sa babae, tila ba may bukod sa kanyang mukha ay may iba pa itong inililihim mula sa kaniya. Ngunit sabi naman ng mga Hollias ay magtiwala siya rito ng buong puso.

Sa kanilang daan ay huminto sila sa lupain ng Anotor, lupain na pinamamahalaan ni Heneral Dobleras, pinuno ng ikatlong debisyon ng pulutong ni Reya Ferona, kailangan nilang daanan ang bayan na ito upang marating ang bundok ng Mustre, Huminto sila sa isang bahay panuluyan upang magpalipas ng gabi, na sa baba ay may nagkakagulong mga sundalong Adian, malalakas na tawanan ang maririnig mula sa mga ito, mga engkantada ang nagsisilbi sa mga ito, naging alipin na lang ang mga engkantada simula ng maalamat na digmaan sa lupain ng Redentor, isang engkantada ang sinubukang bastusin ng isa sa mga sundalong Adian, ngunit nanlaban ito, isang malakas na sampal ang sinukli ng sundalo, Inutusan ni Aquila si Adwayan na umakyat na at huwag pansinin ang nagaganap na awayan, ngunit ng narinig ni Adwayan ang isa pang matunog na sampal ay hindi ito nakapagpigil at sinungaban niya ang isa sa mga sundalo, Tila ba isang nagwawalang pachnea ang sumugod sa sundalo, isang mabangis na nilalang na handang kitlin ang buhay ng sundalo. Tumayo ang iba pang mga sundalo ngunit ng akmang tutuong sila ay mga baging na may tinik ang pumulupot sa kanila, kagagawan ito ni Aquila, na nagbantang isang maling hakbang nila ay babaon ang mga tinik sa kanilang malalambot na katawan pipigain sila hangang mawalan ng buhay, bumitaw si Adwayan sa pagkakapasan sa isan sundalo, Nakipagkasundo si Aquila na pakakawalan sila kung mananatiling lihim ang nangyari sa lugar na iyon at pumayag naman ang mga sundalo, bagay na hindi ikinatuwa ni Adwayan, kahit kasi sa malayong lugar ng Hordes ay maririnig mo ang balita ng pang-aapi ng mga Adian, kaya lumaki siyang may galit sa mga ito.

Dali daling nagdesisyon si Aquila na umalis, sa kadahilanang maaring hindi tumupad sa kasunduan ang mga sundalong Adian at sila'y tugisin, kailangan manatiling lihim ang kanyang misyon hangang dumating ang tamang oras, ngunit mariing tumangi si Adwayan, sinabi nilang nararapat lang lalo na manatili sila sapagkat ang mga engkantadang maninilbi ang mananagot kapag hindi sila natagpuan ng mga ito. Isang mariing suntok sa sikmura ang tinugon nI Aquila, dahilan upang mawalan ng malay si Adwayan at sapilitang dalhin ni Aquila at itago sa katabing gubat nito.

Nagising si Adwayan na mahapdi ang sikmura, tanaw na tanaw niya ang usok na nagmumula sa bayan, iyon ang lugar ng panuluyan, natanaw niya sa di kalayuan si Aquila na pinagmamasdan ang apoy, sinugod niya ito at mariing sampal ang ginanti niya dito, Nanatiling tahimik si Aquila at umiiyak, kinuwestiyon siya ni Adwayan sa desisyong ginawa niya, kung paano siyang nakatitiis na pinapanood ang apoy, samantalang sana ay nakatulong sila, Sinabi ni Aquilang hindi pa ito ang tamang oras, at mas makatutulong kung maghihintay sila. Hindi ito matangap ni Adwayan, sinabi niyang babalik siya sa bayan at tutulong. Hindi siya pinigilan ni Aquila sabay tinanong kung anong kaya niyang gawin, marahil ay nandoon na ang isa sa mga kapitan o ang isang heneral, ano ba ang kaya niyang gawin lalo na at sa isang ordinaryong Adian ay galos at kalmot lang ang nagawa niya. Natigilan si Adwayan alam niyang may katotohanan sa sinabi ni Aquila, ganon ang paraan ng pakikipaglaban niya, ganon ang natutunan niya sa mga pachnea. Sinabi ni Aquilang sa tagal niyang pinagmamasdan ang hirap ng mga engkantada, hindi lang sunog ang nakita niyang paghihirap, na ang mga bagay na ito ay normal na sa pang-arawaraw. Hindi sa wala siyang ginagawa dito, wala lang talaga siyang kakayahang gawin ang lahat ng mag-isa. Namulat si Adwayan at hiniling kay Aquila na turuan siya ng paraan ng pakikipaglaban. Sumang-ayon si Aquila sabay sabing ituturo rin niya dito ang paggising sa kaniyang kapangyarihan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento