Tumatanda si Ravenum, bumagsak siya ng dahil sa pagkahapo, ang kanyang edad ngayon ay tila hindi kyang dalhin ni ang bitbit niyang pana. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, nagawa ng kalaban na patandain siya, tila wala na siyang laban, napansin niyang dumidilim na ang kanyang paligid, at mukhang natalo siya sa labanang ito.
Nang may narinig siyang isang maliit na tinig, "Ravenum, Ravenum, hangang diyan na lamang ba talaga ang kaya mong gawin? Idilat mo ang mga mata mo." Wika ng tinig
Minulat ni Ravenum ang kanyang mata at napansing ang kanyang paligid ay tumigil, napansin niya sa isang dako na may nilalang na kulay pula ang nakatingin sa kanya at tinatawag ang kanyang pangalan.
"Liban kasi'y puro kayabangan ang inuuna mo, kesyo para sa karangalan nito para sa karangalan noon, para sa karangalan ng walang kwentang bagay, tingnan mo ang sarili mo, nakakaawa ka, hindi ako makapaniwalanag hinayaan mong gawin ng isang matandang hukluban ang ganyang bagay sa iyo" sabi ng isang nilalang
Isang wasiwas ng kamay ng nilalang na ito at nagbago ang paligid, napunta sila sa isang lugar kung saan punong puno ng apoy.
"Ako si Ifrit ang gabay diwa ng apoy, ang lugar na ito ay napapaloob sa puso mo, maiinit tamang tama para sa isang nilalang na tulad ko" wika ng nilalang
"Bakit nananatili ka pa ring matanda? Ang lugar na ito'y ang puso mo, magagawa mo ang kahit nong gustuhin mo dito"tanong ni Ifrit
Isang kisapmata ni Ravenum at bumalik siya sa kanyang tunay na edad.
"Anong pakay mo at dinala mo ako dito" wika ni Ravenum
"Narinig ko ang pagsigaw ng puso mo, ayokong naririnig na sumisigaw ng pighati ang puso mo, dito ako nananahan, nabibingi ako sa pighati mo sa tuwing ikaw ay malulumbay, Nais mo bang mabuhay o nais mong madamang ikaw ay buhay? Muling tinanong ni Ifrit
"Nais kong sagipin ang encantadia" sagot ni Ravenum
"Pachnea, hindi ka isang bathala upang sagipin ang buong encantadia ng ikaw lamang, palagi mong nalilimutan na may mga kasama ka, huwag kang magmataas dahil lamang sa brilyante ng apoy na hawak mo" saad ni Ifrit
"ito ba ang iyong ipinagmamalaki" sabi ni Ifrit sabay lumitaw mula sa kamay ni Ifrit ang brilyante ng apoy.
"Paanong napunta sa iyo ang brilyante" manghang tanong ni ravenum
"Ang kapangyarihan mo ay kapangyarihan ko rin, ngunit ang kapangyarihan ko ay kapangyarihan ko lamang, nais mo itong makamtan, kailangan mo akong gapihin sa laban" hamon ni Ifrit
Mula sa mga apoy ay lumitaw ang hindi mabilang na armas, palakol, sibat, espada, pana atbp.
"Maari kang mamili ng kahit anong sandata" wika ni Ifrit sabay lapit sa pinakamalapit na espada at kanya itong hinugot.
Tinungo naman ni Ravenum ang isang pana ngunit bago pa man siya makalapit dito ay sinugod na siya ni Ifrit, namangha siya dahil tila seryoso ang nilalang sa pagkitil sa knyang buhay.
Ginamit ni Ravenum ang kanyang apoy ngunit hinigop lamang ito ni Ifrit, nawala sa loob niyang isa itong nilalang ng apoy, Na nananahan sa lugar na puro apoy, paano niya matatalo ang ganitong nilalang.
Wala siyang pagpilian kundi kunin ang pinakamalapit na sandata sa kanya, isa itong nag-aapoy na latigo, kahit hindi siya bihasa dito ay wala na siyang magagawa.
Winasiwas niya patungo kay Ifrit ngunit pinagpirapiraso lamang nito ang latigo, tumakbo siya palayo sa nilalang, ngunit mabilis ito at isang napakalakas na sipa ang natangap niya mula rito, tumilapon siya ng napakalayo ngunit bago pa siya huminto sa pagtilapon ay isa na namang suntok ang natangap niya mula kay Ifrit, at bumagsak siya na patang pata ang katawan.
Naisip niyang wala na siyang pag-asa, napakalakas ng nilalang at wala siyang laban dito. Ngunit nakita niya sa pangitain niya ang lahat ng umaasa sa kaniya upang magtagumpay, ang mga ngiti ng mahal niya sa buhay, na maaring mawala sa sandaling panghinaan siya ng loob.
Mula sa kaniyang pagkakahiga ay bumuga ang napakalakas na apoy, hinigop nito ang apoy sa lugar, napakalakas. Sinugod siya ni Ifrit ngunit pinigilan ni Ravenum ang espada gamit lamang ang kanyang kamay, binali niya ang espada at tinutok kay Ifrit ang baling punyal.
"Nagwagi ka Ravenum, Hayaan mong ipahiram ko sa iyo ang lakas ko" paglabas mo dito ay tawagin mo ang pangalan ko at ang kapangyarihan ko ay magiging bahagi mo" wika ni Ifrit
''''''''''''''
Muling umandar ang oras na nahinto pansamantala kanina
Tinalikuran na ni Xeno ang matandang katawan ni Ravenum.
"Ang akala ko pa naman ay bibigyan mo ako ng magandang laban, di bale ilang sandali na lamang at makikipagkita ka na kay kamatayan dahil sa katandaan mo" panunuya ni Xeno
Mula sa likod ni Xeno ay naramdaman niya ang nagbabagang apoy, lumingon siya at nakita niyang nag-aapoy si Ravenum, at tila muli itong bumalik sa pagkabata.
"Anong salamangka ang ginamit mo at paano ka nakabalik sa pagiging bata" inis na sabi ni Xeno
"Tanda! Ang apoy ay mananatiling apoy, lumipas man ang isang milyong pihit ng buwan, mawawala ang lahat ngunit ang apoy ay mananatiling apoy pa rin" sagot ni Ravenum
"PACHNEA!!!!" sigaw ni Xeno
"Damhin mo ang kapangyarihan ng aking brilyante at gabay diwa! HADES! Pumarito ka" Isinigaw ni Xeno ang ngalan ng kanyang gabay diwa at nagkaroon siya ng isang kalawit.
"Mag-iingat ka binata ang kapangyarihan ng aking gabay diwa ay ang pangongolekta ng kaluluwa, sa sandaling matikman nito kahit katiting ng iyon dugo ay sigurado na ang iyong katapusan" wika ni Xeno
"Ifrit!" Sinigaw rin ni Ravenum ang ngalan ng kanyang gaby diwa at lumitaw ang isang pana na sinlaki ni Ravenum, hindi niya pa lubusang naiintindihan ang kapangyarihan ng kanyang gabay diwa.
"Magaling ! Magaling! Sa nakikita ko'y natutunan mo na rin ang paggamit sa iyong gabay diwa, " wika ni Xeno
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento