Si Celestiya naman ay nagdesisyong harapin ng mag-isa si Presumar sa paniniwalang nakalalamang siya dito, ngunit nagkamali siya, may kakayahang agawin ng brilyante ng tono ang musikang nililikha niya sa tuwing kakanta siya.
"Tinatawag ko ang aking gabay diwa, REQUIEM!!! wika ni Presumar sabay lumabas ang isang biyolin.
"Narinig mo na ba ang Alamat ng Musika ng kamatayan, binibini?" tanong ni Presumar
"Ang alamat ng tunog na ikinamatay ng isang banal na encantadia? at ano namang pakialam ko roon?" wika ni Celestiya
"Mabuti at alam mo at hindi na ako mahihirapang magpaliwanag sa iyo, ang musikang iyon ay aking tutugtugin, ang huling musikang iyong maririnig" HAHAHA!" panunuya ni Presumar
Mula sa lupa ay bumulwak ang napakaraming tubig, sumisirit sila, tumatakip kay Celestiya, nagsisilbing panangga. Naghahanda siya para sa pagsugod ng musikang ponebre.
"Magaling ang naisip mong gamitin ang tubig upang pigilang marinig ang musika ng kamatayan, hindi bale, dumedepende ang tunog na kayang tumagos sa baluti mong tubig sa lakas ng musika." wika ni Presumar
"Tingnan natin kung tatagos ang tunog na iyan sa kapal ng pader ng tubig ko" saad ni Celestiya sabay lalong dumami ang tubig na sumisirit sa lupa.
"Marahil nga ay tama ka, pero hangang kailan ka tatagal? Ano kaya ang unang mauubos, ang lakas mo o ang hanging pumapasok sa liit ng espasyo ng iyong kinalalagyan?" tanong ni Presumar
Tama si Presumar, malaking bahagi ng enerhiya niya ang nuubos sa pagdepensa lamang sa tunog ni Presumar, kailangan niya ring umatake upang manalo, nararamdaman niya na rin ang pagnipis ng hangin sa kinalalagyan niya.
Sa dako naman nila Andoras....
Pinagtulung tulungan nila Andoras, Onestes at Liyebres ang Henral na si Jugo, ngunit kahit na ang paglapit man lamang sa heneral ay tila imposible, napakalakas nito, isang padyak sa lupa at niyayanig ang kinalalgyan nila.
Umupo si Jugo at naghihintay ng susunod na pagsugod mula sa 3, Si Liyebres ay sumambit ng sinaunang sumpa, na nagpapalakas sa katawan.
"Pagpupuri sa bantay ng hilagang lupa
Minamatyagan ng bituing Amecadia
Gamit ang lakas na sinubok na ng panahon
Tinatawag ko ang lakas ng diablong si Privera"
Ang katawan ni Liyebres ay nagbago, binunot niya ang isang puno na malapit sa kanya at ibinato iyon kay Jugo, ngunit sinapo lamang iyon ni Jugo gamit ang isang kamay, pinaikot ikot gamit ang isang daliri, hinagis at sa isang wasiwas ng kamay ay nadurog ito.
"Iyon na ba yon? Kung wala na kayong maipapakita ay sapat na sigurong kitlin ang inyong mga buhay, nagsisimula na akong mainip, tila ang mga nag-aalab niyong mga mata kanina ay napalitan na ng takot, tinatamad na akong lumaban" inis na sabi ni Jugo
...........
Si Adwayan naman ay kanina pa patakbo takbo sa palaisipang gubat na kaniyang napuntahan, pakiwari niya'y lalong lumalayo sa kaniyang paningin ang puno ni Danaya, ngunit hindi siya maaring huminto, naririnig niya pa rin mula sa likuran ang labanan na iniwan niya, nagsakripisyo ang kanyang mga kaibigan upang makapunta siya rito, at hindi iyon mapupunta sa wala, sisiguraduhin niyang makukuha niya ang brilyante ng lupa ni Reyna Danaya.
Naalala niya noong kabataan niya ng maligaw siya sa kagubatan ng Hordes, ang luga na kinalakhan niya, sa tuwing maliligaw kasi siya ay til humuhuni ang kalikasan at itinuturo sa kanya ang tamang daan, sinusundan niya noon ang pagsayaw ng mga tuyong dahon na tila nais na sumunod siya, at ang mga pachneang tila may nais sabihin sa kanya. Huminto si Adwayan sa pagtakbo, huminga ng malalim at huminahon, pinakiramdaman niya ang paligid at hindi nga siya nagkamali naroon muli ang pakiramdam na tila may nais sabihin ang kalikasan sa kaniya. Ang pagsayaw ng mga puno na tila mayroong itinuturo sa kanya, sinubukan niyang sundan ang itinuturong lugar ng mga dahon at sanga ng bawat puno. Ngunit sa kanyang pagkagulat ay bumulaga sa kaniya ang isang napakalaking pachnea, mabangis ito, may kaliskis itong tila sa isang dragon, buntot na patulis na may matalim at matigas na bagay sa dulo nito, may matatalas itong kuko at ang laway nito'y kayang tumunaw ng bato.
Inihanda ni Adwayan ang kanyang mga punyal, sumugod ang pachnea at tinamaan si Adwayan ng buntot nito, humagis si Adwayan sa lakas ng pachnea. Susugod sana si Adwayab ngunit napansin nitong may kakaiba sa kilos ng pachnea, sa lakas at laki ng pachneang ito ay kayang kaya nitong kitlin ang kanyang buhay ngunit hindi ito gumagalwa mula sa kaniyang kinalalagyan, sumugod lamang ito ng nakita ang kanyang mga punyal,
Nagdesisyon si Adwayan na itapon ang kanyang mga punyal, at tumigil ang pachnea sa pag angil, Lumapit si Adwayan sa pachnea, alam niyang nararamdaman ng mga ito kung meron panganib ang lumalapit sa kanila, nalungkot si Adwayan, kailan ba siya nag-iba at tila nakalimutan na niya gnilang bagay sa kaniyang kinalakhan. Buong tiwalang inabot ni Adwayan ang kanyang mga palad sa mukha ng pachnea, hindi niya iniisip ang mga laway nitong may kakayahang tumunaw ng bato, hinimas niya ang pachnea at humingi ng paumanhin. Tila naintindihan ng pachnea si Adwayan at humuni itong parang nagpapasalamat. Nangiti si Adwayan, ngunit sa kaniyang pagtataka ay naglaho ang lahat na parang ilusyon lamang, at nakita niya ang halos wala ng buhay na katawan ni Andoras na hawak hawak ni Jugo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento