Mismong si RAvenum ay namangha sa nagawa ng kanyang gabay-diwa, naisip niya na kung mas lalakasan pa niya ang apoy na gagamitin niya bilang palaso ay mas lalakas pa ito. Lalo na kung dadagdagan pa niya ito ng isang makapangyarihang sumpa, para ano pa't hinanda siya ng mga Akor at inaral niya ang lahat ng sumpa ng apoy kung hindi man lamang niya magagamit, at sa tingin niya ay magandang pagkakataon ito upang subukan ang mga inaral niya, ngayon na nagising na ang apoy niya.
"ang apoy na nagpapadilim sa liwanag
sing dilim ng gabing walang buwan at bituin
sisilaban ang espasyo at susunugin ang espiritu
Hervacio ng silangan
Parikit ng Hilaga
Pilato ng Kanluran at
Amoderal ng Timog
Ang mga apoy ng apat na sulok
Halikayo't pagningasin ang aking kaluluwa"
"INOCENCIS!!!!!!!
Ang apoy na hugis palaso ni Ravenum ay naging kulay itim, nagawa niyang tawagin ang itim na apoy, ang apoy na kayang tumunaw kahit na kaluluwa ng kahit na sinong nilalang, handa na niya itong itira sa kinatatayuan ni Xeno. Ngunit hindi papayag si Xeno, Sumambit si Xeno ng isang sinaunang sumpa...,
Ang oras ng kalawakang hindi matitibag
Iikot at Iinog na singbagal ng Perikalta
Animo'y hihinto ang pagpatak ng ulan
titigil ang dahon sa pagbagsak sa taglagas
Ipadama mong dapat kang katakutan
Dingin o ang panawagan ni Hades!
BANUO!!!!
Napansin ni Ravenum na nawala sa kinatatayuan niya si Xeno, isang sugat ang natamo niya, nagulat siya sa bilis ni Xeno
"Huwag kang mag-alala ang sugat mong iyan ay natamo mo mula lamang sa punyal na ito, at hindi kay Hades, gusto kong makitang dahan dahan kang nagagapi, premyo mo mula sa pagkakaputol mo ng aking braso. Si Hades ay tinurok ko sa lupa upang pabagalin ang panahon sa lugar na ito" paliwanag ni Xeno.
Lumapit si Xeno sa isang ibong huminto sa paglipad "Nakakamangha bang pagmasdan ang aking kapangyarihan? ang mga bagay na hindi makagalaw ay walang laban sa akin" sabay pinisa nito ang ibong walang laban.
Napansin ni Ravenum na bumagal nga ang panahon, maging ang pagbagsak ng ibong kinitlan ni Xeno ng buhay ay napakabagal, ngunit hindi pa siya nawawalan ng pag-asa, may naiisip pa siyang huling baraha.
Muli siyang nasugatan ni Xeno, ibinaon ni Xeno ang punyal sa kanyang kaliwang hita at iniwan ni Xenong nakabaon ang punyal at muli itong humugot ng isa pang punyal.
"Tunay na walang epekto sa iyo ang aking brilyante ngunit ang simpleng punyal pala ay sapat na upang kitlin ang iyong buhay. Sa kaliwang braso, kanang hita, sa kamay.... Hmmm saan kaya mas magandang iturok ang isang punyal na ito?, Mukhang huling punyal ko na ito, kung iturok ko na lamang kaya sa puso mo? Huwag kang mag-alala, dahan dahan kong ibabaon ang punyal sa iyong dibdib, mararamdaman mo ang hapdi at sakit ng bawat oras. HAHAHA" panunuyang sabi ni Xeno
Dumudugo na ang dibdib ni Ravenum, ngunit bago pa tuluyang naibaon ni Xeno ang punyal sa kanyang dibdib ay bumaon dito ang apoy ng Inocencis.
"Papaano kang nakagalaw?" pagtataka ni Xeno
Napansin ni Xeno na ang kalawit niya na si Hades ay nilulusaw na ng magma.
"Tinawag ko ang apoy mula sa ilalim ng lupa, nakalimutan mo na ata na may mainit na bahagi ang bawat mundo., habang abala ka sa mahabang seremonyas mo kanina ay unti unti ng umakyat mula sa ilalim ng lupa ang aking apoy, tunay nga na limitado lamang ang kapangyarihan mo sa ginagalawan natin" wika ni Ravenum
At tuluyan ng bumagsak si Xeno, Nais pa sanang tumulong ni Ravenum sa laban ng kanyang mga kaibigan ngunit sa lagay niya ngayon ay tila imposible.
........
SUSUNOD
Ang pagsigaw ng gabay diwa ng tubig!
Helianthus, ang espadang niyebe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento