Linggo, Hulyo 24, 2011

Labanan sa setro pt. 28

Hindi makapagdesisyon si Celestiya kung tatangalin na niya ang harang na tubig upang makahinga, ngunit sa sandali namang gawin niya ang bagay na iyon ay nag-aabang si Presumar upangh tugtugin ang musika ng kamatayan. Tila wala na siyang pagpipilian kundi ang tawagin ang kanyang gabay-diwa, nag-aalala lamang siya sa kung anong maaring mangyari sapagkat hindi pa niya lubusang nakokontrol ang kanyang gabay diwa.


HELIANTHUS!!!! sigaw ni Celestiya


Sa sandaling sinambit ni Celestiya ang pangalan na iyon ay nagyelo ang buong paligid, hiniwa niya ang baluting tubig na naging yelo gamit ang isang espada, ang espadang yelo na si helianthus.


"Ang akala ko ay hindi ka na lalabas sa lungang pinagtataguan mo"wika ni Presumar


Napansin ni Presumar ang kamay ni Celestiya na may bahid ng dugo ng dahil sa yelong espada, napag-alaman niyang hindi pa lubusang nauunawaan ni Celestiya ang kanyang gabay diwa.


"Mukha yatang ayaw kang sundin ng iyong gabay diwa, napansin kong ang mga kamay mo ay tila nagyeyelo"saad ni Presumar


"Napansin mo pala, ayaw ko sanang gamitin ang paraan na ito, ngunit wala akong pagpipilian, mag-iingat ka Adian, hindi ko pa lubusang nkokontrol ang kapangyarihan ito." wika ni Celestiya



Nagsimulang umulan ng niyebe sa lugar na kanilang pinaglalabanan, nagsimula na ring tumugtog si Presumar, ang musika ng kamatayan.


*Kailangang maunahan ko na siya sa pag-atake bago pa makumpleto ang musika ng kamatayan, dahil sa sandaling makumpleto ang musikang iyon ay tiyak na ang aking katapusan* wika ni Celestiya


Sumugod si Celestiya gamit ang Helianthus, isang wasiwas ng espada at maging ang hangin ay nagiging yelo, Ngunit tila lumalaban ang espada, hindi niya matamaan si Presumar dahil kumakawala ang espada, may sarili itong isip at sariling diskarte sa paglaban, ayaw nitong sundin ang gustong mangyari ni Celestiya.


Itinusok ni Celestiya ang espada sa lupa at sinambit ang isang sumpa


"Ang niyebe ng hilagang sing-init ng apoy

Ang yelong kumulong sa reyna ng unang panahon

dingin mo ako yelo ni Hasan Esmeralda

balutin at itago sa panahon ang nilalang na ito

sinasamo ko ang kapangyarihan ng tubig

pakingan ang dasal ng iyong tagasunod

ibigay ang kapangyarihan upang gapihin ang kalaban

paglahuin ang kasamaang aking nasisilayan"


FREVILAS!!!!


Unti unting nababalot ng yelo ang katawan ni Presumar, umaakyat mula sa paa patungong beywang, sa pag-aakalang magtatagumpay na si Ceestiya, laking gulat niya ng huminto ang pag buo ng yelo ang yelo na aakyat mula sa beywang ang nadudurog kagagwan ng brilyante ng tono, ngunit lalo pang lumakas ang pagbagsak ng niyebe, tuloy lamang sa pagtugtog ng musika si Presumar, hiniwa niya ang katabing puno na nagyelo, pinagpirapiraso gamit ang helianthus at binato patungo kay Presumar, ngunit nadurog ang lahat ng ito bago pa man tumama kay Presumar dahil sa kapangyarihan ng brilyante ng tono.


Malapit ng matapos ang musika ngunit wala pa ring magawa si Celestiya, pinikit niya ang mga mata niya at handa na niyang tangapin ang kamatayan. Nagulat siya ng huminto ang musika, idinilat niya ang mata niya at nakita niya si Presumar, nanginginig sa lamig, hindi niya matugtog ng maayos ang biyolin ng dahil sa panginginig.


Ginamit ni Presumar ang brilyante ng tono at binasag ang mga yelong pumipigil sa kanyang mga paa, sa halip na muli siyang tumugtog ay sumugod ito kay Celestiya gamit ang brilyante ng tono, iniwan nito ang biyolin na si Requiem sa lupa na puno ng niyebe, nagpakawala siya ng napakalakas na tunog na nagwasak sa mga batong nagyeyelo, patungo ang malakas na tunog sa kinaroroonan ni Celestiya.


Nagulat na lamang si Presumar ng makita niyang hinihiwa ni Celestiya ang mga tunog, gamit ang helianthus.


Sinugod ni Celestiya si Presumar, ngunit nakaiwas ito.


"Kung ganyan ka kabagal ay wala ka pa ring magagwa sa akin, encantada" pagmamayabang ni Presumar


"Hindi ikaw ang pinupuntirya ko Adian, Kundi ang instrumentong ito" sabay pakita ng biyolin na si Requiem


"Ibalik mo sa akin yan" utos ni Presumar


"Narinig ko ang iyak ng iyong biyolin, napakalungkot nito, dati sana siyang ginagamit upang magpagaan ng loob, Pachnea!! damhin mo ang musika ng paghihiganti" galit na sabi ni Celestiya


Ginamit niya ng magkasama ang biyolin na si Requiem at si Helianthus bilang "fiddler", Napakalungkot ng tunog, napansin niyang muli siyang nagyeyelo, ginamit niya ang brilyante ng tono ngunit hindi nito magawang pahintuin ang musikang sinasambit ng dalawang gabay diwa, napakalakas ng kapangyarihang nabubuo dito. Walang nagawa si Presumar, nabalot ng tuluyan ang buo niyang katawan sa yelo, ang yelong hindi natutunaw, iyon ang yelo ng Frevilas na mas lalong pinalakas ni Helianthus at Requiem.



susunod: Pagsabog ng kapangyarihan ng lupa!

Ang mga mata ng Lemery, mga mata ng karimlan

2 komento:

  1. HUMM, Sana may definite time ng pag-update, para alam namin kung kelan magbabasa, thanks po!

    TumugonBurahin
  2. Avisala @Jeffrey pasensya na kung walang eksaktong oras kung kailan ako magpopost, madalas kasi ay magpopost ako sa tuwing may libre lang akong oras, kung nais niyo naman ay tuwing weekend na lamang ako maguupdate. Tungkol naman sa iyong isang komento, karamihan kasi sa mga encantadiks ay nais makita na mayroon pa ring partisipasyon ang 4 na sangre sa kuwento, tanging ang alamat lamang ng labanan sa setro ni Reyna Camilla ang kuwento kung saan may malaking partisipasyon ang 4 na sangre.

    Salamat sa iyong pagbabasa. :)

    TumugonBurahin